Confession 8

1.3K 91 5
                                    

"The face! Ang kapal!"

"Yeah, right? Nagawa pang mag-show up today after what she did last night."

"You need not tell."

Rinig kong bulongan ng mga estudyante sa hallway ngayong umaga habang papunta ako sa room for my first subject. Mali, hindi pala bulongan, rinig na rinig ko, eh. Sinasadya nilang marinig ko, daig pa nila ang may mga megaphone sa lakas ng boses nila.

Oo, nakakahiya 'yong nangyari kagabi pero sinadya ko ba? Tsaka ang mahalaga ay 'yong sinabi ng birthday celebrant na it was alright, di ba? Mga echoserang palakang 'to, oo, bahala sila sa gusto nilang sabihin, hindi naman ako ang mai-stress.

Hello, morning sun! Goodbye, worries about last night! Ang sunny ng mood ko ngayon, hinatid kasi ako ni Lucas sa bahay kagabi and somehow it makes me feel so light and warm inside.

Speaking of Lucas, I see him now with Sheira as I pass by the cafeteria. Two of the hottest freshmen, both look like they're happy with each other. Both are rich and good-looking and rich and good-looking, kahit saang anggulo mo tingnan ay bagay sila. Nagsusubuan pa ang dalawa, ang sweet nila. Pssh. Public Display of Affection, sila na!

Pero teka, di ba parang may mali? Naalala ko ang usapan nila sa chapter one. I remember na parang ayaw ni guy kay girl. Ah, ewan. I remember na may klase pa ako. And Lucas is just my friend, nothing more, nothing less.

Ngayong araw tinalakay namin sa aming Ethics class ang tungkol sa sinasabing the most powerful law in the whole universe. Guess what it is. It's called the Law of Attraction.

Habang papunta ako sa study shed kung saan ako kakain ng lunch ko, sikreto kong ina-apply ang nalaman ko patungkol sa nasabing Law of Attraction. Ang sabi ay lahat daw ng bagay na gusto mong mangyari ay mangyayari kung ifo-focus mo lang ang iyong buong isip at diwa sa pag-iisip ng bagay na gusto mo. Dagdag pa, the more you focus, the more you will attract the forces of the universe to be in your favor and conjure up things that you deeply desire.

Pero waley, wala namang nangyayari. Ang sama pa rin ng tingin ng mga tao sa akin even though nag-focus na ako sa pag-iisip na hindi na nila ako titingnan ng masama. Whatalife, kailangan ko bang mag-apologize publicly or something? No, kahit na pumuti man ang uwak at magkapakpak ang kalabaw, kasi aksidente lang ang lahat.

Naghihintay si Von at Patricia sa study shed.

"Look, Diane. Von and I also brought baon para may kasabay ka ngayon. Mind if we join you here?" nakangiting sabi ni Patricia.

"Oh, sure. No prob. Nasaan sina Liza at Janella?" tanong ko kay Patricia.

"They didn't show up in class today. They did not contact me this morning. Anyway, are you OK now? Don't drop your eyebrows like that. Huwag mo nang problemahin 'yong kagabi. It was nothing."

"Tama, friend. Huwag mong dibdibin, ikaw lang mahihirapan niyan. Huwag mong idibdib, may likod ka pa," ani Von at napangisi silang dalawa ni Patricia. Ah, hindi ko gets, joke ba 'yon? Ngumisi na lang din ako.

Tatlong araw na simula nang naging tambayan na naming tatlo ni Von at Patchi (nickname ni Patricia) ang study shed, do'n na rin sila kumakain at minsan ay nagpapa-order pa sila ng mga masasarap (at mahal) na pagkain mula sa food court ng school. Kahapon ay nakita ko ulit si Lucas at kasama niya ulit si Sheira nang napadaan ako sa Cultural Performing Arts Guild office ng campus pero maliban do'n ay wala akong ibang info sa dalawa o kung may namamagitan ba sa dalawa. Busy ako sa studies ko.

Kasabay ng pagtagal ko rito sa Peruse College ay ang pagiging challenging ng major subjects ko. Ako ang top sa mga minor subjects namin pero nahihirapan ako sa major subjects namin which is the more important dapat.

This ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon