Not edited
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang may bagong lipat dito sa section namin.
Ang ikinagagalit ko ay yung pagpapaalis sakin ng transferee sa original seat ko pero ngayon ay sa kaniya na. Nakaupo na ko dito sa dulo kung saan may available seat. Nabubwisit ako sa lalaking yun dahil halata naman na bet na bet niya si Janelle. Lalandiin niya, papaasahin tapos ano? Iiwan din sa huli na parang walang pinagsamahan. Yung totoo? Alam ko na mga galawan na ganyan eh.
Pero ang mga bruha kong kasama, aliw na aliw lang sa transferee na si Theodore na parang wala lang talaga sa kanila na napalayo ako. Nang dahil lang talaga sa lalaki eh 'no?
"Ang sama ng tingin mo kay Theo ah?"
Hindi ko pa din iniaalis ang masama kong tingin sa kanila. Nadinig ko na natawa ang katabi ko.
"Oo nga. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa nakabulagta si Theo diyan." Sabi naman ng isa ko pang kaklase na katabi ko naman sa kaliwa.
"Ano ba problema mo sa kaniya? Mabait naman siya ah?"
Mabait? "Mabait? Mabait ba kamo? Kung mabait yan edi sana hindi niya ko pinaalis sa kinauupuan niya at nagsasaya ako dun. Masyadong abusado sa authority."
"Wow authority. Spell mo nga?"
"Ayoko. Tinatamad ako."
Kahit walang nakakatawa ay natawa pa din ang kaklase ko na mga katabi ko. Ah basta, galit ako sa Theodore na yan. Kapal ng mukha at talaga namang pinaalis pa ko sa lugar na yun.
Pwede namang mag-move on Anaru diba? Eh hindi eh! Abusado talaga siya sa kapangyarihan!
"Anaru, dito ka muna ah? Pinapatawag kami ni sir." Sabi ni Janelle.
Sa ngayon nasa cafeteria kami. Sa kasamaang palad, maiiwan ako ng mga kaibigan ko dito sa pwesto namin dahil sabi ni sir pinapatawag ang lahat ng officers sa faculty. At lahat ng officers ay mga kasama ko. Ako lang hindi. Okey diba?
Pero ang hindi pinakaokey sa lahat eh maiwan ako dito kasama ang lalaking transferee na abusado sa kapangyarihan ng may-ari ng school. Naiilang tuloy ako dahil pagkaalis na pagkaalis nila ay pinagtinginan na kami ng mga istudyante dito nang dahil sa lalaki na kasama ko. Well hindi ko naman sila masisisi eh. Kahit aminin ko man o hindi, talagang gwapo si Theodore, lalo na't makisig pa ang pangangatawan nito na nagbigay appeal sa kaniya.
"Hi."
Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya akong batiin. Actually nakangiti siya sakin habang nakatingin. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa ganda ng mukha niya.
Pero kahit pretty boy siya, ayoko pa din sa ugali niya. Mapangabuso na nga, babaero pa. Pa'no ko nasabi? Ang daming pinopormahan eh. Kapag hindi niya crush, tatawagin niyang idol. Yung totoo?
"Hello."
Syempre mabait naman ako kaya binati ko na lang. Ang kaso nga lang, matamlay na parang bagot ako na sinagot ko siya. Hindi kasi ako interesado sa kaniya eh.
"Kaibigan mo pala sina Janelle."
Ang gwapo pati boses. Lalaking lalaki.
"May gusto ka ba kay Janelle o trip mo lang siya?" Walang pag-aalinlangan na tanong ko sa kaniya.
Halata naman sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi naman kasi inaasahan ang tanong ko eh. Maski nga ako hindi ko ineexpect na yun ang matatanong ko sa kaniya.
Maya-maya ay ngumiti ito sakin na hindi ko nagustuhan. "Maganda siya."
"Pakialam ko? Kung ako sayo, layuan mo siya. Kawawa lang siya sayo." Sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...