♪ 02

75 2 0
                                    

Ali! Ali!”tawag sa akin ng kababata kong si Nicolai.  Sabado ngayon kaya naisipan naming gumala para mabawasan ng kahit na kaunti ang stress namin sa dami ng gawain sa school.

“Sandali lang! Nand’yan na po. Puwede maghintay?!” sigaw ko sa kanya mula sa kwarto. Napaka-mainipin niya talaga—laging nagmamadali at hindi marunong maghintay.

“Okay, sige. Wala namang magbabago sa’yo kahit magpaganda ka pa diyan sa kwarto mo kasi hindi ka naman talaga maganda, haha!” Aba’t antipatikong 'to nanlait pa. Akala mo kung sinong gwapong nilalang. Well, oo na! gwapo nga siya pero kailangan talaga nanlalait?!

“Ang kapal mo talaga, mamaya ka sa akin! Buwiset! Tumawa ka nang tumawa riyan hanggang hindi ka na makahinga. Ewan ko sayo!” Nag-ayos na ako ng aking sarili. Wala naman akong mapiling damit kaya naisipan ko na lang na magsuot ng pink na t-shirt, jeans at chucks habang ang ayos naman ng aking buhok ay naka-bun style. Ready-to-go na. Simpleng ayos lang at wala ng masyadong arte.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala para makaalis na kami baka sinusumpa na ako ni Nicolai dahil lang sa katagalan ko. Haha!

“Tara na,” pagyaya ko sa kanya.

“Whoah. 'Yan lang pala suot mo napakatagal mo,” sabi nito sabay akbay niya sa akin. Tinanggal ko naman 'yung balikat niya mula sa pagka-akbay n at inangat ko naman ang kamay ko akmang susuntukin siya kaya tumigil ito nang kakaasar sa akin.

“Joke lang! Ikaw naman. Sorry na, Ali. I love you. Pa-kiss nga. Hmmm—Aray! Teka, sandali 'wag kang mangurot.” Kung ano–ano ang pinagsasabi niya kaya naman kinurot ko siya nang kinurot. Lagi siyang ganyan kada magsosorry sa bawat pangaasar niya, laging mayroong three-words-eight-letters na kasama sa dulo. Siguro, nakasanayan ko na lang din kaya 'di ko na pinapansin. Minsan nga napagkakamalan pa kaming “kami” kasi naman napaka-sweet niya nga daw para sa isang kaibigan lang. Minsan napapaisip na rin ako, paano nga kaya kung mayroong kami? Pareho pa rin kaya ang mangyayari kagaya ngayon? Masaya kaya? Pero ayoko patulan 'yung ideya. Ayoko mag-assume ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari—o mangyayari.  

Hindi ko naman maitatanggi na matagal na akong may pagtingin sa kanya. Pero kailangan kong lagyan ng hanggang saan lang ako nararapat. Isang linya na kailangan mamagitan sa aming dalawa, ang pagkakaibigan—isang kaibigan na handang dumamay, magmahal, at umunawa. Isang unrequited love story na naman ang naitala sa bilyong taong nagiging friend zoned.

Dahil nasa byahe na kami papuntang mall, naisipan ko munang magkinig ng kanta mula sa aking cellphone. Inilalagay ko ang earphones sa aking tainga nang biglang hablutin ni Nico ang isang earphone mula sa aking kaliwang tainga. Aalma pa sana ako pero minabuti ko ng hindi, nadaan na naman niya ako sa kanyang mga ngiti. Err.

“Nico, okay na ba kayo ni Cha—” naputol ang pagsasalita ko nang napansin kong wala akong makakausap dahil nakatulog na pala ito. “Para ka talagang bata,” natatawang sabi ko sa kanya. Napansin ko namang malalaglag na ang ulo nito sa pagkakasandal niya sa akin kaya naisip kong ayusin ito. Hahawakan ko pa lang ang kanyang mukha nang bigla niyang hilahin ang kamay ko at hinawakan iyon. Nagulat ako sa ginawa niya at sinusubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya pero hinihigpitan niya pa ito lalo. Parang may nagra-rally sa loob ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon