Chapter 4: Payback Time

29.1K 397 21
                                    

 

Naomi's POV

 

"Talaga?" Tanong ng guy sa akin with a smile on his face.

I forced a smile and nodded.

"Yeah, pinapayagan kitang manligaw." Sabi ko.

A grin instantly broke out from his face. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko and kissed it.

"Thank you very much." Ngiti niya. Tumayo siya sa kinaluluhuran niya at tumingin sa lahat ng tao sa cafeteria. "Yes! Pinayagan ako ni Naomi Rodriguez na ligawan siya!" He declared.

Agad na nag-ingay ang lahat. Yung iba, nagchi-cheer pa para sa kanya. Most of the girls naman, tumitili sa sobrang kilig.

"Oy Luis, hindi ka pa sinasagot! Wag kang sobrang excited!" Sigaw ng isa sa mga estudyante. Agad itong sinundan ng malakas na tawanan na dinedma lang nung guy.

Tumingin ulit siya sa akin.

"I'll see you later at class ha?" He said.

I managed to nod. Nagmamadali siyang lumabas ng cafeteria, with most of the people still cheering after him. I leaned back against my seat. Sila Ericka, nakatulala pa rin sa akin.

"That was completely unexpected." Sabi niya.

I sighed.

"Who was that guy?" Tanong ko sa kanya.

She stared at me in disbelief.

"So sinasabi mong pumayag kang ligawan ng isang guy na hindi mo man lang pala kilala?!" She demanded.

I shrugged my shoulders.

"Ano pa kayang magagawa ko? He was looking at me with that expectant expression! Tsaka besides, at that time, nanonood rin si Adrian. I have to grab the opportunity while it lasts. At yun yung pinakamabisang paraan para paselosin siya." Pabulong ko.

She also sighed.

"Si Luis Padilla yun. Nag-transfer siya dito nung first year tayo kaya hindi mo siya kilala. At base sa nangyari kanina, mukhang hindi pa rin niya alam yung nangyari sa inyo ni Adrian noon." Sabi niya.

"Nakakapagtaka naman at ako yung naisipang ligawan nun." I muttered.

"Ano ka ba Naomi! Ikaw kaya yung pinakatopic ng halos lahat ng usapan dito sa school!" Singit ng isa sa mga kabarkada naming si Emily Delgado.

"At halos lahat ng mga lalaki dito nagkakandarapa na para lang sayo. Kahit yung mga fourth year." Dagdag pa ni Alyssa Cardenas.

I rolled my eyes at them.

"Grabe naman ng description niyo. Masyadong OA na yun." I muttered. "Oo nga pala. Napansin kong ang daming nagbago dito sa school while I was away. Let's roam around habang hindi pa tapos yung lunch break." Yaya ko.

Agad nilang inubos yung mga pagkain nila at nagsipagtayuan. We all went to the disposal area together. Humiwalay si Ervin sa amin, pupuntahan daw sina Adrian.

"Mukhang effective kasi yung pagpapaselos mo sa asungot na yun. Nagwalk-out agad ng cafeteria nang pinayagan mo si Luis na ligawan ka." Sabi niya while grinning. Nauna siyang lumabas ng cafeteria.

Napatawa ako sa sinabi niya. Well, I have to admit, yun talaga yung hinahabol kong reaction galing kay Adrian. Pero okay rin sana kung nagprotesta man lang siya. Even get mad publicly. That would have been totally better. Pero actually, hindi ko ineexpect na nanonood pala siya. That was absolutely lucky! Isang blessing in disguise. He must be in rage right now. The look on his face was priceless!

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon