♪ 04

100 3 4
                                    

Nang makauwi na ako ay dire-diretso lamang ako sa aking kwarto. Hindi ko na nilingon pa ang noo’y nangungulit na si Kyle. What a day! Sa loob ng isang araw, ang daming nangyari—mga pangyayaring hindi ko inasahan at hindi ko gusto muling mangyari.

I-binagsak ko ang sarili ko sa kama habang tinititigan ang kisame at tinatanong ng paulit-ulit na “bakit” na tila ba sasagot ito sa lahat ng katanungan ko.

“Ate, Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Kyle mula sa pinto.

“Bumalik na siya, Kyle,” malungkot na sabi ko sa kanya. Hindi maipinta ang mukha ni Kyle nang lumapit ito sa akin para tabihan. Alam niya ang buong pangyayari noong gabing 'yun—ang bawat detalye, pangyayari, at luhang naibuhos ko ay na-i-kwento ko sa aking kapatid. Kaya siguro ganoon na lamang ang galit niya sa taong iyon.

“Ginugulo ka na naman ba niya, Ate? Uupakan ko na talaga 'yung ba—”

“'Wag!”

“Anong 'wag? Kung hindi mo ako pinigilan noon, e’di sana wala na talaga siyang mukhang ihaharap sa’yo ngayon.” Napatungo na lamang ako sa mga salitang binibitawan ng aking kapatid. Kahit naman malaki ang kasalanan ni Nico sa akin ay hindi ko magagawang saktan siya sa paraang hindi tama. Hindi ko na alam kung ano ang tamang isipin no’n. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at mag-drama sa harapan ni Kyle.  Siguro, 'yun ang naging daan para makilala pa ng lubusan ang taong minahal ko at pinagkatiwalaan.

Naramdaman ko na lamang ang mga luhang kusang pumapatak mula sa aking mga mata. Ilang taon na ang lumipas pero ganito pa rin ako. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Ayoko na ng pakiramdam na ganito.

“Tama na, Ate. 'Wag ka ng umiyak. Bakla naman 'yun. Nag-aaksaya ka lang ng luha mo. Patayin ko na kaya para naman sulit na ang luha mo?” Umarte pa siyang parang nag-iisip kung paano niya gagawin ang plano niya. Nakahawak ito sa kanyang baba at nakatingin lang sa kisame. Bahagya akong napangiti sa mga salitang 'yun. Hindi talaga mawawala sa kapatid ko ang ganitong mga eksena kahit na mabigat ang problemang sinasabi ko sa kanya.

Matapos nang madramang tagpong 'yun ay nagpaalam na rin si Kyle sa akin na pupunta na raw siya sa kanyang klase. Mabuti na lang pala at wala si Mama ngayon dahil sigurado akong sermon na naman ang aabutin naming dalawa lalo pa’t malaman niyang umiiyak na naman ako sa parehong dahilan pa rin.

Bakit nga ba gano’n? May mga bagay kang gusto mo ng makalimutan at hindi mo na gustong balikan pero pilit pa din itong bumabalik sa’yo na para bang nananadya—nangyayari muli na para bang gustong ipamukha sa’yo kung gaano ka naging tanga noon at ang ilang mga pagbabago.

Tumayo na ako para ayusin ang aking sarili nang maalala ko ang bagay na kailangan ko nga palang makita. Agad na inispeksyon ko ang mga lugar kung saan maari kung makita ang cellphone ko. Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko ito sa ilalim ng aking unan at hindi nahulog o nawala pero yung ID ko naman ngayon ang hindi mahanap. Hay! San’ ko naman kaya iyon naiwan? Nakakainis naman, kailangan ko pa tuloy gumamit ng visitor’s pass para lang makapasok bukas.

May mga ilang text din pala akong natanggap ngayong araw.

Msg1: Bessy-krisha

Msg2: Daily Fortune Cookie

Msg3: +63917******1

Inisa–isa ko 'yon tignan para malaman kung anu–ano ang mga natanggap ko ngayong araw. Sa totoo lang hindi ako kumportableng naiiwan ang mga gamit ko. Pakiramdam ko kasi may kulang palagi sa akin. Ay ewan, weird lang talaga siguro ako.

Daily Horoscope:

Cancer: Someone important from your past will eventually coming back, be glad and accept it open arms. This will bring you happiness throughout the day. On contradictory, you will also meet someone that you will be looking forward in the future.  Lucky colors of the day red, blue and lavender. Lucky numbers will be 2, 5, 15, and 7.

---

Wow, ha! Kakaiba itong horoscope ko. 'Yung huling beses kasi na naniwala ako, nakagat ako ng aso. Pero kung babasahing muli ang horoscope, parang meron siyang gustong sabihin. Ito ba ang pagbabalik ni Nico?

Binasa ko pa ang mga sumunod na mga text at hinayaan na ang wirdo kong horoscope.

---

 

From: +63917******1

Hi Ms. Faith Goodafternoon. Tinext lang po kita to inform you na nakuha ko po kasi yung ID mo kanina kasamahan ng mga gamit mong nalaglag kanina sa daan. Sorry nga pala ah. Nagmamadali na rin kasi ako. Nakita ko yung contact number mo sa ID so I texted you para mabalik ko na rin. Ibibigay ko na sana ngayon kung may free time ka. Nandito ako sa tapat ng university library until 4pm. Ayun sige kitakits nlang. Nga pala I’m James :)

---

What?! Nakuha pala nung lalaking nakabunggo sa akin kanina ang ID ko. Hala! Nakuha ko na sana kaso naiwan ko naman 'tong cellphone ko. Nakakainis naman! Ni-reply-an ko naman siya agad para malaman niyang nabasa ko ang text niya, baka isipin niya masama ugali ko.

---

To: +63917******1

Hi. Thankyou sa pagpulot ng Id ko heheh. Sorry di ako nakapunta nakauwi nko naiwan ko kase phone sa bahay. By the way kunin ko nlang bukas mga 7am sa may gate nlang okay lang ba? Hehe. Godbless and take care.

P.S: Ok lang 'yung incident kanina nagmamadali rin naman ako. Thanks ulit :)

---

Habang wala pa siyang sagot sa sinabi ko, naisipan ko munang makinig ng radyo. Hindi ko inaasahan na ang unang kantang maririnig ko ay “Bestfriend.” Ugh! Kainis! Agad ko namang pinatay ang radyo. Sa dinami-rami ng pwedeng kanta 'yun pa talaga ang kailangan ang marinig ko?

Nahiga na lang ako sa kama habang naglalaro sa cellphone ko nang biglang tumunog ito.

---

 

From: +63917******1

Okay. No problem. :)

---

Salamat naman at hindi na ako gagamit ng visitor’s pass. Makikilala ko pa 'yung nakabunggo ko. Pamilyar talaga siya sa akin. Saan ko nga ba siya nakita?

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon