♪ 07

87 3 0
                                    

Huminto kami sa canteen ng eskwelahan. Eh? Akala ko pa naman kung saan kami pupunta.

“Bakit mo ako hinila rito? Ano namang gaga—”

“Kakain, siyempre. Nagugutom na kaya ako, haha!”

Okay? So may pilosopong James pala akong kasama. Napataas na lamang ang kilay ko sa kanya. Akmang aalis na ako ng lugar na 'yun nang bigla niya akong pigilan.

“Hep-Hep! Sa’n ka pupunta, Ms. Iyakin?”

Inirapan ko lamang ito at humakbang palayo. Humarang naman ito sa aking dinaraanan para lang mapigilan ako. Binabawi ko na pala ang sinabi kong nagpapasalamat ako dahil sinamahan niya ako sa isa sa pinakamalungkot na araw ng buhay ko. Ang kulit ng isang 'to, ayaw paawat.

“May lakad pa ako, James. Una ako,” pagpaalalam ko sa kanya pero hindi pa rin ito natinag sa pagharang sa aking dinaraanan. Ano bang problema ng isang 'to at ayaw akong paalisin?

“Mag-eemote ka lang ulit sa playground. Samahan mo na lang akong kumain. Alam mo bang nakakawala ng lungkot ang pagkain? Mas mabuti na 'yun kaysa makita ulit kitang umiyak.” Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Kahit naman pala medyo presko ang dating ng niya, inaalala niya pa rin ang kalagayan at nararamdaman ko.

“Ugh! Sige na nga. Bilisan lang natin dahil hinihintay na ako ng bestfriend ko,” pagpayag ko. Sumilay naman ang ngiti sa maamo nitong muk—aish! Ano bang kahibangan 'tong sinasabi ko?! Umiling-iling na lang ako para maalis ang kaisipang 'yun.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin si James bitbit ang mga pagkaing in-order niya—mga pagkain talaga. Halos manlaki ang mga mata ko nang isa-isa na niyang naihain ang mga pagkaing kanyang dala-dala. Spaghetti, siomai, pancit, puto, sisig at iba pang mga putahe ang nandoon. Nagpatulong na nga siya sa crew para lang madala iyon sa table namin. Grabe talaga! Sa pagkakatanda ko, malungkot lang ang araw ko pero hindi naman ibig sabihin na ito na ang huling araw ng buhay ko sa dami ng pagkaing ito.

“Ah, James, hindi kaya sobra naman yatang dami nitong mga pagkain para sa snack lang? Dalawa lang naman tayo tapos ang dami-dami mong in-order. Hindi pa naman siguro ito ang huling araw na kakain tayo, di’ba?!” mataray na sabi ko sa kanya. Sa haba ng sinabi ko, wala man lang siyang naging reaksyon kung hindi ang tumawa—ang tumawa nang tumawa sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko sa reaksyon niyang 'yun. Weird! Lahat na lang ba ng sasabihin ko, tatawanan nitong lalaking 'to? Ugh! Badtrip!

“Hahaha, Ms. Iyakin, mayroon ka pa lang sense of humor na taglay. Hahaha—oy teka! Sa’n ka pupunta na naman?” Wala akong mapapala kung kakausapin ko pa ang lalaking 'yun. Buong araw lang yata ako nitong aasarin mabuti pang umalis na ako at bumalik na lang ng playground, mas tahimik buhay ko doon.

Hindi pa ako nakakalayo ng canteen nang bigla akong pigilan ni James. Para akong nakikipaglaro ng patintero sa isang 'to—para siyang si Nico—hindi tumitigil hangga’t hindi nasusunod ang gusto.

“Excuse me?!” mataray na sabi ko sa kanya.

“Sorry na! Nagbibiro lang naman, e. Halika na kumain na tayo,” pagpapaanyaya nito.

“A-y-o-k-o!” Napahalukipkip na lamang ako. Ang kulit talaga niya. Ugh!

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon