Chapter 36: Enchanted

13K 179 9
                                    

 

August 11, 2010

 

Naomi’s POV

“Ayan, perfect!” Alyssa immediately exclaimed after she finished applying my make-up and arranging my costume for me. Itinapat niya ako sa salamin at agad na itinuro ang repleksyon ko. “See? You look like a real-life Juliet! Absolutely beautiful!” Dagdag pa niya.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa sarili ko nung mga sandaling iyon. Naka-one-sided braid yung buhok ko, tapos nilagyan ni Alyssa ng light make-up yung mukha ko. Kahit simple lang kung tutuosin ang pag-ayos niya sa akin, parang hindi pa rin ako makapaniwala na yung sarili ko talaga ang nakikita ko nung mga oras na iyon. Parang ibang tao talaga kasi ang kaharap ko.

“Sige na. Ikaw na ‘tong may future bilang isang professional make-up artist.” Agad na puri ko sa kanya, sabay ngiti.

Tumawa naman ang kabarkada ko, halatang nasisiyahan nang sobra-sobra dahil nagustuhan ko ang naging kinalabasan ng gawa niya.

“Siyempre kailangan ko talagang galingan noh.” Sabi niya. “Lalo na dahil si Naomi Rodriguez pa naman ang inaayusan ko. Baka patalsikin pa ako sa drama club kung magkamali lang ako ng lagay ng eyeshadow sa’yo!” Dagdag pa niya.

Hindi ko mapigilang tumawa na rin nang marinig ko ang mga sinabi niya.

“Ikaw talaga. Ang OA mo naman kung makapagsalita diyan.” Sabi ko habang humahalakhak.

Binigyan niya ako ng isang grin at kumindat pa siya sa direksyon ko.

“Basta, humanda na lang ang lahat mamaya paglitaw mo sa stage. Siguradong maglalaglagan ang mga panga nila kapag makita ka na nila. At mas lalo lang ma-i-in love ang buong male population ng St. Gabriel University sa’yo, pati na rin ang mga iba pang manonood galing sa kabilang school!” Ang mapanigurado niyang pahayag.

Hindi ko mapigilang tumawa muli. Etong babaeng ‘to, masyado talagang OA ang imagination kahit kailan.

After putting on some finishing touches to my hair, make-up and costume, Alyssa accompanied me from out of the dressing room to the backstage of the school auditorium.

Busy ang lahat-lahat pagkadating namin doon. Halos lahat ng mga miyembro ng effects at props committee tarantang-taranta na sa pag-aayos ng mga gagamiting set-up. Kahit si Ms. Pineda mukhang kinakabahan na at hindi rin mapakali.

“Curtains up in five minutes! Cast and crew maghanda na kayo!” Tawag niya sa amin.

Mas lalong lang nagmadali ang lahat pagkatapos ng announcement na iyon. Ang mga cast naman, agad-agad na nagsipuntahan sa kani-kanilang mga posisyon. Pagkatapos kong basahin muli ang mga linya ko sa script ay sumunod na rin ako sa kanila. At tulad ng mga kasamahan ko, hindi ko rin mapigilang kabahan nung mga oras na iyon. Lalo na dahil nakita kong punung-puno ang school auditorium ng mga manonood.

At pagkalipas ng limang minuto ay nag-umpisa na rin ang kinahihintay na play ng lahat.

“Good luck and give it your best everyone.” Ang huling paalala sa amin ni Ms. Pineda bago siya lumabas ng backstage para batiin ang audience.

Unti-unting nanahimik ang lahat nang lumitaw siya sa stage. Nakatuon ang buong atensyon ng mga tao sa loob ng school auditorium sa kanya.

“And now, the long wait is over.” Umpisa niya. “St. Gabriel University’s Drama Club presents: Romeo and Juliet by William Shakespeare.” Announce niya, at agad itong sinundan ng isang maligalig na palakpakan galing sa mga manonood.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon