♪ 25

23 0 0
                                    

Nang sumunod na araw ay nagising na lamang ako na sobrang bigat ng pakiramdam. Tinignan ko naman kung anong oras na at nakita kong alas cuatro na pala ng umaga. Sa ganitong oras ay dapat naghahanda na akong mag-ayos para pumasok pero hindi ko ginawa. Ipinikit ko na lang ang mga mata kong muli. Sobrang sakit ng ulo ko na para bang mayroon akong hang-over tapos ang katawan ko ay parang dinaganan ng mabigat na bagay. Hindi naman ako uminom kagabi para makaramdam ng ganito.

Pagkatapos kong makita si James ay hinatid niya na rin ako pauwi. Hindi siya nagtanong ng kahit na ano tungkol sa nangyari—well, maaring alam na niya dahil eskandalo talaga 'yung nangyari sa campus at kakalat agad ang balita kung wala man siya doon sa pinangyarihan ng eskandalong iyon. Kasalanan ito nung Cherry na 'yun, e. Makakabawi talaga ako sa kanya ng mas matindi. Dahil lang kay Nicolai ay kaya niya akong saktan ng ganoon.

Kahapon nang tanungin niya ako kung bakit ko ginawa iyon, pakiramdam ko ako pa ang sinisisi niya sa gulong nangyari, e. Mas kinakampihan niya 'yung hitad na 'yun! Nakakainis! Ginawa ko lang naman ang gumanti dahil nasaktan na ako. Pasalamat nga siya at wala akong ibang ginawa sa babaeng iyon kundi ganting sabunot lang at pagtulak. Hindi ko ginalusan ang magaspang niyang balat.

“Ate, gumising ka na. Mala-late ka na naman,” malumanay na paggising sa akin ni Kyle. Nagkulubong na lang ako sa kumot at hindi siya sinagot. Gusto ko lang magpahinga ngayon. Ayoko pumasok dahil pakiramdam ko ay may hollow blocks na nakadagan sa katawan ko at may pako sa ulo kong pinupokpok.

“Ate…”

“Hindi ako papasok ngayon, Kyle. Masama pakiramdam ko,” sagot ko na lamang sa kanya. Hinawakan naman ako nito sa noo at maya-maya pa’y umalis na sa aking kwarto. Nang makabalik ito ay dala-dala na siyang bimpo at maliit na palanggana na may lamang tubig. Mayroon din siyang dalang noodles. Inilapag niya iyon sa bedside table at sinimulan ang pagpiga ng bimpo sa malamig na tubig bago iyon ilagay sa aking noo. Ang sweet talaga nitong kapatid ko. Kahit na madalas kaming nag-aaway dahil sa mga wala sa hulog niyang pang-aasar ay hindi ito nawawala sa kanya.

“Ang sweet mo, Kyle. Hindi bagay…” humagikgik na sabi ko sa kanya. Binigyan na lamang ako nito ng matalim na tingin bago ako irapan. Pikon! Haha.

“Shut up! Tayong dalawa lang dito sa bahay. Wala si Mama para mag-alaga sa’yo. Na-extend daw ang stay nila doon ng isang buwan kaya pagtyagaan mo muna akong mag-alaga sa’yo.” Inirapan ko na lamang si Kyle. Naalala ko na naman si Mama. Kahit magtagal pa siya doon ay bahala siya. Basta pagbalik niya mayroon siyang handang paliwanag sa akin kung bakit niya kinausap si Nicolai. Alam ko… noon pa, mainit na talaga ang dugo ni Mama sa kanya. Nadagdagan pa iyon lalo nang malaman niya ang nangyaring pustahan para lang mapa-sagot ako.

Nang matapos akong kumain at uminom ng gamot, iniwan niya na rin ako at sinabi niyang hindi na rin siya papasok para maalagaan ako. Kahit tutol ako sa desisyon niya, wala naman akong nagawa dahil ayaw naman nitong magpa-awat. Wala raw kasing magbabantay sa akin kaya hinayaan ko na lang.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta nagising na lamang akong nilalagyan muli ng basang bimpo sa noo. Si Kyle talaga… Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Nicolai na iniaayos ang kumot ko. Nginitian pa ako nito at akmang hahawakan ang kamay ko. Bago pa man niya magawa iyon ay inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Nagkulubong ako ng kumot at tinakpan ng unan ang aking mukha. Ano bang ginagawa niya dito? Mamaya nakita na naman ni Cherry na kasama ko siya ngayon at nalaman niya kung nasaan ang bahay namin, bigla na lang niyang pasabugin. Naiirita ako sa kanya at sa babaeng iyon. Magsama silang dalawa. Bwisit!

“Ano’ng ginagawa mo dito? Baka nasundan ka ni Cherry tapos nalaman niya kung saan ako nakatira. Baka pasabugin na lang nun ang bahay namin. Umuwi ka na nga!” singhal ko sa kanya. Hindi naman ito umimik. Narinig ko na lamang ang ilag hakbang palayo at ang pagsarado ng pinto. Siguro ay umalis na nga siya. Salamat naman.

Ilang minuto pa ay nakarinig muli ako ng yabag papunta sa direksyon ko. Alam kong si Kyle iyon. Humanda talaga siya sa akin! Bakit siya nagpapapasok sa kwarto ko? At bakit ba nandito 'yung lalaking 'yun? Err.

“Ky—what the hell? Hoy! Bakit ka nakaganyan lang? Leche ka. Ano’ng balak mo?” Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita si Nicolai na naka-boxers lang! Nakabalandra ang kanyang katawan sa harap ko. Mayroon na siyang abs pero hindi katulad ng nakikita sa mga modelo. Tama lang iyon para sa built niya. Bagong ligo ito at tinutuyo niya ang kanyang buhok gamit ang towel. Err. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Baka sabihin niya, pinagnanasahan ko ang pangit niyang katawan. Tse!

Panaka-naka ay napapatingin ako sa kanya… at ang abnormal, nakangisi! Akala naman niya nagagandahan ako sa katawan niyang… aish! Ano ba! Lalong sumasakit ulo ko sa taong ito, e. Ilang sandal pa ay lumapit ito sa akin at tumabi sa kama. Pilit ko siyang tinutulak at pinaalis roon pero ayaw nito. Nabigla pa nga ako nang bigla niyang hapitin ang baywang ko para yakapin ako nang mahigpit. Hindi ko na tuloy alam kung nilalagnat ako o sadyang uminit ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya, e.

“Tulog ka na muna para mawala sakit ng ulo mo. Babantayan kita,” sabi nito habang hinahalikan ang aking noo. Yumakap na lang din ako sa kanya at hinilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. Bakit? Bakit kailangan niyang maging ganito? Nakakalimutan kong naiinis ako sa kanya at sa babaeng umaangkin sa kanya. Naiinis ako pero hindi ko na 'yun iniintindi ngayon kasi nandito siya.

 “Nasaan ang kapatid ko? Paano ka nakapasok dito? Ano mo 'yung Cherry? Naiinis ako sa’yo! Bakit—”

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong bigyan ng isang mabilis na halik. Nahampas ko tuloy siya sa dibdib! Err. Tumawa na lamang ito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin.

“Magpahinga ka muna. Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo pagkagising mo,” nakapikit ito habang sinasabi niya iyon. Hinahaplos haplos din nito ang buhok ko. Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko na lang siya.

Noong tanghaling iyon, pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko. Hindi dahil sa gamot na ininom ko kanina kundi dahil nandito si Nicolai… sa tabi ko.

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon