♪ 23

14 0 0
                                    

Okay na ang set-up natin, guys! Test niyo na lang muna ang mga system kung gumagana ng maayos,” nakangiting sabi ko sa aking mga ka-grupo. Ang lahat ay natataranta na sa pag-aayos ng kani-kanilang booths. Ilang oras na lang kasi ay magsisimula na ang event. Kailangan ng paspasan ang pagtapos sa mga dapat gawin. “Geraldine, kayo muna dito, a. Sorry. Kailangan ko lang puntahan 'yung para sa foodfest namin. Pasensya na,” paalam ko sa isa kong ka-grupo. Tumango naman ito sa akin at sinabing sila na muna ang bahala roon. Nakaka-stress ang araw na 'to, seryoso.

Nang papunta na ako sa table na nakalaan para sa Team-Asia, nakalagak na roon ang ilan sa mga putaheng naluto namin kanina. Maayos na rin ang arrangement nung table, kubyertos, at mga pinggan sa mesa. Maganda ang pagkakagawa nila rito. May mga bulaklak pang disenyo sa gilid ng table na para bang isa iyong catering para sa royal wedding. Ang table cloth na ginamit nila roon ay pula at puti na dinisenyohan ng ruffles sa itaas na bahagi ng mesa.

Bago dumiretso ng kitchen area, kinuha ko muna ang aking apron na nakasampay sa isa sa mga upuan doon at isinuot iyon. Since bawal sa loob ng kitchen ang nakalugay ang buhok, sinikop ko muna iyon para isuot ang aking bonnet. Dumiretso na ako nang kitchen para tumulong sa kanila. Naabutan ko pa ngang naghihiwa ng sibuyas si Krisha at si Nicolai naman ay naghahalo ng ube-halaya.

Ngumiti pa ito sa akin nang makita ako. “Kumain ka na ba, Ali?” paunang tanong niya sa akin. Hindi niya pa rin tinitigilan ang paghahalo roon.

“Hindi pa. Ang dami kasi naming ginawa kanina, e,” tugon ko naman sa kanya. Totoo! Alas-dos na ng hapon at wala pa rin akong kinakain pang-tanghalian. Nakalimutan ko na rin ang gutom sa sobrang dami naming ginawa simula kaninang umaga. Tumango-tango na lamang ito sa naging sagot ko bago tawagin si Angelo, ang aming kaklase, na pumalit muna roon sa kanyang maghalo nung ube. Pinunasan ang kamay gamit ang ref-towel na nandoon.

May kung ano siyang kinuha mula sa nakatakip na plato bago lumapit sa akin. “Oh, ito. Kumain ka muna. Baka mamaya mag-collapse ka sa event dahil nagpalipas ka.” Doon niya inabot sa akin ang paperplate na naglalaman ng pagkain. Napakurap-kurap pa ako sa pagkaing itinabi niya para sa akin. “Kunin mo na!” nakakunot na sabi nito. Ang sungit, grabe.

Ininspeksyon ko muna ang laman niyon at nakita kong puro paborito kong pagkain ang naroon. Menudo, mechado, bangus, at mayroon pang tempura. Kaya naman ganun na lang kalawak ang ngiti ko nang makita ko iyon. Tumingon ako sa kanya nang nakakaloko pero umiwas naman ito nang tingin habang pinamumulahan ng pisngi. Ang cute ni Nicolai ko. Haha!

“Salamat! Talagang mga paborito kong pagkain ang inilagay mo rito, a?” pang-aasar ko sa kanya. Inirapan lamang ako nito at lumapit sa ref bago kinuha ang red ice tea na naroon bago bumalik sa akin.

“Oh, ayan. Kumpleto na. Kumain ka na,” utos niya sa akin. Oo, hindi 'yun paanyaya, utos 'yun! Kulang na lang talaga kaladkarin niya ako para pumunta doon sa mini table at kumain, e. Pero kahit ganyan siya kasungit, I really find it sweet.

“Grabe, ang tamis…” biglang singit na sabi ni Krisha. Napataas naman ang kilay ko. Aasarin na naman kami ng babaeng ito, e. Humanda talaga siya sa akin mamaya kapag hindi niya inayos ang sasabihin niya. “…ba niyan, Angelo? 'Yung ube? Baka kasi langgamin tayo mamaya sa sobrang tamis. Haha!” Nagtawanan pa ang dalawa na para bang sa tingin nila hindi ko nakuha ang gustong iparating nitong si Krisha! Err.

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon