Chapter 10: A Phonecall from Mr. Troublemaker

19.4K 236 8
                                    

 

Naomi’s POV

“Oh. My. Gosh! Talaga? He actually did that?!” Ang malakas na tawa ni Ericka sa kabilang linya ng telepono.

“Yup. Sayang nga at hindi mo nakita yung mukha niya when he found out! Siguradong hindi ka talaga titigil sa pagtawa!” Sabi ko naman, tumatawa rin.

For sure naman, alam niyo na kung tungkol saan yung pinag-uusapan namin diba? And of course, alam niyo na rin naman kung tungkol kanino.

It’s already around 11:00 PM in the evening. Alam ko, sobrang late na lalo na dahil may pasok pa kami the next day. Mga 10:00 na kasi kami nakauwi ni Lance galing sa SM Centerpoint. Pagkatapos nun, umuwi na rin agad siya kasabay nina Tita Bree at Tito Marvin. Si Tita Lorraine naman, natulog na a few minutes after they left. Matutulog na nga rin sana ako, pero eto naman kasing si Ericka, biglang tumawag. Wala daw magawa sa bahay nila dahil umalis si Adrian at wala siyang maasar. At siyempre naman, at the mention of her twin brother’s name, nakwento ko na rin sa kanya yung nangyari kanina sa mall. And for almost an hour, wala na siyang ibang ginawa kundi tumawa lang ng tumawa. Kaya pati ako, nahawa na rin sa kanya. Nawala na tuloy ang antok ko. (-___-)

Pero aaminin ko, it was really fun teasing Adrian. Lalo na dahil sobrang unexpected talaga ang ginawa niya. To think, napagkamalan pa niya akong nagdedate sa ibang lalaki. As if I would ever become a two-timer! Hindi naman ako ganun ka-shallow noh! Ganun na ba talaga yung tingin niya sa akin? AS IF!

Oo na, sabihin niyo nang masama akong tao. Sabihin niyo nang puro revenge lang ang nasa utak ko. Sabihin niyo nang wala akong puso. Pero seriously, I think I’m really enjoying what I’m doing. Oo, alam kong may karma. Alam kong hindi tama ‘tong ginagawa ko. Alam kong dapat ko na ‘tong itigil. Pero hindi ba’t karma rin ‘to ni Adrian? He’s the one who started this in the first place. He’s the one who turned me into a revenge-obsessed girl.

And I’m not stopping until I’m completely satisfied.

“Damn. Dapat kinuhanan mo man lang siya ng picture para mapost natin sa Facebook or sa Twitter! Baka naging trending pa yun!” Dagdag ni Ericka, tumatawa pa rin. May narinig akong bumukas na pinto sa linya nila. “Speaking of the devil. Rian, halika dito!” Tawag niya.

Hindi ko mapigilang matawa ulit.

“Rica, magpapass muna ako sa pang-aasar sa kanya ngayon. I think he might explode kung nagkaroon pa kami ng second round.” Sabi ko, grinning.

“Aw, come on! Nandito na nga siya eh. Magtag-team tayo!” Pagpupumilit naman ni Ericka.

Hindi ko mapigilang tumawa ulit. Basta’t pang-aasar kay Adrian, si Ericka talaga ang laging nangunguna. Hinding-hindi talaga yun magpapahuli. Minsan tuloy, hindi ko talaga mapigilang isipin na may tinatagong galit yung babaeng yun sa kambal niya. Or baka sadyang malakas lang talaga ang trip nun pagdating dun.

“There’s always tomorrow right? Besides, inaantok na ako eh. Ikaw na muna bahala sa kanya for now.” Sabi ko.

Alam kong may grin na namumuo na sa mukha ng bestfriend ko.

“Sure, wag kang mag-alala. Alam mo namang magaling ako sa ganyan diba?” Tawa niya.

“Exactly.” Ngiti ko. “Sige, tulog na ako. See you tomorrow na lang.” Paalam ko.

“Sure. Good night.” Sabi naman ni Ericka before ending the call.

Binaba ko yung receiver at nag-umpisa nang maglakad papunta sa kwarto ko. Yawn. Pagod na pagod na talaga ako! All I really need now is a nice, long sleep.

Pero bago pa man ako makaayat sa hagdanan, bigla na naman nagring yung telepono namin. Babalik na sana ako sa sala para sagutin yun, pero naunahan na ako ng katulong namin si Ate Cora. Nang makita niya ako, agad niyang inabot yung receiver sa akin.

“Para sa inyo po, Ma’am Naomi.” Sabi niya.

Tumango ako at kinuha yung receiver.

“Hello.” Sabi ko.

Maingay sa kabilang linya. Maraming teleponong nagriring. Ang daming taong nagsasalita. Parang office kung tutuosin. Pero it’s already past working hours. So bakit kaya…?

“Naomi.” Biglang salita ng isang lalaki sa kabilang linya.

Agad na may namuong galit sa dibdib ko. Damn. They already tracked us down. Sayang lang ang pagpalit ni Tita Lorraine ng landline namin. Kasi nahanap agad nila ang contact number namin. There’s no use avoiding them anymore.

“What do you want?” Demanda ko.

May biglang pause sa kabilang linya. Natagalan bago umimik ulit yung kausap ko.

“Come on, Naomi. Gaano katagal ka pa ba magmamatigas? It’s already been two weeks. Bumalik ka na dito sa America.” Pagmamakaawa niya.

I couldn’t help but snort.

“Oh my god. Sa tingin niyo ba hahayaan ko na lang kayong diktahan ako? As if I would ever let that happen! Hindi niyo ako puppet! Hinding-hindi ako nagpapacontrol. Lalo na sa inyo ni Dad!” Ang mapait kong salita.

“Naomi, let’s talk about this rationally. Alam mo namang ginagawa lang ‘to ni Tito Carlos dahil sa tingin niyang ito ang nararapat sayo. Sige na. At least hear him out.”

“Kung yan lang naman pala ang sasabihin mo, wag ka nang tumawag pa. You’re wasting both of our time. And don’t ever call again.” Sabi ko, sabay baba ng telepono.

Ilang beses na nagring ulit ang telepono. Tinanggal ko yung wiring sa sobrang inis. Geez. So much for a good sleep! Siguradong hindi na talaga ako makakatulog mamaya!

Iritado akong umakyat papunta sa kwarto ko. On the way, nakasalubong ko si Ate Cora.

“Ate Cora, pakabit na lang po ulit bukas ng wiring sa telepono. Tinanggal ko po kasi kanina. Pero kung tatawag po si Dad or isang lalaking nagngangalang Zack Montenegro, sabihin mo na lang na wala kami ni Tita.” Sabi ko sa kanya.

Tumango yung katulong namin at bumalik sa kwarto niya.

I sighed and went to my room.

Alam kong nagtataka kayo kung sino si Zack Montenegro. At alam kong nagtataka rin kayo kung bakit galit na galit ako sa kanila ni Dad.

Like I said before, they did something completely unforgivable. Something na hindi ko ma-ooverlook ng ganun-ganun lang. Something that a mere apology from them will never fix. That’s the reason why I left America. The reason why I’ll stay here in the Philippines. The reason why I’m never going back there.

Unless itigil na nila ang pagpupumilit sa akin. Unless bawiin nila ang plinano nila. At unless ipangako nila na hindi na nila yun uulitin kahit kailan.

Hangga’t hindi pa yun nangyayari, I will never comply with their wishes.

Kasi hindi nagpapacontrol si Naomi Rodriguez kahit kaninuman. Kahit sa sarili niyang pamilya.

Hindi siya follower.

Siya ang controller.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon