Chapter 19: Surrender

14.6K 171 17
                                    

Adrian’s POV

 

“Uy Rian, baba ka na! Birthday na birthday mo tapos nagkukulong ka pa diyan sa kwarto!” Tawag ni Ervin sa labas ng kwarto ko nung gabing yun.

“Tsaka wag ka na ngang magdrama diyan! Hindi bagay sa’yo! Dali na! Ang saya-saya kaya doon!” Dagdag pa ni Vince.

Hindi ko sila pinansin at nanatili lang nakahiga sa kama ko.

“Uy Adrian!” Tawag ng dalawang kumag sabay kalabog sa pintuan.

Ipinatong ko sa ulo ko ang unan na hinihigaan ko at nagbalot sa kumot. Patuloy lang sa pagkalabog yung dalawa pero hindi ko pa rin sila pinansin. Bwiset naman oh. Hindi niyo pa ba nakukuha ang message ko?! AYOKONG MAISTORBO NGAYON!

Nakahinga na rin ako ng maluwag nang tumigil na ang pag-iingay nila sa labas. Pero panandalian lang yun dahil biglang bumukas yung pintuan at pumasok ang mga sira-ulo kong kaibigan.

“Ano ba yan Rian! Wala pa ngang 12:00 tapos tulog ka na agad?” Pang-aasar ni Vince.

“Bro, kailan ka pa natutong matulog nang maaga?” Asta naman ni Ervin.

Nang wala pa ring nanggaling na sagot mula sa akin, agad nilang tinanggal ang kumot na nakabalot sa akin at inalis ang unan na nakapatong sa ulo ko.

“Ano ba!” Reklamo ko, sabay bigay ng masamang tingin sa kanilang dalawa.

“Ano ba kasing nangyari sa’yo at nagkakaganyan ka?” Demanda ni Vince.

“WALA!” Sabat ko, iritang-irita.

“Tss. Halata namang may problema tapos panay pa rin ang pagdedeny mo. Ano nga kasi yun?”

“WALA NGA!”

“Bro, sabihin mo na kasi.” Biglang sabi ni Ervin. “Alam naman naming merong nangyari. Hindi naman kami bulag para hindi yun mapansin. Kanina pa kaya kakaiba ang pagkilos ni Naomi bago pa mag-umpisa yung cookout. Tapos ikaw naman kanina pa nagmumukmok dito sa kwarto. Not to mention, pinakiusapan mo pa si Luis na makipagpalitan sa’yo ng room assignment.”

Agad akong napailing pagkatapos niyang sabihin yun.

Ayoko talagang pag-usapan ang nangyari sa pagitan namin ni Naomi kanina. Tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya, mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko at sumasakit ang puso ko. Ang sobrang sakit ng pakiramdam na hindi ka na kailanman tatanggapin pa ng taong mahal mo. Ang sobrang sakit ng pakiramdam na hindi ka na niya papatawarin pa dahil sa kasalanang ginawa mo. At higit sa lahat, ang sobrang sakit ng pakiramdam na hindi ka na niya mahal dahil sa pagkakamaling hinding-hindi mo na maitatama.

Kung alam ko lang sanang ganito ang magiging kinalalabasan ng lahat, hindi ko na dapat sinuyo si Naomi kanina. Dahil hindi lang sampal sa pride ko ang natanggap ko kanina, kundi naranasan ko pa ang pagbiyak ng puso ko sa pangalawang pagkakataon. At dahil doon, sobra-sobra na ang pagsisisi ko. Dahil sa huli, ang puso ko pa ang nagdurusa.

“Binusted ako ni Naomi kanina.” Pabulong ko.

Nanlaki ang mga mata nung dalawa.

“Malamang gagawin niya yun! Alam mo namang sila ni Luis diba?” Sabi ni Vince.

“Nagbaka-sakali lang ako.” Depensa ko. “Tinanong ko lang naman siya kung papayag siyang manligaw ulit ako sa kanya. Pero sa huli naman, nagmukha lang akong tanga-tanga dahil sa pagtanong ko.”

“Siyempre ganun yung mangyayari. Alam mo namang masama pa rin ang loob ni Naomi sa’yo. In fact, what you did was a very wrong move. Mas matuturn-off lang siya dahil sa tanong mo.” Sabi naman ni Ervin.

Napabuntong-hininga ako.

Tama nga naman talaga si Ervin. Parang isang malaking insulto kay Naomi ang bigla kong pag-alok ng panliligaw sa kanya. Kung tutuosin, kung ako ang nasa posisyon niya, magagalit rin ako. Kasi nagmukhang hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga nararamdaman niya. Na kinalimutan ko lang ang mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya noon. Na pinawalang-bahala ko lang ang sama ng loob niya sa akin.

Kaya may plano na akong gawin para maresolba ang gusot sa pagitan naming dalawa. Para matigil na rin ang alitan at pagkakagalit namin. Para mawala na ang tensyon at sama ng loob namin sa isa’t isa.

“Oo na. Mali na ang ginawa ko.” Sabi ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa. “Maraming salamat na lang sa mga advice at pangkukutya niyo. Pero sa tingin ko, hindi ko na yun kakailanganin.”

“Bakit naman? May iba ka pa namang pagkakataon para bumawi diba?” Tanong ni Ervin.

Napailing ulit ako.

“Tama na ‘to. Ayoko na. Napagdesisyunan ko na kung anong dapat kong gawin. Susukuan ko na si Naomi. Papakawalan ko na siya.”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon