♪ 06

154 12 11
                                    

Natapos na rin ang mahabang meeting para sa nalalapit na welcome party for freshmen. Akala ko matatagalan pa ako sa meeting na 'yun, buti na lamang at hinanap ng dean ang president nang student government kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makaalis agad.

“Uuwi ka na ba? Tara sabay ka na sa amin, Faith,” pag-aanyaya ni Ariceli sa akin.

“Una na kayo, Ariceli. May pupuntahan pa kasi kami ni Krisha, e. Salamat!” nakangiting tugon ko sa kanya. Tumango na lamang ito bilang sagot at saka dumiretso palabas ng student hall. Minabuti ko nang ayusin ang aking mga gamit para makapagprepara na rin sa lakad namin ni Krisha.

Habang abala sa pag-aayos, bigla na lamang akong nakarinig ng ilang yabag mula sa gilid ng hallway. Napahinto ako sa aking ginagawa at matapang na tinungo ang lugar kung saan nagmumula ang tunog na 'yun ngunit wala naming tao roon.

“Baka imagination lang 'yun! O’ kaya si Mang Remy lang iyon na kakatapos lang mag-linis ng hall. Tama! Baka isa lang 'yun sa dalawa,” pagkukumbinsi ko sa aking sarili kahit na ang totoong nararamdaman ko no’n ay pangingilabot dahil sa posibilidad na baka isa iyong multo o engkanto na naninirahan sa gusaling ito. Paano nga kaya kung isa sa mga naiisip ko nga ang dahilan? Paano kung nangunguha pala ito ng lamang loob ng tao at ginagawa nilang pagkain at—

“Wah!” Halos manlamig ang buo kong katawan nang may naaninag akong anino mula sa likod ng pintuan ng hallway. Rapist? Killer? Multo? Kailangan ko nang makalabas sa lugar na ito—waaah! Ayoko na magpagabi dito! Dali-dali akong bumalik sa activity area ng hall at i-sinilid lahat ng aking mga gamit—wala ng ayos-ayos! Akala ko biro lang ang usap-usapan tungkol sa mga multo sa lugar na 'to—'yun pala totoo!

“Pst!” Ayan! Ayan na naman. Sumisitsit naman ngayon.

“Wah! Oo na. Aalis na ako. Hindi na ako mang-iistorbo. Ito na nga papalabas na,” sigaw ko habang karag-karag ko ang aking mga gamit. Halos madapa-dapa na ako sa mabilisang lakad makalabas lang nang hallway na 'to.

“Oy, Faith!” Ngayon naman alam niya ang pangalan ko! Alam ng multo ang pangalan ko? Halos manlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang bagay na 'yun. Wah! Alam kong maganda ako pero sana 'di ako type ng isang multo.

“Oy, Faith! Ano bang nangya—”

“Wah! Multo, rapist, engkanto, kulto, snatcher, hol—” sigaw ko. Kaunti na lang makakalabas na ako nang biglang hinawakan ako nito sa balikat. Pinaghahampas ko ito ng bag—wala ng pakialam kung magkanda laglag ang mga gamit mula doon.

“Faith! Ano ba?!” Napakurap-kurap ako nang matapos ako mag-hysterical sa kakahampas sa taong nasa harapan ko—si Nico. Agad ko namang tinapik ang mga kamay nito palayo. Ugh! Siya na naman? Hanggang ditto ba naman makikita ko pa rin ang pagmumukha niya? Nakakainis! Mas masahol pa sa iniisip ko ang makikita ko sa hallway na ito.

“Ugh! Ano bang ginagawa mo rito? Napagkamalan pa kitang engkan—”

“Haha! Same old Allison I knew,” pagputol nito sa sinasabi ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niyang 'yun. ‘Same old Allison I knew’ umulit sa kaisipan ko. Napangiti ako nang mapait—dinampot ang mga gamit na noo’y nakakalat sa sahig at buong tapang kong sinagot 'yun.

“I’m not the same old Allison you knew. You forced me to change and… thanks for that.” Matapos nang tagpong iyon ay tumatakbo ako palabas nang hall—baon-baon ang mga salitang binitawan ko kay Nico, kalakip ang mga luhang sinubukan kong hindi na muling pumatak sa matagal na panahon para sa parehong dahilan.

***

Masayang naglalaro ang mga bata sa playground. Pinagmamasdan ko lamang sila habang nagpapalipas ng oras. Si Krisha ay mayroon daw emergency meeting sa kanilang org. kaya nandito ako ngayon, nagmumuni-muni at naghihintay.

Sa 'di kalayuan, napansin ko ang dalawang bata—isang batang babae at isang batang lalaki. Mayroong hawak na bulalaklak ang batang lalaki at iniaabot 'yun sa batang babae. Hindi naman ito tinaggap ng batang babae at nakatingin lang ito sa malayo. Cute! Isang pamilyar na eksena ang sumagi sa isip ko—isang pangyayaring nangyari rin sa akin matagal na panahon na ang nakalilipas. Napailing na lang ako. Pilit na binubura ang alaalang 'yun, ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa iba pang mga bata roon pero hindi ko pa rin maiwasan ang mapatingin sa eksenang 'yun. Kung hindi kaya naging madamot ang tadhana, magiging maayos kaya ang naging relasyon namin ni Nico? Masaya kaya kami ngayon? Napangiti ako nang mapait. Pwedeng oo, pwedeng hindi pero ito ang nangyari—mga pangyayaring hindi na nabago nung may pagkakataon pa at wala ng pag-asang mababago pa.

Tinignan ko ang langit. Naghahanap ng kasagutan sa mga tanong ko sa buhay. Kahit alam kong wala doon ang sagot, umaasa pa rin ako na mabibigyan ako ng mga kasagutan nito. Weird! Oo, pero ito na ang nakasanayan ko.

“Pa? Opo...  Uuwi na po. Happy Father’s Day po.” Napatingin ako bigla sa babaeng napadaan kausap ang kanyangg ama sa cellphone. ‘Eh di ikaw na!’ Sa isip kong sabi habang sinasamahan ito iba’t ibang facial expressions. Hay! Hindi ko dapat nararamdaman ito. Kaya naman namin nina Kyle ang mabuhay kahit wala siya sa mundo namin.

Ilang sandali pa, hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan. Bakit may mga taong sobrang swerte sa buhay? Kumpletong pamilya, masayang buhay pag-ibig, magandang takbo ng propesyon, hindi ba pwedeng gano’n na lang din ako? Lahat na lang ba ng kamalasan na sa akin? Hay!

“Umiiyak ka na naman!” sabi ng isang lalaki. Iniangat ko naman ang ulo ko para makumpirma ko kung sino 'yun. Nakangiti itong bumungad sa akin habang inilalahad niya ang kanyang panyo, “kada makikita kita lagi kang umiiyak. Tama na 'yan,” pagpapatuloy nito. Humiga ito sa damuhan, hindi inintindi ang nagkalat na dahon sa paligid nun. Tahimik niyang pinagmamasdan ang langit. Nakakunot noo lamang akong nakatingin sa kanya—nagtataka sa ikinikilos nito.

“S-Salamat sa panyo.” Ang unang mga salitang nasabi ko mula nang iniabot niya sa akin ang pamahid luhang bagay na 'yun. Nakakatawang isipin na sa pinakamahinang punto ko ng emosyon niya ako laging nakikita.

Lumingon naman ito sa akin. “Masyadong maganda ang mga ulap ngayon, pagmasdan mo rin,” yaya nito sa akin. Ikinagulat ko ang pag-aanyaya niyang 'yun kaya naman tinanggihan ko na lamang.

“Isa ka ring ulap—maganda pero kapag sobra na ang nakuha nitong bigat mula sa mga nakapaligid na tubig, mapupuno ito... babagsak bilang isang ulan. Hindi 'yun simbulo na naging mahina ang ulap. Siguro, matapang lang siyang pinapakawalan ang bigat na dala-dala niya.” Malalim pero makahulugan ang mga salitang 'yun. Kung ano ang pinanggagalingan niya nang samibitin niya 'yun ay isang kamanghamanghang kaisipan. Tama siya. Hindi ito isang kahinaan.

“Tara na! Ililibre kita, Ms. Iyakin.” Tumayo na ito mula sa pagkakahiga at pinagpagan ang kanyang damit.

“Teka? Ano’ng Ms.—”

“Tara na!” Hila nito sa akin patungo sa kung saan.

Ang weirdo ng isang 'to pero nagpapasalamat ako na sinamahan niya ako sa isa sa pinakamalungkot na araw ng buhay ko.

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon