Chapter 35: Win Her Heart

13.8K 175 18
                                    

 

August 10, 2010

 

Adrian’s POV

“Let’s go Gladiators, let’s go! Let’s go Gladiators, let’s go!” Ang sunud-sunod na mga chants ng mga miyembro ng cheerleading squad ng school namin habang sumasayaw-sayaw at pumapalakpak sa may gilid ng basketball court nung umagang iyon.

“Okay guys, listen up!” Tawag ni Coach Ramos sa aming mga miyembro ng basketball team. Nagkumpulan kami sa paligid niya at agad na itinuon ang buong atensyon namin sa kanya. “Alam kong may disadvantage tayo sa game na ‘to, lalo na dahil kulang tayo sa mga players at kalaban pa natin ang St. Michael’s Academy. Pero hindi ibig sabihin nun na susuko agad tayo nang ganun-ganun lang. Alam kong kaya natin ‘to. Kaya let’s make sure to win this game no matter what!” Deklara niya.

“Yes Coach!” Sang-ayon namin sa kanya, sabay cheer. “Let’s go Gladiators!” Sabay-sabay naming isinigaw.

Pagkatapos nun ay agad kaming pumunta sa isang bakanteng court doon sa kabilang side ng gym para magwarm-up. Napansin kong unti-unti nang napupuno ang mga bleachers ng mga manonood sa game. Pati yung mga supporters ng kabilang school nagsipuntahan rin dito para manood. Maya-maya’y dumating na rin ang mga miyembro ng basketball team ng St. Michael’s Academy, ang rival school ng St. Gabriel University. Nag-umpisa na rin silang magwarm-up dun sa kabilang court na katapat lang nung amin.

“Teka, Adrian. Nakita mo ba si Luis?” Ang biglang tanong ni Ervin sa akin, sabay tira ng isang three-pointer na madaliang pumasok.

Napatigil ako sa stretching exercises ko at napatingin sa kanya.

“Hindi eh.” Sagot ko. “Hindi pa ba siya dumadating?” Tanong ko naman.

Pinagkibit niya ang mga balikat niya at nagbuntong-hininga.

“Ano ba yan. Sa lahat pa ba naman ng game na pwede niyang ipagpaliban, eto pa yung pinili niya.” Reklamo ng bestfriend ko.

Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga na rin.

Simula nung araw na nagcelebrate kami para sa birthday ni Vince, minsan ko na lang nakikita sa school si Luis. Hindi na siya masyadong umaattend ng mga klase namin, at mas lalo lang naging madalas ang pagdiditch niya. Ni hindi na nga siya sumasama sa aming magbabarkada eh.

Lumipas ang ilang minuto, at sa wakas ay nag-umpisa na rin ang game. Nasa starting line-up kami nina Ervin at Vince, kasama ang dalawa pang mga regular members na nasa second year. Wala yung mga fourth year team members ngayon, may retreat kasi sila kaya kami lang yung mga maglalaro.

Sa simula palang, sa amin na agad yung bola. Ang bilis kasi ni Vince sa pagkuha ng bola nung jump ball. Pinasa niya yun kay Ervin at sumugod naman siya papunta sa kabilang court at nakatira agad ng three points. Naghiyawan naman ang mga supporters namin, at mas lalo lang nilakasan ng cheering squad ang mga chants nila. Nagpatuloy lang ang magandang umpisa namin hanggang sa matapos ang first quarter nung game.

Tiningnan ko yung scoreboard at agad na may namuong ngiti sa mga labi ko. 21-12 yung score. Lamang kami sa St. Michael’s Academy ng siyam na puntos. Pero siyempre naman, hindi dapat ako maging masyadong kampante kahit lamang kami sa ngayon. Tutal, nag-uumpisa pa lang naman ang laro kaya posibleng makabawi pa yung kalaban.

Maya-maya’y bigla na lang tumawag ng substitution at timeout si Coach Ramos sa kalagitnaan ng second quarter, at pinalitan ang isa sa mga second year na players. Agad na naghiyawan muli ang mga supporters namin nang makita ng lahat kung sino yung pumasok.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon