Chapter 40: Those Unsaid Feelings

13.9K 202 13
                                    

 

August 14, 2010

 

Naomi’s POV

“We’ll definitely miss you.” Sambit ng isang naiiyak na Alyssa sabay lapit sa akin, ang mga namumuong luha sa mga mata niya malapit na talagang tumulo.

“Keep in touch ah?” Sabi naman ni Emily, na siyang naluluha na rin, at sabay nila akong niyakap nang sobrang higpit.

Nag-umpisa na talaga silang umiyak pagkatapos nun, at itinapik ko ang mga likod nila para pakalmahin sila, kahit na ako mismo ay naluluha na rin.

“I’ll miss you guys too. And I promise, I’ll always keep in touch.” Paninigurado ko sa kanila, hindi mapigilang malungkot nang sobra-sobra nung mga sandaling iyon.

Mamaya-maya’y bumitaw na rin silang dalawa sa akin, at agad silang nilapitan nina Justin at Gab, na siyang nagpatuloy naman sa pagpakalma sa kanila.

“Mag-ingat ka lagi, Naomi.” Sabi ni Justin, sabay bigay sa akin ng isang maliit na ngiti habang tinatapik ang balikat ni Alyssa.

“Oo nga, Naomi. Wag na wag kang magpapakabaya ah.” Dagdag paalala naman ni Gab habang yakap-yakap si Emily, na siyang nakasandig ang ulo sa balikat niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanila.

“Wag niyo akong aalalahanin. Big girl na kaya ako.” Pilit na tawa ko. “Basta, aalagaan niyo nang mabuti sina Alyssa at Emily ah. Kung malaman ko lang na pinaiyak niyo yang dalawang yan, humanda na lang kayo kasi babalik talaga ako dito at ako naman ang magpapaiyak sa inyo.” Ang mapagbirong panakot ko.

Tumawa ang dalawa at tumango.

“Yes Ma’am.” Sagot ni Gab.

“No problem Boss.” Dagdag pa ni Justin.

Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating naman sina Ericka at Summer, kasama sina Ervin at Vince. Nang walang babala’y bigla akong sinalubong ng napakahigpit na yakap ng bestfriend ko, at dun ko napansin ang matindi niyang pagluha.

“Three months? Bakit ganun? Dalawang taon ka naming hindi nakita, tapos kung kailan naman bumalik ka, tatlong buwan ka lang namin makakasama? Ang unfair naman nun!” Pagpoprotesta niya, patuloy pa rin sa paghagulgol.

Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa mga mata ko, at magkasama kaming umiyak ni Ericka. Nakita kong lumuluha na rin si Summer, na siyang nakatingin sa amin at nakatayo sa tabi ni Vince, inaakbayan ng boyfriend niya.

“Naomi, we have to leave now.” Ang biglaang sambit ni Zack, nakatayo sa tapat ng gate at dala-dala ang mga bagahe namin.

Hindi ko man lang namalayang lumabas na pala siya mula sa bahay, at mas lalong hindi ko namalayan ang napakabilis na paglipas ng oras.

Tumango ako sa direksyon niya, at pagkatapos nun ay tumungo siya papunta sa kotse na gagamitin namin at ipinasok ang mga dadalhin namin sa loob. Dahan-dahan kong binitawan si Ericka, at lumapit ako kay Summer para bigyan rin siya ng yakap. Tiningnan ko silang dalawa nang maigi, at pilit na tumawa.

“Tama na yang pag-iyak ninyo. Kita niyo? Kahit ako tuloy napaluha na rin.” Pagbibiro ko. Pero nang di inaasaha’y muling umagos ang mga luha sa mga mata ko. “Ano ba yan. Naging madrama tuloy ‘tong pag-alis ko. Kayo naman kasi eh.” Ang dahan-dahan kong sambit, sabay hinga nang malalim.

Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay ng dalawang pinakamatalik kong kaibigan at binigyan sila ng mapaniguradong ngiti.

“Basta, ipinapangako ko sa inyo. Babalik talaga ako. Hindi ko alam kung kailan o kung gaano pa katagal ang lumipas bago dumating ang araw na yun, pero sigurado talagang gagawin ko ang pangako kong yun. Kaya wag na wag niyo akong kakalimutan ah?” Paalala ko sa kanila.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon