Nagtataka ako kung ano ba ang gustong sabihin ni Lucas. Tumalikod na ako para bumalik na sana sa loob ng apartment nang makita ko ang bukas na pinto ng apartment! I remember, hindi ko pala ito nasarhan kanina dahil sa pagkasabik kong makipag-usap sa pamilya ko. Mabuti na lang walang bad guy na pumarito ngayon, kabilin-bilinan pa naman ni kuya na palaging isarado ang pinto.
Pumasok na ako sa apartment at sa dingding sa gilid ng pinto ay may nakasabit na salamin, nakita ko ang repleksyon ko roon.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. "Hi, fella!" chin-up kong sabi at nag-pose sa harap ng salamin habang iniimagine na isa akong sikat at maganda at flawless na artista. Flying kiss here, flying kiss there. Mwaah! Thank you, thank you. Wave hands.
Natawa ako sa aking sarili saglit, halatang wala akong magawa. Hinihintay ko ang pagpepep ng kotse ni Lucas sa labas nang biglang nag-kring-kring ang phone ko. Nakita kong si Kuya Ariel ang tumatawag.
"Oh, kuya, asa'n ka na?" tanong ko kay kuya sa phone.
"Inday, pahinging kunting favor saglit," sabi ni kuya na hindi ko nasagot, naputol kasi ang aming usapan dahil biglang na-lowbat ang phone ko. Ang ginawa ko ay tinext ko na lang si kuya.
"Sure, kuya. Anytime, anywhere. Kahit ano, basta huwag lang ang maglaro ng Flappy Bird sa phone mo dahil alam mo namang wala akong ka-talent-talent do'n, wala pa nga akong score eh game over na agad. PS Lowbat ang phone ko, hindi pwedeng tawagan," sabi ko sa text. Ang haba ng tinype kong message, ang sakit ng daliri ko sa pagpindot, fufufuu.
Toot-toot!!
"Punta ka rito sa kalapit na mall ng apartment," text ni kuya. "Mag-jeep ka na lang para mabilis. Dalhin mo ang brown wallet ko na nasa loob ng kwarto ko, naubos kasi ang pocket money na dala ko."
"Opo," reply ko naman.
Lumabas na ako ng gate ng apartment at sumakay na ng jeep patungong mall kagaya ng iniutos ni Kuya Ariel. Hawak-hawak ko ang phone ko, naghihintay kung may dadating bang text mula kay Kuya Ariel o sa boyfriend ko. Mapayapa akong nakasakay at nakipagsiksikan sa jeep nang sumigaw ang katabi kong lalaki.
"Holdap 'to!" sigaw ng lalaking katabi ko. Ouch ha! Ang lakas lang niyang sumigaw ha, para siyang nakalunok ng megaphone, hindi ba siya natatakot na baka biglang huminto ang jeep at may makarinig sa kanyang police officer?
"Itaas ang inyong mga kamay!" utos ng holdaper. Nagtaasan naman kaming mga pasahero ng aming mga kamay habang naninigas ang aming mga katawan. Bakit ganyan ang mga holdaper, kailangan talagang itaas ang kamay, hindi ba pwedeng hands forward grace na lang o hands sideward para maiba naman?
"Tapos ano, kuya holdaper? Iwawagayway namin ang aming mga kamay at sabay-sabay na aawit? Sabihin mo na dali para matapos na 'to, pagod na ako sa mga ganitong scene na may bad guy. Kahapon mga kidnaper, tapos ngayon ikaw? Pshhh! Kaloka na! Nakaka-stress na kayo! Ang sarap pitikin ng mga itlog niyo para matauhan na kayo talaga," angal ko pero joke lang, may hawak kasing dangerous weapon si kuya holdaper sa harap ko, at ayoko pang malagutan ng hininga. No, no, no, no!
"Ibigay niyo sa akin ang mga phones at alahas niyo," utos ulit ni kuya holdaper. "Huwag kayong magtangkang pumalag o humingi ng tulong kung ayaw niyong malintikan! Dali, ibigay niyo na ang mga gamit niyo! Kung sino ang magmamatigas at walang ibibigay ay sa kangkongan pupulotin!"
Napatingin sa akin ang lahat. Bakit? Itinaas ko kasi ang aking kamay, hindi para pumalag at magpaka-hero kundi para magtanong.
"Kuya holdaper, mami-miss ko po ang phone kong ito. Kahit ganito lang 'to ay ang laki ng sentimental value nito sa akin, pwede bang gamitin ko ito sa pag-text sa huling pagkakataon?" tanong ko.
Napakunot ng kanyang noo ang holdaper. "O sha, bilisan mo," pagpayag niya.
Si Lucas ang ininform ko na may holdapang nagaganap sa jeep na sinasakyan ko. Pero sinabi kong huwag siyang mag-alala at tinext ko rin siyang iyon na ang huling text ko sa kanya gamit ang pinakamamahal kong Nokia 3310.
Nakuha na ng holdaper ang gamit ng ibang mga pasahero at binalikan niya ako. Humingi na naman ako ng pabor na kung pwede ay kunin ko 'yong sim card ko dahil ayokong bumili na naman ng sim, sayang ang 20 pesos ko na pwedeng pambiling Cornetto. Umoo ulit si kuya holdaper (napaka-considerate niya, ano?) pero no'ng nakita niya ang modelo ng phone kong iniaabot ko sa kanya ay nagdalawang isip siya kung kukunin niya ba ito o hindi.
"Sige na, kuya holdaper, tanggapin mo na. Ito lang talaga ang makukuha niyo sa akin. Ibibigay ko na lang po itong phone ko para lang huwag niyo akong gawan ng masama," pagpupumilit ko.
"Huwag na, nakakaawa ka naman eh," sabi ni kuya holdaper na mukha ngang naaawa sa akin. Magmamakaawa pa sana ako pero hinablot na niya ang phone ko eh. Ang labo niya! "Pero sige na nga, pwede na 'tong pagtiyagaan. Sayang din 'to," sabi niya at pinahinto ang sasakyan at parang bulang naglaho sa mga paningin namin.
Huhuhuu. So long, my Nokia 3310... You will always be remembered at ang lahat ng pinagsamahan natin!
Nakarating na ako sa tapat ng mall at nakita ko si Kuya Ariel, mayroon siyang bitbit na isang puting kahon. Tinanong niya ako kung bakit ang tagal ko at sinabi ko sa kanyang naholdap ang sinakyan kong jeep at kinuha ang phone ko. Pumasok kami ng mall kung saan mas safe ang lugar at ibinigay ko sa kanya ang wallet niya.
"Ano ba 'yang binili mo, kuya? Para kanino ba 'yan?" tanong ko kay kuya habang nilalagay niya sa kanyang bulsa ang wallet niya.
"Sinadya ko talagang bilhin 'to. Para sa 'yo," sabi ni kuya at ipinakita niya sa akin ang laman ng kahon, nasa loob nito ang isang simple yet elegant skyblue casual dress made from silk cloth na mayroong maraming makinang na beads.
"Wow, kuya! Over-over sa ganda ever!" paghanga ko sa ganda ng bestida habang tinitingnan ko ito.
"Masaya akong nagustohan mo, inday," sabi ni kuya. "Ito ang dahilan kung bakit naubos ang pocket money ko, pero worth it naman, hindi ko pinanghihinayangan. This is my gift for you."
"Tapos na ang birthday ko, kuya. Para saan 'yan?" tanong ko.
"Para sa date mo," sabi ni kuya. "Tinawagan ako ni Lucas kaninang umaga para hingin ang permiso ko na i-date ka niya ngayong gabi. Pumayag naman ako pero sa kondisyon na iuwi ka niya sa apartment bago ang alas-dose."
Ako idi-date ni Lucas? Ba't hindi niya sinabi sa aking magde-date pala kami? Kay kuya ko pa nabalitaan. Wait, baka iyon 'yong sinasabi niyang tinext niya na hindi ko na-receive? Ohmysiomai, sorry, Lucas!
"Inday, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ha," tahimik na sabi ni kuya. "Sinabi ko sa ate natin na may boyfriend ka na pero huwag kang mag-alala, napagkasunduan namin ni Ate Clar na ikaw ang may karapatang sabihin sa mga magulang natin 'yon."
"Salamat, Kuya Ariel!" sabi ko, touch na touch ako sa mga sinabing iyon ng kuya ko. Tsk. Gusto ko na tuloy sabihing boyfriend ko ang kapatid ng lalaking nanloko sa ate namin noon.
"Mag-enjoy ka sa date mo, hah. Maghihintay ako hanggang twelve midnight. Nagkita nga pala kami ni Lucas kanina at pagkatapos magmano ay binilhan niya ako ng inaasam kong libro para basa-basahin ko raw habang hinihintay kita mamaya. Alam mo, ang elegante lang ni Lucas, natutuwa ako sa kanya," sabi ni kuya tungkol kay Lucas. Mukhang boto si kuya kay Lucas ah. Oo nga pala, si Lucas! Baka kanina niya pa ako hinihintay sa apartment, wala pa naman akong phone para i-contact niya.
MH Lucas, I'm coming! Ngayon aynasanay na ako sa tawagan naming 'MH' ni Lucas. 'Pag naririnig kong tinatawagniya akong gano'n, lumalapad ang atay ko, nagiging masaya ako, isa iyongpatotoo na hindi gawa-gawa ng imahinasyon ko na ang isang tulad niya aynagkagusto sa isang tulad ko.
---
#ThisProbinsyana
BINABASA MO ANG
This Probinsyana
Fiksi RemajaAno ang kaya mong isakripisyo para sa pangarap mo? Para sa pamilya mo? Para sa taong mahal mo?