♪ 14

52 1 2
                                    

Okay, class. That’s all for now. See you tomorrow!” paalam ni Mrs. Ramirez sa amin. Hay, salamat natapos na ang klase at makakauwi na ako agad. Nitong mga nakaraang araw, masyadong naging busy ang aming org dahil sa nalalapit na welcome party para sa mga freshmen at hindi ko rin ikinatuwa ang pag-move sa food fest na isasabay na lang din sa araw ng party. Paano ko hahatiin ang oras ko? Tsk! Halos wala na rin akong tulog buong lingo dahil na rin sa sabay-sabay na requirements na kailangan ipasa.

Bahay-school, 'yan na ang naging routine ko araw-araw. Kung noon ay madalas pa kaming nakakalabas ni Krisha para mag-mall, ngayon ay nag-iba na. Bukod sa pahirap na nang pahirap ang mga subjects, lalo pa itong nakapagbibigay pressure sa mga panahong malapit na ang prelims. Sa susunod na buwan na 'yun agad. Ang bilis ng araw. Parang nung last month lang, kakasimula pa lang ng klase. Hay!

Naglalakad ako papuntang locker room nang makasalubong ko si Nico sa hallway. Parang mga nangangarerang kabayo ang bilis nang tibok ng puso ko. Nitong mga nakaraang araw, mas lalo kong nararamdaman ang presensya ni Nico. Mas lalo kong nararamdaman na pareho pa rin ng noon ang nararamdaman ko ngayon. Oo, nandoon na ang puntong may nangyaring hindi ko inaasahan at hanggang ngayon ay hindi ko mabura sa isip at puso ko iyon. Pero, hindi naman no’n natanggal ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo ko pa nga siyang namimiss dahil kahit ang lapit-lapit niya sa akin ay napakalayo pa rin ng agwat naming dalawa. Hindi ko kasi pwedeng pakawalan ang nararamdaman kong ito dahil alam kong sa huli, ako na naman ang talo—ako na naman ang masasaktan.

Okay? Puso, manahimik ka! Lalagpasan lang natin ang lalaking 'yan at 'wag kang mag-inarte dahil kailangan mong sumunod sa akin! Iyan lang ang nasa isip ko habang pinapagpatuloy ko ang paglalakad. Huminga ako ng malalim at diretsong naglakad na lamang habang ang mga mata ko’y nakatingin sa semento. Hahakbang pakaliwa, hahakbang pa-kanan, maka-ilang ulit na ganoon ang pagsalubong naming dalawa. Saan ba talaga ako pupunta?! Err.

“Excuse me!” mahina pero tama lang na marinig niya ang aking pagkakasabi. Tumabi naman ito at hinayaan na akong makalagpas. Talaga nga naman, oh!  Masyado na yatang maliit ang mundo para sa aming dalawa. Ang hirap naman ng sitwayong 'to.

Imbes na dumiretso ako sa lugar na aking dapat na puntahan, minabuti ko munang pumunta sa c.r. Para akong tangang kinakausap ang sarili sa salamin dahil sa frustration. Kung may makakakita sa akin ngayon, malamang ang una nilang iisipin ay baliw ako—na ini-immitate ko si Sisa pero “modern version” ang drama ko.

“Kaya mo 'yan, Faith! Nakayanan mo 'yan ng ilang taon. Magagawa mo pa ulit 'yang itago,” pagkukumbinsi ko sa aking sarili habang iniaiayos ko na ang aking sarili at umalis na agad doon.

Dumiretso na ako sa locker ko at inaayos ko na ang aking gamit nang may napansin akong mayroong nakasabit na paperbag doon na mayroong kalakip na maliit na papel na korteng puso. Sino naman kaya maglalagay ng ganito dito sa locker area ko? Kinuha ko naman ang papel na iyon na nakasabit sa paperbag at binasa kung ano ang nakasulat.

‘Ms. Faith De Guzman, please smile.’

Isang maiksing mensahe lang na sobrang nakapagtataka. At talagang buo ang pangalan kong nakasulat sa isang heart-shaped post it note na ito. Sino naman kaya ang magpapadala sa akin nito?! Sana si Ni—Ugh! Mali. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga gano’n dahil malayo pa sa mga bituin ang isang Nico na gumawa ng ganito. Napakaimposible! Kailangan ko na yata ng gamot sa utak dahil kung ano-ano na ang naiisip ko. Itinabi ko na ang sulat sa aking bulsa at kinuha ang paperbag. Nang tingnan ko ang laman ay walang paglagyan ang ngiti sa aking mukha.

 

“Kung sino man ang nag-iwan nito dito, thank you ng madami! Wah! Ang cute talaga,” nakangiting sabi ko sa teddy bear na nasa harapan ko ngayon. Ito 'yung bear na tinitignan ko sa blue magic nung nakaraang buwan, a. Hindi ko lang mabili agad dahil wala pa akong pera no’n. Kapag nalaman ko talaga kung sino nagbigay sa akin nito, mayayakap ko talaga ng sobra.

*Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat*

Napahinto ang pagsasaya ko nang tumunog ang aking cellphone. Isang unknown number. Maka-ilang ring din ito bago ko tuluyang sagutin.

Hello?’ paunang bati ko. Pero wala naman akong naririnig na salita. Wala kang ibang maririnig na magsasalita. Ang naririnig ko lang ay ang tugtog na instrumental ng isang pamilyar na kanta. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nga ba narinig at kung ano ang title.

Hello?’ ulit ko pero wala pa rin. Pinatay ko na lang ang tawag. Pft! Prank caller nga naman, oh. Hindi ba sila nasasayangan sa load na ginagamit nila para lang manghula ng number at tignan kung may sasagot. Nakakaloka! Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa cute na teddy bear na nasa harap ko ngayon. Ang cute tala—

“Uy, Bessy!” masiglang bati ko kay Krisha nang napansin kong dumaan ito sa aking likuran.

“Hi,” tipid lang na bati nito. Napansin ko namang namumula rin ang mga mata nito at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Napakunot ang noo ko. Mukhang hindi na tamang hintayin ko pa siya ang kusang magsabi sa akin ng problema niya. Kailangan ko na siyang tanungin dahil mukhang di na niya kinakaya. Ibinalik ko muna sa paperbag ang teddy bear at humarap ako sa kanya. Ang ngiti ko kaninang walang paglagyan ay napalitan na ng pag-aalala para kay Krisha. Niyaya ko na muna siyang tumambay muna kami sa botanical garden nitong school. Wala namang masyadong tao roon ng after lunch dahil nasa kani-kanila na silang klase. May isang oras pa naman bago magsimula ang sa amin.

Nakatingin lang si Krisha sa mga naglalakad na estudyante sa hallway at parang nakalimutan niya yatang mayroon siyang kasama ngayon. Nang tignan ko kung ano ang kanina niya pa tinitignan sa hallway ay napairap na lang ako, Si Sherwin, na masayang nakikipagtawanan sa babae niyang kaklase. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago magsalita.

“Bessy…” tawag ko sa kanya.

“Hmm?” sagot lamang nito nang hindi ako nililingon. Pinagmamasdan niya pa rin ang eksenang aming nakikita ngayon.

“Ano’ng problema? Tell me. Ayoko makita kang ganyan. Si Sherwin ba?” Humugot muna ito ng malalim na hininga bago humarap sa akin. Doon ko nakita ang mga luha na malapit ng bumagsak mula sa kanyang mga mata. “Ano ba kasing prob—” naputol ang pagsasalita ko nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit at ibinuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko siya pinigilan hanggang sa siya na mismo ang kumalas sa pagyakap sa akin at magpunas ng kanyang luha.

“B-bessy, p-pasensya ka na na—”

“Okay lang 'yun. Nakakabawas ng sakit na nararamdaman ang pag-iyak,” putol ko sa kanya. Pilit naman itong ngumiti sa akin. “Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo,” pag-aalo ko sa kanya. Alam kong mayroong espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa dahil hindi naman maikakaila sa mga kinikilos nila. Sigurado akong may kinalaman ang lalaking iyon kung bakit ganito si Krisha ngayon.

“Si Sherwin at ako…” nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman ang playboy na 'yun dito, e. Ano na naman ang ginawa nung lalaking 'yun para magka-ganito ang kaibigan ko?! Ugh! Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya. Sasampalin ko siya ng ginagamit niyang plates, drawing board, calculator, at ibabato ko 'yung rolyo-rolyo niyang mga blueprint draft sa mukha! Err. “…may nangyari sa amin. At natatakot ako, Bessy, dahil nalaman na ng parents ko.” 

“Ano?!”

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon