Adrian’s POV
“Rian, padala nga kay Naomi yung painkillers niya. Naiwanan niya kasi yun kanina sa living room nang ihatid siya ni Luis sa kwarto niyo.” Utos sa akin ni Ericka pagkapasok ko ng villa nung dapit-hapong iyon.
Kinuha ko yung painkillers at napatingin sa kambal ko.
“Kamusta na siya?” Tanong ko.
“Okay na siya. Nakatulog naman siya agad pagkatapos niyang inumin yung aspirin kanina. Pumunta siya sa balcony pagkagising niya. Mukhang nandoon pa rin siya hanggang ngayon.” Sagot niya.
Tumango ako at umakyat papunta sa balkonahe. At gaya ng sinabi ni Ericka, nandoon nga si Naomi, nakaupo sa isa sa mga upuan, pinapanood ang sunset. Napalingon siya bigla nang marinig ang pagdating ko.
Nilapitan ko siya at inabot ang gamot niya.
“Pinapabigay ni Ericka. Naiwanan mo daw kasi kanina sa baba.” Sabi ko.
Tumango siya at kinuha yung aspirin sa kamay ko.
“Thank you.” Pabulong niya.
“Wala yun.” Sabi ko, sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
Bigla siyang naglook-away. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung namumula yung mukha niya. Nagrereflect kasi yung kulay ng sunset sa amin kaya hindi ako sigurado. Pero halatang naiilang siya. Plano ko sanang tumayo na lang at umalis para bigyan siya ng space, pero bigla siyang nagsalita.
“Hindi lang sa pagdala mo ng gamot ko.” Sabi niya. “Also, for saving my life from a certain death earlier this day. Pati na rin yung pagdefend mo sa akin sa weirdong lalaki sa beach kanina.” Pagpapatuloy niya.
Ah, kaya naman pala naiilang siya. Halatang labag na labag talaga sa loob niya yung pagpapasalamat sa akin. Siyempre naman, mapride ‘tong babaeng ‘to. Sa tingin ko nga, parang mas gusto pa niyang mahalikan ng ahas kesa magtanaw ng utang na loob sa akin. Alam ko namang ayaw niyang ginagawan siya ng pabor. Kasi para sa kanya, obligado siyang magbigay ng kapalit kapag tinutulungan siya. Pero dahil sa mga pangyayaring naganap, wala siyang ibang choice kundi pahalagahan ang lahat ng ginawa kong pagliligtas sa kanya.
“Gaya ng sinabi ko kanina, wala yun.” Sabi ko. “Alangan namang pabayaan lang kita diba? Kaya wag mo nang isiping kailangan mo akong bigyan ng kapalit. Tsaka kahit ibang tao naman yun, sasagipin ko pa rin naman eh. Hindi ko naman kakayaning dedmahin lang ang ibang taong nangangailangan ng tulong. Sadyang ikaw lang talaga lagi ang nagiging damsel in distress ko.” Pang-aasar ko.
Hindi na umimik muli si Naomi. Tsaka iniiwasan pa rin niya ang tingin ko. Dagdag dun, nakasimangot pa siya.
Pinisil ko yung pisngi niya.
“Ouch! Don’t do that! Ang sakit mo kayang magpinch ng cheeks!” Pagrereklamo niya habang hinihimas-himas ang pisngi niya.
Hindi ko mapigilang mag-grin. Isa rin kasi sa mga pinakaayaw ni Naomi ay kapag pinipisil ang mga pisngi niya. Lalo na dahil laging namumula at namamaga ang mga yun tuwing pinanggigigilan namin siya nina Vince at Ervin noon.
“Nakasimangot ka kasi eh. Hindi ko makayanang tumingin sa’yo nang ganun yung itsura mo. Mas lalo ka lang pumapangit.” Dagdag asar ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Debate na naman ang kasunod nito.
“Ako? Pangit? Asa ka! Tumingin ka muna sa salamin at tingnan lang natin kung sino ang tunay na pangit! Feelingero!”
“Ba’t ko pa kailangang tumingin sa salamin? Eh halata na rin naman kung sino sa atin yung pangit. Tsaka hindi ako feelingero. Totoo namang gwapo ako.”
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Teen Fiction[Sweet Vengeance Series Book I] [Summary] MU na kayo. Kulang na lang sagutin mo siya. Malas mo lang at may niligawan pa siyang iba. At ang masaklap sa lahat, yung inaakala mo pang best friend ang naging girlfriend niya. Ito ang story ng love life ni...