♪ 13

67 3 2
                                    

Madilim na kalangitan.

Bugso ng hangi'y nararamdaman.

Ang senyales ng pag-ulan,

Nagbabadya sa buong kabayanan

Ulan na simbulo ng kalungkutan.

Sa puso'y di malimutan.

Sakit ng 'yong paglisan,

Kasabay ng pagbuhos ng ulan.

Pag-ulan ay isang gunita,

Ng araw ng tuluyan mong pagkawala

Humanap ng ibang sinta.

Sa piling niya ika'y lumigaya.

Hiling ko lamang sa maykapal,

Na kayo'y magtagal.

Alam kong pagmamahal ay di naging sapat,

Kaya sa akin ika'y di naging tapat.

Bawat patak ng ulan katumbas ay luha.

Agos ng nagdurugong damdaming sabay sa baha.

Pagiibigang dinala kung saan.

Gaya ng ulan winawakasan.

By: Faith De Guzman

"Madilim na kalangitan. Bugso ng hangi'y nararamdaman. Ang sen—" napalingon naman ako kung sino ang nagbasa nang malakas sa aking naisulat na tula at hindi nga ako nagkamali, si Krisha nga iyon. Sa paraang pagsusulat ng tula ko lamang nailalabas ang nararamdaman ko kaya hangga't maari ayoko ng may makabasa ng aking corny at puro drama kong mga akda. Agad ko ng isinara ang aking notebook para hindi niya mabasa lahat ng aking naisulat at itinago na ito sa aking bag. Mayroon na naman akong nasapiang kaibigan. Hay naku!

"Kailangan talaga basahin mo nang malakas? Nakakaloka ka!" pairap na sabi ko sa kanya. Tinawanan lamang ako nito at umupo na sa aking tabi. Hawah-hawak ang kanyang tiyan at walang humpay na tumawa habang hinahampas niya ang semento. "Eh, k-kasi...hahah!" Eh? Wala naming nakakatawa sa sinabi ko para maging ganoon ang reaksyon niya. Baliw talaga!

Pinagmamasdan ko lang siya habang hindi pa rin siya tumitigil sa kanyang ginagawa. Hay! "Krisha, kakabagan ka. Utang na loob tumigil ka na," pagsuway ko sa kanya. Kung bakit ba naman kasi dito pa sa may fountain malapit sa library ako tumambay, e. Naisahan tuloy ako nitong si Krisha at nagawa pa akong pag-trip-an.

“Eh, kasi…Bessy, masyadong malalim, e. Saan mo kinukuha ang hugot mo diyan? Haha!” pang-aasar nito. Aba’t talaga namang…aish! Bwiset 'to! Kung makapanglait ng gawa ko parang walang kwenta 'yung naisulat ko. Kung alam niya lang na tungkol 'to sa lalaking sinasabi niyang “cutiepie” daw kahit hindi naman, 'e baka mawindang ang katawang lupa niya. Pft!

Makalipas ang ilang minuto, nag-sorry na ito sa akin habang pigil-pigil pa rin ang sarili na huwag tumawa. Inirapan ko na lang ito at kinuha ang notebook ko para mag-review ng notes doon. Salamat naman at huminto na rin ito. Isa-isa niyang inilapag sa mesa ang kanyang mga dala-dalang librong wala namang kinalaman sa course namin.

"Okay, sige. Hindi na. Magbabasa na—" Halos manlaki ang mga mata ko nang isa-isa niyang inilalabas ang mga librong kabibili pa lamang niya. Paano niya nadala ang lahat nang iyan dito?

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon