July 5, 2010
Naomi’s POV
“Oh my goodness! Kailan pa yan nangyari?!” Ang malakas na tili ni Ericka nung umagang iyon.
Isang kinikilig na Summer ang agad na namula.
“Just this weekend during our stay in Tagaytay.” Pabulong niya, sabay ngiti. “After hanging out and talking to each other for the whole day, nalaman naming marami pala kaming similarities and are pretty much alike. And after getting to know a lot about each other, he asked me out.”
Tumili nang sobrang lakas si Ericka. Kahit ako, hindi rin mapigilang ngumiti sa kilig.
Eto kasing sina Summer at Vince, bigla na lang nagkadevelopan. Natamaan ata sila pareho. Mukhang hindi lang tuwing Valentines Day umaaksyon si Kupido.
Patuloy lang sa panggigisa si Ericka kay Summer nang biglang bumukas yung pinto at pumasok ng classroom sina Adrian, Ervin, Vince at Luis. Napatingin kaming tatlo sa kanila at binati sila ng “good morning”. Pero nang mag-eye contact kami ni Adrian, agad akong naglook-away at itinuon na lang ang atensyon ko kela Summer. Bakit kaya hindi ko siya makayanang tingnan sa mata? Damn conscience. Wala naman akong ginawang sobrang sama ah! (>_<)
“Oh, ayan na yung sweetie pie mo, Summer!” Pang-aasar ni Ericka habang ngiting-ngiti.
Namula na naman si Summer. I forced a smile. Pinilit ko ang sarili kong magkunwaring kinikilig nang sobra-sobra. Pero sa totoo lang, nawala na ang morning jitters ko at that moment.
Nang makita naming naglalakad papunta sa amin si Vince, agad akong hinila paalis ni Ericka.
“Sige Summer. Naomi and I will leave to give you two some privacy.” Sabi niya sabay kindat.
Wala nang iba pang magawa si Summer kundi tumango na lang. Nang makalayo-layo na kami ni Ericka, agad siyang tumigil at tiningnan ako nang diretso.
“It’s been two days since the outing in Tagaytay. Ano nang gagawin mo?” Tanong niya.
Napailing ako.
“Truth be told, I don’t even have a clue on what I’m going to do.” Sabi ko, sabay buntong-hininga. “Basta, bahala na.”
Mukhang may sasabihin pa sana siya nang may biglang tumawag sa akin.
“Naomi, may gustong kumausap sa’yo!” Sabi ng kaklase naming si Jamie Castro.
Tumango ako.
“Sige, we’ll talk about this later.” Pagpapaalam ko kay Ericka.
She nodded and squeezed my hand.
Nang lumabas ako ng classroom, nakita kong hinihintay ako ni Sabrina Dominguez, pinsan ni Gab at isa sa mga kasamahan ko sa cheerleading squad. Pareho kaming 3rd Year, pero she belongs in Section 2.
“Oh Sab. May gusto ka daw sabihin sa akin?” Bati ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at tumango. Pero naguluhan ako sa ekspresyon sa mukha niya. Ba’t mukhang sobrang kabado siya?
“Umm…Naomi.” Umpisa niya, nanginginig pa ang boses. “Pwede bang humingi ng pabor?”
I blinked back several times in surprise. That was unexpected.
“Sige. Ano ba yun?” Tanong ko.
“Pwede bang samahan mo akong pumunta sa pwesto niyo ni Adrian Hilario? Seatmate mo naman siya diba?” Pakiusap niya.
Mas lalo lang akong naguluhan. Bakit niya gustong puntahan si Adrian?
“Umm, sige.” I managed, still confused.
Pumasok kami sa loob ng classroom at dumiretso papunta sa row namin ni Adrian. Saktong-sakto, nandoon siya sa upuan niya, nakapatong ang mga paa sa mesa, natutulog.
“Adrian.” Tawag ko pagkarating namin doon.
Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya at umunat. Nang makita niya kami, agad siyang napaupo nang maayos.
“Bakit? Ano yun?” Tanong niya.
Pinilit ko ang sarili kong manatiling nakatingin sa kanya, which was already so hard to do. Simula kasi nung nag-away kami nung Sabado, hindi na kami nag-usap kahit ni isang beses man lang. Iniwasan namin ang isa’t isa at pinaniguradong hindi kami magsasama sa isang kwarto nang kaming dalawa lang. Nakipagpalitan pa nga si Adrian kay Luis ng room assignment para lang lubayan ako. And I have to admit, I felt relieved when he left.
Kasi tuwing nakikita ko siya, laging bumibigat ang dibdib ko.
Laging akong binabagabag ng konsensya ko.
At laging nasasaktan ang puso ko.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Sabrina.
“May gustong kumausap sa’yo.” Sabi ko, sabay turo kay Sabrina.
Napunta ang tingin ni Adrian sa kanya. Kabadong lumapit si Sabrina.
“Umm, Adrian. Naaalala mo pa ba ako?” Tanong niya.
Recognition flashed in Adrian’s eyes. Nag-grin siya.
“Sabrina Dominguez diba? Yung seatmate ko last year?” Tanong niya.
Agad na napangiti si Sabrina.
“Oo. Buti naman at naalala mo pa rin.” Sabi niya, tuwang-tuwa.
Tumango si Adrian.
“Siyempre naman. Hindi naman ako madaling makalimot.” Tawa niya. “Ano bang gusto mong sabihin sa akin?”
Nanumbalik ang kaba sa mukha ni Sabrina. Pero maya-maya’y huminga siya nang malalim at isang determinadong ekspresyon ang ipinakita niya.
“Adrian, matagal na akong may gusto sa’yo. Pero I didn’t have the courage to tell you about my feelings. Not until today.” Sabi niya. “I hope that you would consider me and get to know me better. And I know that it’s sudden, but can I please be your girlfriend?” Tanong niya.
I didn’t bother to hide my shock. Hindi ko yun inaasahang mangyayari ngayon. Pero wala akong ibang magawa kundi manatiling nakaimplanta na lang sa kinatatayuan ko, nakatitig sa kanila pareho. Kahit si Adrian gulat rin sa biglang pag-alok sa kanya ni Sabrina. Pero nauna siyang makarecover kesa sa akin.
And there was no mistaking the look that he was giving me.
It was the same look that I gave him when Luis asked me out.
Kaya hindi na ako nagulat sa naging sagot niya.
“Sige ba.” Sabi niya, sabay ngiti.
Totoo nga talaga ang sinasabi nila.
History repeats itself.
Pero mukhang nagkabaliktad ang mga pangyayari sa sitwasyon namin.
Kasi si Adrian na ang naghihiganti ngayon.
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Teen Fiction[Sweet Vengeance Series Book I] [Summary] MU na kayo. Kulang na lang sagutin mo siya. Malas mo lang at may niligawan pa siyang iba. At ang masaklap sa lahat, yung inaakala mo pang best friend ang naging girlfriend niya. Ito ang story ng love life ni...