♪ 21

23 0 0
                                    

May biglaang meeting sa Cebu si Mama. Next week pa raw ang balik niya,” bungad sa akin ni Kyle nung sumunod na araw habang kumakain ako ng agahan. Bullsh-t talaga! Napakagandang timing naman talaga palagi. Kung kailan naman haharapin ko na siya at saka pa nagkakaroon ng ganitong eksena. Kagabi, hinintay ko siya. Hindi ko talaga binalak matulog para lang hintayin ang pagdating niya pero wala rin, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay at nakaalis na ulit siya. Nag-iwan na lang siya ng panggastos namin at mensahe sa kapatid kong hindi man lang nag-abalang gisingin ako!

Binigyan ko na lamang siya nang matalim na tingin bago ibalik ang atensyon ko sa aking kinakaing pandesal. Wala ako sa mood para sumagot pa sa sinabi ng kapatid ko. Buti pa nga sa kanya nagpapaalam, e.

“Tapos sabi niya—“

“Shut up! Oo na. Grounded pa ako, alam ko. Uuwi ako agad. I-tetext kita. Pwede ba, Kyle? Kulang na lang ikadena niya ako dito sa bahay, a? Nakakainis!” putol ko sa sinasabi niya. Napataas naman ang kilay nito sa dire-diretso kong pagsasalita. Natatawa-tawa pa itong umiling bago magsalin ng tubig sa kanyang baso at sumimsim doon. Inirapan ko na lamang siya at kinuha ko na ang aking mga gamit sa sofa.

“Ang dami mong sinabi, ate. Sasabihin ko lang naman na pinapasabi ni Mama na lifted na ang pagiging grounded mo. Kaso…parang ayaw mo yata? Ikaw bahala. Sasabihan ko na lang siyang ayaw mo,” iiling-iling na sabi nito habang kinukuha ang diyaryo na nakapatong sa lamesa. Doon na lamang niya itinuon ang kanyang atensyon at hindi na ako pinansin pagkatapos.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Ito pa lamang ang pangatlong araw ng pagiging grounded ko. Wala pa akong isang linggo sa parusang ibinigay niya sa akin. Anong nangyari? Bakit kaya bigla na niyang tinapos? Hindi naman sa ayaw ko ng ginawa niya. Nakakatuwa nga’t tinanggal niya na agad ang parusang iyon, e. Akala ko mabuburo na ako sa bahay na 'to sa loob ng isang linggo. Dagdag pa 'yung mga impormasyong nalaman ko sa kapatid ko. Para na akong magseself-destruct dahil sa mga nangyayari, e. Bukod sa 'di na ako makahinga sa ka-boringan sa bahay, pati sa mga impormasyon parang nakakasakal sa pakiramdam.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at inagaw ang binabasa niyang diyaryo. Bakas sa mukha niya ang pagka-irita sa ginawa ko. Pero kailangan kong makumpirma kung tama ang narinig ko. Kailangan kong malaman kung bakit niya 'yun ginawa.

“Sigurado ba 'yan, Kyle? 'Pag di totoo 'yan, ipapasalvage kita! At saka bakit naman 'yun gagawin ng Nanay mo?!” sigaw ko sa kanya. Inikutan lang ako nito nang mata at inagaw muli sa akin ang diyaryong kanyang binabasa.

“Wow! Maka-‘Nanay’ mo, a? Hindi mo nanay? Kung ayaw mo maniwala, bahala ka! Magkulong ka dito sa bahay kahit hindi ka naman grounded tapos uminom ka mag-isa mo dito. Gawin mong bar itong buong bahay!”

Aba’t talaga namang….aish! pilosopo talaga! Iniwan pa ako at dumiretso na sa kwarto niya. Napahawak na lang ako sa sentido ko at hinilot ito. Kung bakit ba naman kasi nabiyayaan ako ng napakasweet pero nuknukan ng sungit na kapatid kapag “tinotoyo”. Pero 'di bale na, basta ang importante, natanggal na ang sumpa kong pagkakakulong sa bahay na 'to.

Napapitlag ako nang makatanggap ako ng text. Tinignan ko naman kung sino iyong nagtext sa akin. Ikinabigla ko pa nga nang makita ko kung sino iyon.

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon