Chapter 1: The New Girl

49.5K 638 42
                                    

June 14, 2010

 

Adrian's POV

First day ng school. Ang ingay. Ang daming nagtatawanan at naghihiyawan. Ang daming mga babaeng nagtitilian. Aakalain mo tuloy parang ten years nang hindi nagkikita. Yun pala, dalawang buwan lang naman nawala. Kainis. Ang hirap tuloy makatulog.

"Ui Rian. First day na first day ng school tapos tulog ka na agad." Hirit ng bestfriend kong si Ervin Guerrero.

"Oo nga naman. Unang araw palang ng school year pero wala ka na agad ganang pumasok." Dagdag pa ng isa sa mga kabarkada naming si Vince delos Reyes.

Hindi ko na sila pinansin at sinubukang matulog ulit sa bench na kinahihigaan ko. Nasa back garden kami ng St. Gabriel University, isa sa mga tambayan namin sa school kapag nagdiditch kami o naghahanap lang ng lugar na matulugan. Pero mga two years ago, hindi lang simpleng tambayan etong lugar na 'to para sa akin. Dito ko siya laging kasama noon.

Biglang nagring yung bell. Assembly sa hall na.

"Rian, di ka pupunta?" Tanong ni Ervin.

Binuksan ko yung mga mata ko tsaka umupo sa bench. Imposible na rin naman kasing makatulog ulit. Maingay na masyado.

"Dali na nga." Sabi ko sa kanila, sabay tayo. Kinuha ko yung backpack ko na nakasandig sa bench. "Tsaka wag niyo nga akong tawaging Rian. Ang baduy pakinggan." Dagdag ko.

Nag-grin lang yung dalawang kumag.

"Aatend ka ng assembly? May nangyari bang himala?" Asar ni Vince.

Sinapak ko siya sa ulo.

"Ulul! Ang ingay niyo kasi kaya hindi na ako makatulog." Sabi ko.

Nagtawanan na lang kami.

Oo nga pala. Ako si Adrian Hilario. Seventeen years old at kasalukuyang third year high school student dito sa St. Gabriel University. Simula pre-school, dito na ako nag-aral kasama ng kambal kong si Ericka. Ang malas ko noh? Babae pa yung naging kambal ko. Bungangera pa. Yung masaklap sa lahat, lagi ko yung kaklase bawat school year. Mas nakakawalang-gana tuloy pumasok.

Papunta na kami sa hall nung bigla kaming salubungin ng isa pa naming kabarkada na si Luis Padilla.

"Aba, anong nakain mo at naisipan mong umattend ng assembly Rian?" Asar niya.

Agad na nagtawanan sina Vince at Ervin. Sinapak ko silang tatlo.

"Mga ulul. Dali na nga." Sabi ko, sabay pasok sa hall.

Nagbibigay na ng welcoming address yung principal namin nang makaupo kami sa mga assigned seats namin. Oo nga pala. Ito yung isa sa mga rason kung bakit hindi ako umaattend ng assembly. Dahil sa mga boring na speech ng principal namin.

Pagkalipas ng isang oras, natapos na rin yung napakahaba at nakakaantok na speech. Nagring ulit yung bell tapos nag-umpisa nang magsipunta yung mga estudyante sa mga classroom nila.

"Oo nga pala. Narinig kong meron daw tayong bagong transfer student galing sa States. Tapos kaklase daw natin." Sabi ni Luis habang naglalakad kami.

"Talaga? Babae o lalaki?" Agad na tanong ni Vince.

Nag-grin si Luis.

"Sabi nila, babae daw. Tapos mayaman tsaka maganda. Tagapagmana daw kasi ng isang malaking kumpanya sa America."

Napangiti na rin si Vince.

"Ayun oh! Jackpot! Tapos kaklase pa natin siya. Swerte naman."

"Tss. Kahit kailan talaga Vince, paghahanap lang ng chicks yang laging nasa isip mo." Sabi ni Ervin.

"Anong masama dun? Wala naman akong girlfriend ngayon kaya okay lang yun. Diba Rian?" Tingin sa akin ni Vince.

"Wala naman akong pakialam kahit sinuman yung babaeng yun. Pare-pareho lang naman silang lahat. Madaling palitan kung hindi na kailangan." Sabi ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Ervin pero di ko lang pinansin. May girlfriend kasi yung kumag kaya nainis sa sinabi ko. Natamaan ata.

Pilit namang tumawa si Vince para mabawasan yung tensyon.

"Oo nga naman noh." Sabi niya, tapos biglang iniba yung topic.

Nakatingin pa rin si Ervin sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit ganun yung pananaw ko sa mga babae. Hindi naman ako ganito kayabang at kasama noon. Hindi nga ako playboy noon eh. Simple lang yung rason kung bakit ako nagbago. Dahil ako mismo, naranasan nang maloko ng isang babae. Akala mo lang, sayong-sayo na siya. Pero yun pala, hindi ka lang aware na may kinakasama na siyang iba. Pinaasa ka lang sa wala. Ang saklap nun noh? Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganito ako. Matigas ang puso pagdating sa mga babae.

Napatigil ako bigla nang magring yung cellphone ko.

"Ba't ka tumigil Rian?" Tanong sa akin ni Luis.

Nilabas ko yung phone ko.

"Mauna na kayo. May tumatawag pa sa akin eh." Sabi ko.

Tumango na lang silang tatlong tsaka umalis. Tiningnan ko yung Caller ID ng tumatawag. Unknown yung number. Sino kaya tong istorbo na 'to?

"Hello." Sabi ko.

Walang sumasagot. Tiningnan ko yung phone ko, on-call naman. Tsaka may signal rin naman ako.

"Hello. Sino 'to?" Sabi ko ulit.

Wala pa ring nagsasalita. Tapos maya-maya bigla na lang nag-end yung call. Bastusan? Walang hiyang kumag. Binabaan ba naman ako. Bad trip tong prank caller na 'to ha. Panira ng araw!

Nagmadali na ako papunta sa klase ko. Baka sermonan pa ako ng adviser ko kung late ako. Malas ko lang, nandun na nga talaga yung teacher namin nung pumasok ako ng classroom.

"So glad to have you join us, Mr. Hilario." Mapait na salita ni Ms. Javier.

"Good morning Ma'am." Sabi ko, halos wala nang pakialam na late ako.

Sinamaan niya ako ng tingin tsaka tinuro yung isa sa dalawang bakanteng upuan sa gitnang row.

"Take your seat Mr. Hilario." Utos niya.

Tumango na lang ako tsaka dumiretso sa upuan ko. Doon ko lang napansin na hindi lang pala mag-isa si Ms. Javier sa harapan ng classroom. Nakatayo sa tabi niya, isang babae. Nakaschool uniform siya, maputi, at mukhang mayaman. At aaminin ko, maganda nga talaga siya. Pangmodel yung mukha. Pero hindi yun yung rason kung bakit ako biglang napatulala sa kanya. Dahil yun sa familiar yung itsura ng babaeng yun. Hindi. Mali pala. Alam kong kilala ko yung babaeng yun.

At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, bigla akong napatayo.

"Naomi?" Tingin ko sa kanya.

Nagulat yung mga kaklase ko sa ginawa ko. Kahit sina Ervin, napatingin rin sa akin. Pero kahit ganun, wala talaga akong pakialam kahit anong isipin nila. Nakatitig pa rin ako sa babae sa tabi ni Ms. Javier.

Nabigla na lang ako nang tumawa siya.

"Oh my god, what a greeting! Hindi ko yun ineexpect lalo na sayo Rian." Tawa niya. "Did you miss me that much?" Ngiti pa niya.

Hindi ko alam kung anong masasabi ko. Masyado akong nagulat sa pagbalik niya dito. Pero bakit ibang-iba na siya? Siya ba talaga ang Naomi Rodriguez na kilala ko? Yung Naomi Rodriguez na bumiyak ng puso ko?

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon