♪ 16

45 1 0
  • Dedicated kay Diana Joy Basada
                                    

Ang awkward sa pakiramdamn ng ganito—Ako at si Nico magkasama, trapped sa loob ng convenience store na ito dahil sa pesteng mga jeep na punuan. Dagdag pa ang panlilibre niya sa akin ng snack na hindi ko alam kung bukal sa loob niya ang pagbigay o may gusto lang siyang paka-ibig sabihin sa mga salitang binitawan niya. Hay! Kahit gaano ko iwasan ang mga ganitong tagpo, saka naman ito lapit nang lapit na para bang nananadya na ang tadhana na gumawa ng paraan para maipamukha sa akin na hindi ko kayang matagalan ang pagpapanggap na ginagawa ko.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng convenience store habang inuubos ko ang sandwich na binili niya para sa akin. Salamat naman at tumila na rin ang ulan. Makakauwi na rin ako. Siguro naman mayroon na akong masasakyang jeep pauwi.

Nang maubos ko na iyon, nilikom ko na ang aking mga gamit at naghahanda na para makaalis. “Tumila na ang ulan. Uuwi na ako, ha? Salamat sa sandwich,” nakangiting sabi ko sa kanya. Tinaasan lamang ako nito ng kilay bago muling tumingin sa labas ng store. Ang suplado mo talagang Diaz ka! Hmp!

“Ihahatid na kita!” ma-awtoridad na sabi nito. Hindi ito nakatingin sa akin habang binabanggit niya ang mga salitang iyon. “Gabi na. Masyado ng delikado para mag-byahe mag-isa. Kaya sa ayaw at gusto mo, ihahatid kita.” Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi iyon. Wala akong ibang makita kung hindi si Nico—ang nakasama ko ng ilang taon bilang kaibigan, naging tagaprotekta, tagapag-alaga, at kakulitan ko noon—Si Nico ko, ang lalaking minahal ko. Hindi ko makita ngayon ang Nico na pinagpalit ang magandang samahan para lamang sa pera.

Pustahan, limang-libo, barkadahan niyang nangangantyaw sa kanya dahil talo siya sa pustahan. Unti-unting nawala ang focus ko sa kanya at sa kanyang mga sinasabi. Bakit ba kahit anong pilit ko na burahin iyon sa utak ko ay hindi ko magawa? Para bang ito’y isa ng multo na binabalik balikan ako para lang ipaalala kung gaano ako ka-tanga. Sana nakukuha na lang sa gamot ang ganitong mga kaso, para naman ilang inom mo lang, wala na. Magaling ka na. Kaso hindi, e. Imposible. Sobrang imposible.

Hahakbang pa lamang ako nang bigla itong tumayo at naglahad ng kamay sa akin, “tara na,” pag-anyaya nito sa akin. Umirap na lamang ako sa kanya at nilagpasan na lamang ito. Kahit gaano ko kagustong hawakan ulit iyon ay hindi ko ginawa. Hindi dahil sa nagmamaganda ako o nag-iinarte, kung hindi dahil sa alaalang pilit na bumabalik sa akin para ipaalalang nasaktan ako ng taong ito at hindi ako dapat nagpapadala o nagpapakita ng kung anumang nararamdaman ko para sa kanya dahil mali iyon, maling mali.

“Suplada!” natatawang sambit nito. Hindi ko na lamang siya pinansin at naglakad nang dire-diretso hanggang sa pinto. Hah! Kahit ilang beses niya pa akong tawaging ‘suplada’ hindi ako magpapatinag. Makakakita pa siya ng tunay na suplada sa mga susunod na araw akala niya. Hmp! Narinig ko pa ang sunud-sunod na pagtawag nito sa akin pero hindi ako nag-aksaya ng panahon para lumingon sa kanya. Dire-diretso lang, Faith. 'Wag kang lilingon, 'wag na—

“Naabutan din kita,” pabulong na sabi nito sa aking tainga. Halos manlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ulit ang mga bisig niya nang yakapin ako nito mula sa likuran. Fudge! Ano ba namang puso 'to, kung makatibok akala mo first time lang umandar kung makatambol sa dibdib ko sa sobrang bilis. Gahd!

Noon, nung magkaibigan pa lang kami at hindi pa nangyayari ang nakapagpasira sa amin, hinihiling ko ang mga pagkakataong ganito—araw-araw umaasa na dadating ang panahon na matutupad ang kahilingan ko at maging masaya ako sa piling niya. Hindi naman ako nabigo, e. Natupad naman kaya lang hindi nga lang tumagal… at nakakapanghinayang ang panahon na iyon. Kung hindi sana dahil sa bagay na dapat ay hindi niya ginawa, siguro masaya kami sa aming mga buhay at wala kami sa pesteng sitwasyon na ito ngayon!

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon