Chapter 16: Savior of the Day

15.4K 177 5
                                    

 

Naomi’s POV

Air.

I need air.

Sa lahat pa ba naman ng araw para magkaroon ng muscle cramps, it had to be today. Just my luck. And now I’m drowning because of that. At dagdag pa sa pagkamalas ko, there’s no one around to save me. Most likely, umalis na si Adrian by now. He probably didn’t even notice na nalulunod na pala ako.

Mas lalong nagtighten ang mga muscles ko. Dumoble ang sakit na naramdaman ko. I’m almost out of oxygen. And slowly, I’m losing consciousness.

Someone.

Anyone.

Please save me.

Please.

Adrian.

And suddenly, I felt strong arms grab hold of me and steer me towards the shore. Pinahiga ako ng rescuer ko sa pampang at tiningnan kung tumitibok pa rin ang puso ko. Pagkatapos nun, pinisil niya ang ilong ko at nilapat ang mga labi niya sa labi ko, breathing air into me. And immediately, I coughed out water at nakahinga na rin ako nang maayos.

Minutes passed by, and I settled my breathing. And slowly, binuksan ko ang mga mata ko para tingnan kung sino ang sumagip sa akin.

“Buti naman at naligtas kita agad.” Agad na sabi ni Adrian nang makitang nagkamalay na ako. He breathed in a huge sigh of relief, all the worry draining from his face.

So siya nga talaga ang rescuer ko. It was always him who saved me. Not only once, but countless times already. He was always my savior. Whether I wanted him to be or not.

And I have to admit it, siya ang pinakaunang taong pumasok sa isipan ko when I was almost at death’s door. I didn’t even consider the others. Ni hindi ko nga naisip si Luis at that time. My own boyfriend. The guy I’m supposed to be infatuated with. No. He didn’t even enter my mind. Kasi during those moments, there was only person I was thinking about.

At hindi si Luis yun.

“Okay ka lang? May masakit ba sa’yo?” Tanong ni Adrian after a while, getting worried again.

“Nagka-cramps lang ako.” Nakayanan kong sabihin, kahit sobrang masakit na ang lalamunan ko. Parang mas mahina pa nga sa bulong yung nasabi ko, tsaka halos hindi na maintindihan, pero mukhang narinig rin naman yun ni Adrian.

“Bumalik na tayo sa villa para makapagpahinga ka. Kaya mo bang tumayo? O gusto mong alalayan kita?” Tanong niya.

I managed to shake my head. I don’t want to inconvience him any more than I already have. Tsaka ayokong magmukhang mahina sa harapan niya. My weakness is my downfall. I can’t let him see how vulnerable I am. Kaya kahit gaanong sakit man ang maramdaman ko, titiisin ko lang yun. I will not let my pride crumble.

Pinilit ko ang sarili kong umupo, pero sumakit na naman ang mga muscles ko. And before I could stop myself, I flinched.

At agad naman yung napansin ni Adrian.

“Wag ka na ngang maging stubborn.” I heard him mutter. Suddenly, he lifted me up and started to walk towards the direction of the villa.

“Ano ba! Ibaba mo ako!” Pagpupumilit ko.

Hindi man lang niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

“ADRIAN!” Sumisigaw na ako.

He gave me a skeptical look.

“Pwede ba. Kesa magreklamo ka diyan, manahimik ka na lang. Aabot pa tayo ng sampung taon kung pinayagan kitang maglakad papunta sa villa. Tsaka wag ka ngang sumigaw. Parang sasabog na ang ear drums ko sa sobrang lakas ng boses mo.” Nakayanan pa niya akong asarin.

I glared up at him. He just grinned at me teasingly. Pinilit ko ang sarili kong wag nang sumabat. Wala rin naman kasing maitutulong yun sa sitwasyon ko. Tsaka masyadong masakit na rin yung lalamunan ko.

Agad kaming pinagtipunan ng mga kasamahan namin nang makapasok kami sa loob.

“Ohmigod. Anong nangyari?” Tanong ni Ericka, alalang-alala.

“Nagka-muscle cramps si Naomi habang lumalangoy.” Sagot ni Adrian, sabay lapag sa akin sa sofa doon.

“Kukuha lang kami ng towel at pamalit.” Sabi nina Alyssa at Summer, na agad namang tumakbo papuntang storage room.

Pumunta si Luis sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

“Okay ka na ba? Sumasakit pa rin ba ang katawan mo?” Tanong niya.

I shook my head and gave him a reassuring smile.

“I’m feeling a little bit better.” Sabi ko.

Nakita kong nakatingin pala sa amin si Adrian. Agad naman siyang naglook-away nang magka-eye contact kami.

“Sige, pupunta muna ako sa kwarto para magbihis.” Paalam niya. Nagmadali siyang lumabas, as though he couldn’t stand another second here.

Umalis rin sina Ericka para bumili ng painkillers sa malapit na drugstore dito. Kaming dalawa na lang ni Luis yung natira sa loob.

“So obviously, niligtas ka na naman niya.” Sabi ni Luis after a while.

Iniwasan ko ang tingin niya.

“Naomi, seriously. Kung gusto mo nang itigil natin ‘to, hindi ako aapila. I know it’s your goal. Pero can you really seek revenge against Adrian pagkatapos ng nangyari ngayon?” He pointed out.

Agad akong napailing. He hit me right in the eye. Kasi yan ang tanong na kanina pang bumabagabag sa isipan ko.

Makakayanan ko ba talagang maghiganti kay Adrian pagkatapos niyang iligtas ang buhay ko?

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon