Chapter 25: Different Paths

13.3K 156 18
                                    

 

Adrian’s POV

 

“Pagpasensyahan mo na sina Mama at Papa ah.” Sabi ko kay Sabrina nang matapos na ang program para sa debut ni Ericka. “Yung dalawang yun kasi eh. Grabe rin kung mag-assume. Sa kanila ko ata namana yun eh.” Pilit kong tawa.

Napatigil na lang ako sa pagsasalita nang mapansin kong tahimik pa rin siya. Nanatili lang siyang nakaupo sa tabi ko, nakalapat ang mga kamay sa mesa at nakayuko. Kami na lang ang natitira sa main table. Umalis sina Mama at Papa para kamustahin ang ilan sa mga kamag-anak namin. Hindi ko naman alam kung saan nagpunta sina Naomi at Luis.

“Sab, pansinin mo naman ako oh. Galit ka ba sa akin?” Pag-aalala ko.

Umiling siya at nagbuntong-hininga.

“Hindi ako galit.” Sabi niya, nakayuko pa rin. “I’m just a little bit discouraged, and somehow disappointed.”

Tiningnan ko ang mukha niya.

“Bakit naman? Dahil ba yun sa mga sinabi ng parents ko?” Tanong ko.

Nagbuntong-hininga ulit siya, pero at least tumingin na rin siya sa akin sa wakas.

“Wala. Don’t worry about it. Sadyang moody lang talaga ako ngayon. So don’t mind me too much.” Sabi niya, sabay bigay sa akin ng isang pilit na ngiti.

Tiningnan ko nang maigi ang ekspresyon sa mukha niya. Kahit sinabi niyang walang problema, hindi pa rin ako mapalagay. Kasi sigurado akong may gumugulo talaga sa isipan niya. Pero bago ko pa man siya matanong ulit, agad naman niyang nilayo sa akin ang tingin niya.

Napabuntong-hininga na rin ako at napunta na lang sa paligid namin ang titig ko. Nakita kong nag-umpisa nang magsayawan sa dance floor ang ilan sa mga bisita. At ang nangunguna pa dun ang mga kabarkada nina Ericka, pati na rin sina Vince.

“Gusto mong sumayaw?” Yaya ko kay Sabrina, sabay tayo sa kinauupuan ko.

Napatingin siya sa dance floor saglit at umiling.

“Sige na. Sumama ka na sa mga kaibigan mo. I’m okay here.” Sagot niya.

Pero hindi ko tinanggap ang sagot niya. Instead, hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo.

“Dali na. Para mawala na yang pagkadepress mo. Magpakasaya na tayo.” Sabi ko.

Tinanggal naman niya ang hawak ko sa kamay niya.

“Adrian, please. Sabi kong ayoko, kaya pwede bang itigil mo na yang pagpupumilit mo!” Halos isigaw na niya.

Nung una talaga, gulat na gulat ako dahil sa naging reaksyon niya. Hindi ko kasi inaakalang magagawa niya yun eh. Sinong mag-aakalang magagalit nang ganun ang sobrang napakabait na si Sabrina Dominguez? Pero mukhang hindi lang ako ang nagulat sa biglaan niyang pagsigaw. Napansin kong napatingin na rin sa amin ang ilan sa mga bisita. Kahit sina Vince tumigil na sa pagsasayaw at tumingin na rin sa amin, halatang nagtataka.

Napayuko na lang muli si Sabrina. Ako naman, hinila siya paalis at naglakad kami palabas ng room. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang bench na malapit sa fountain doon. Buti naman at sumunod lang siya sa akin. Pinaupo ko siya doon at tumayo naman ako sa harapan niya, tinititigan ang kanyang mga mata.

“Oh ayan. Wala nang ibang tao. Wala nang ibang makakarinig. Wala nang ibang makakakita. Kaya kung gusto mong maglabas ng sama ng loob, gawin mo na. Murahin mo pa ako kung gusto mo.” Sabi ko.

Nilayo na naman niya sa akin ang titig niya. Agad ko namang hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinilit siyang tumingin sa akin.

“Ano ba. Sabihin mo na kasi. Kung gusto mong sumigaw, isigaw mo na yan. Wag mo nang itago yang sama ng loob mo.” Utos ko.

Sinagot naman niya ako ng isang masamang tingin.

“I’m feeling insecure, okay?! Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko! I’m doing everything I can in order to prove my worth, pero parang wala namang pagbabagong nangyayari! Lagi na lang si Naomi! Sa point of view ng halos lahat ng tao, siya ang itinadhana para sa’yo! Feeling ko tuloy parang sabit lang ako sa buhay mo!” Sigaw niya, sabay hampas sa mga braso ko. Nag-umpisa na rin siyang lumuha.

Agad ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit.

“Bakit ka ba nai-insecure? Wala ka namang dahilan para maging ganun. Ano namang pakialam mo sa sasabihin ng iba? Hindi naman sila importante diba? Ang importante ay tayong dalawa. Ang relationship natin. Kaya wag ka nang maging ganyan, okay? Hindi na si Naomi ang babaeng pinakaimportante sa akin ngayon. Kaya wag ka nang magpaapekto sa sinasabi ng iba. Kasi ikaw na ang pinakamahalaga sa akin ngayon.” Sabi ko sa kanya, at yumuko ako para halikan siya.

Nang magkahiwalay kami, mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Sa tingin ko tuloy, parang wala na siyang planong bumitaw kahit kailan. Pero wala naman akong problema dun. Wala rin kasi akong planong bumitaw eh. Kaya kahit gaano pa man katagal kami manatiling ganito, okay lang sa akin.

At dun ko naman napansin sina Luis at Naomi, magkasama at magkahawak ang mga kamay. Mukhang mas lalo lang tumibay ang relationship nilang dalawa. At aaminin ko, sa kalaliman ng puso ko, may sakit pa rin akong naramdaman nang makita ko silang magkasama.

Pero yung sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi na kasinglubha ng sakit na naramdaman ko noon. Kaya okay lang para sa akin na makita silang masaya sa piling ng isa’t isa. Kasi alam kong makakayanan kong magbitaw. Alam kong makakayanan kong magmove-on. At alam kong makakayanan kong makalimot. Dahil magkaiba na ang daanang tinahak namin ni Naomi. Iba na ang aming piniling direksyon. At iba na ang pinili naming mahalin.

At sa ngayon, kuntento na ako sa naging desisyon ko.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon