♪ 11

61 1 0
                                    

Sorry na! Sorry na, Bessy! May nangyari kasi kay Sherwin, e. Patawarin mo na ako. Magte-text na sana ako sa’yo kaya lang na-lowbat ako,” pagsusuyo niya sa akin habang hinihila-hila ang manggas ng aking damit. Nakaiwas lamang ako ng tingin sa kanya. Pinipigilang matawa sa pinaggagawa niya. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa hindi niya pagsipot kagabi at parang timang na kung anu-ano ang ginagawa para lang mapansin ko. Hindi ko lamang siya iniintindi pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumawa nang malakas. Ang sarap talaga pagtripan ng babaeng 'to. Haha!

Ang dahilan daw ng hindi niya pagpunta ay dahil kay Sherwin. May emergency raw na nangyari kay Sherwin at kailangan niyang puntahan. Sus! Kahit naman hindi iyon emergency, basta si Sherwin, mas mabilis pa kay “The Flash” ang drama niya. Kahit itanggi niya ang nararamdaman para kay Sherwin, halatang-halata naman sa ikinikilos nito.

“Uy… So—”

“Nakakainis! Oo na. Apology accepted! Ano bang emergency 'yan? Kayo talagang lovers kayo.” Bahagyang namula naman ito sa sinabi ko. Umiwas ito nang tingin para hindi mahalata ang pamumula niya. Ayaw pa kasing aminin, e. Haha!

“Oy, lovers ka diyan! Hindi kaya. Pinuntahan ko siya sa bar dahil may tumawag sa akin gamit ang cellphone niya. Nung una, akala ko pinagtitripan lang ako 'yun pala talagang nag-swimming sa alak ang bwisit na 'yun,” sabi niya nang inis na inis—na halos mahampas na niya ang table sa galit. Hindi ko na mapigilang matawa sa kanyang ginagawa. Para kasi siyang baliw pinupunit punit pa ang papel sa kanyang harapan nang mahablot ng kamay niya ito.

“E, bakit galit ka? 'Di ba dapat masaya ka dahil nasolo mo si Sherwin? Partida, lasing pa 'yun, a. Bakit hindi mo hina—”

“Hep-hep! Manahimik ka na. Mukhang kababuyan lang lalabas sa bibig mo, e.” Ang galing! Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko mayroon na agad siyang konklusyon kung ano ang ibig kong sabihin. Haha!

“Okay, sige. Titigil na ako. Basta aaminin mo lang na…” lumapit ako sa kanya at bahagyang bumulong, “…may pagnanasa ka kay Sherwin. Haha!” Halos manlaki ang mga mata nito at pinaghahampas ako ng notebook. Okay? Isa rin siyang sadistang nilalang at ako naman ay isang “battered bestfriend.” Patuloy lang siya sa kanyang panghahampas nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Hay! Buti na lang kung hindi, hindi ako titigilan ng babaeng 'to.

“Ano? O, ano namang pakialam ko kung masakit ang ulo mo?—Aish!—Ewan ko sa’yo. 'Wag ka na pumasok—Ang tigas talaga ng bungo mo, no?”pasigaw na sabi nito na akala mo’y nasa harap niya lang si Sherwin. Napangiti na lang ako. Ako kaya? Kailan ko kaya ulit mararamdaman ang sayang pakiramdam na naidudulot ng pag-ibig? 'Yung saya lang tapos walang sakit at lungkot na maari mong maramdaman. Pero, hindi naman nabubuo ang konsepto ng pag-ibig ng wala ang sakit at lungkot—imposible, napakaimposibleng wala 'yun.

Ilang saglit pa ay nagmamadaling nagpaalam si Krisha sa akin. Kailangan niya raw puntahan si Sherwin—na naman dahil masama raw ang pakiramdam. Kung hindi lang ako close sa babaeng 'to, iisipin kong mayroon na talagang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa—O’ baka meron na nga at hindi lang siya nagsasabi sa akin.

Tulad ng dati, naiwan na naman ako mag-isa dito sa classroom. Dahil unang subject pa lang namin, wala pang masyadong estudyanteng dumadating. Minabuti ko na lamang magbasa ng notes kahapon para naman handa ako sa quiz mamaya. Pero, habang binabasa ko ang bawat terminology at ang mga depinisyon nito, hindi ko 'to naiintindihan o matandaan dahil naalala ko ang mga nangyari kagabi at ang mga sinabi ni Kyle kaninang umaga. Masyado akong pre-occupied sa mga salitang binitawan ng kapatid ko.

FAITH ON FATE ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon