Naomi’s POV
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ideklara ni Adrian ang mga nararamdaman niya para sa akin. Wala akong ibang magawa kundi ang manatiling nakatitig na lang sa kanya nung mga sandaling iyon. Parang bigla na lang nag-shut down yung utak ko. Wala talagang pumapasok sa isip ko. At parang nawalan na ako ng kontrol sa katawan ko. Hindi na talaga ako makagalaw sa kinatatayuan kong iyon.
Kahit ang audience, nanahimik na rin. Halos lahat ng tao sa loob ng auditorium, nakatitig lang sa amin. Walang nagsasalita sa kanila. Tila lahat, gulat pa rin. Lahat nakatunganga na lang.
Natauhan na lang ako nang biglang magring ang cellphone ko.
Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Adrian sa akin at tumakbo paalis. Mukhang nagulat naman siya sa biglang paglayo ko at hindi niya agad ako napigilan. Binilisan ko lang lalo ang pagtakbo ko at dumiretso papunta sa back entrance ng auditorium.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit, pero there was a part of me that really wanted to get out of that room and answer the call. It’s as though importanteng-importante talaga ang tawag na ‘to, even more important than responding to Adrian’s confession. At kung tutuosin, mas mabuti ngang nabigyan ako ng dahilan para umalis. Dahil hindi ko talaga alam kung anong dapat kong isagot kay Adrian nung mga oras na iyon.
Nang makalayu-layo na ako, nilabas ko yung cellphone ko at tiningnan ang caller ID. The caller was unnamed. I don’t know what was going on with my head, pero bigla ko na lang sinagot yung tawag.
“H-hello?” Sabi ko, hinihingal pa nang konti.
Ilang sandali ang lumipas, pero hindi sumagot ang kausap ko.
“Hello? Sino ‘to?” Ulit ko naman.
Lumipas na naman ang ilang segundo, at pipindutin ko na sana yung end call button nang bigla na lang may magsalita sa kabilang linya. But when I heard his voice, a feeling of dread immediately enveloped me.
“This is the last straw, Naomi. I’ve given you a lot of time to decide to return here, and I’ve finally had enough. Kung ayaw mong kusang bumalik dito sa America, then I’ll have to come get you there myself. Whether you want to or not.” Ang malagim na panakot ng walang iba kundi ni Zack Montenegro.
At bago pa ako makapagsalita muli, inend na niya yung call.
I couldn’t help but stare at my phone in bewilderment during those moments. Feelings of fear and anxiety were starting to well up in my chest. My gut was starting to wrench with terror.
Si Zack.
He’s coming to get me.
And there’s nothing I could do to stop him.
But as I was pondering on those thoughts, another realization hit me.
Paano na si Adrian?
At mas lalo lang naging komplikado ang sitwasyon ko nang bigla siyang lumitaw at tumakbo papunta sa akin.
“Ano? Aalis ka na lang bigla-bigla nang hindi man lang ako binibigyan ng sagot?” Demanda niya, sabay bigay sa akin isang napakasamang tingin.
I flinched at his provocative glare, but I still couldn’t look away from his eyes.
“A-Adrian…” Umpisa ko, naguguluhan na talaga nang sobra-sobra. “Please. Please give me some time.” Pakiusap ko.
Nakita kong dagling nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Ang kaninang galit na nakikita ko sa mga mata niya, bigla na lang napalitan ng pag-aalala. Nagulat na lang ako nang lapitan niya ako at punasan ang mga luhang tumutulo na galing sa mga mata ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako nung mga sandaling iyon.
Niyakap niya ako nang sobrang higpit.
“Bakit ka umiiyak? May nangyari bang masama sa’yo? O dahil ba yun sa biglang pag-amin ko sa’yo kanina?” Tanong niya, his voice full of love and outright concern.
Mas lalo lang bumigat ang dibdib ko dahil sa sobrang panghihinayang. Hindi ko na nasagot ang tanong niya at iniyak ko na lang ang lahat ng dalamhating nararamdaman ko. Hindi na nagtanong muli si Adrian at niyakap na lang niya ako, trying to calm me down by patting my back and whispering reassuring words to me.
But his gesture only made my apprehension worse.
Adrian, gustung-gusto ko na talaga aminin sa’yo na mahal rin kita. Pero hindi ko yun pwedeng gawin. Dahil kung sasabihin ko sa’yo ang mga nararamdaman ko at nagkabalikan pa tayo, siguradong masasaktan ka lang sa huli.
Kaya sa ngayon, please wait for me to settle everything with Zack. Promise, sasabihin ko sa’yo ang lahat-lahat kapag maresolba na ang problemang ito. So please try to understand me for now and give me some time.
And when everything is all straightened out, we can be together again.
Promise.
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Fiksi Remaja[Sweet Vengeance Series Book I] [Summary] MU na kayo. Kulang na lang sagutin mo siya. Malas mo lang at may niligawan pa siyang iba. At ang masaklap sa lahat, yung inaakala mo pang best friend ang naging girlfriend niya. Ito ang story ng love life ni...