July 24, 2010
Adrian’s POV
“Ayoko na! Ayoko na talaga!” Ang panglibang beses na sigaw ni Naomi nung hapong iyon. May biglang lumabas na kamay sa dingding at humawak sa binti niya, na naging dahilan ng kanyang pagsigaw ulit.
“Tama na nga yang pagsisigaw mo at kumalma ka lang.” Sabi ko naman, sabay sipa sa kamay. Agad itong bumalik sa likod ng dingding.
Kung nagtataka kayo kung bakit merong mga kamay na bigla na lang lumalabas sa dingding, gusto ko lang ipaalam sa inyo na nasa Haunted Mansion kami ngayon, isa sa mga attractions sa theme park na pinagmamay-ari ng papa ni Vince. Birthday niya kasi ngayon kaya nilibre niya kami dito nina Naomi bilang blowout.
At kung nagtataka naman kayo kung bakit kami magkasama ni Naomi ngayon, gusto ko lang ipaalam sa inyo na HINDI NAMIN SINASADYANG MAGSAMA DITO. Apat kasi kaming pumasok kanina. Ako, si Sabrina, si Luis at si Naomi. Magkakasama kaming apat nung una, pero bigla na lang kaming naghiwa-hiwalay nang mag-umpisa nang magsilabasan ang mga ghosts, monsters at kung anu-ano pang mga kababalaghan dito. At sa huli, kami ni Naomi ang nagkasama.
“Ayoko na talaga. Gusto ko nang lumabas dito!” Sigaw na naman ni Naomi, nanginginig na sa takot.
Napunta sa kanya ang titig ko, at hindi ko mapigilang magbuntong-hininga. Simula pagkabata kasi, takot na si Naomi sa mga ganitong klaseng bagay.
“Bakit ka pa ba kasi pumayag na sumama dito?” Tanong ko.
Nilayo niya sa akin ang tingin niya.
“Hindi mo na kailangang malaman ang dahilan ko.” Sagot niya.
Hindi na ako nagtanong pa at inabot na lang sa kanya ang kamay ko.
“Dali na nga. Kesa manatili na lang tayo dito, mas magandang hanapin na lang natin yung exit.” Sabi ko.
Nung una, tinitigan niya lang ang kamay ko, halatang nag-aalinlangan.
“Oh, ano? Dali na.” Ulit ko.
Hinawakan na rin niya ang kamay ko at tahimik siyang sumunod sa akin. Pinilit ko ang sarili kong magkunwaring hindi masyadong apektado. Mas magandang hindi niya malaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa paghawak niya.
Oo, alam kong naguguluhan kayo kung bakit ako nagiging ganito. Lalo na dahil ang sobrang sweet namin tingnan ni Sabrina nung date namin. PERO AKALA NIYO LANG YUN.
Kasi nung mga oras na yun, habang magkasama kami ni Sabrina, ang puso ko nama’y punung-puno sa selos tuwing nakikita kong masaya sina Naomi at Luis na magkasama. Oo, NAGSESELOS AKO. Lalo na talaga nang makita ko kung gaano na sila kalapit sa isa’t isa. Hinding-hindi matatawaran ang kagustuhan kong hablutin ang kamay ni Naomi at umalis na lang kasama siya. Ganun katindi ang pagseselos ko. Swerte nga at napigilan ko ang sarili ko ng mga panahong iyon. At buti naman at hindi ko masyadong napahalata ang mga tunay na nararamdaman ko.
Alam kong mali ang ginagawa ko. At alam kong mali ang mga nararamdaman ko. Pero sadyang hindi ko talaga mapigilan ang puso ko. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nito makayanang kalimutan si Naomi. Kaya pati ako, hindi pa rin tuluyang makapagbitaw.
Pagkalipas ng ilang minuto ng paglalakad, mukhang malapit-lapit na kami sa exit. Wala na kasi masyadong mga booby traps tsaka mga ghosts na lumalabas. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nanatili namang tahimik si Naomi sa likod ko, nagmamasid na lang at hindi umiimik. Parang nakakailang na tuloy ang sitwasyon namin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Teen Fiction[Sweet Vengeance Series Book I] [Summary] MU na kayo. Kulang na lang sagutin mo siya. Malas mo lang at may niligawan pa siyang iba. At ang masaklap sa lahat, yung inaakala mo pang best friend ang naging girlfriend niya. Ito ang story ng love life ni...