Chapter Thirteen

0 0 0
                                    

"Shet!"

Nagulat ako nang may maramdaman akong dumapo sa paa ko kaya naman agad akong napalapit kay Marco. Napatingin din sakin ang iba dahil sa bigla kong bulalas. Grabe! Ano yun?! Grabe ang kaba ko!

"Ano 'yun Anaru? Ayos ka lang?" Sabi ni Marco at humarap siya sakin. Agad niya 'kong pinapunta sa likod niya.

Nang makita ko yung dumapo sa paa ko kanina ay napabuga na lang ako ng hangin. Pwe! Akala ko ipis na!

"Huy! Ano ba 'yun?" Tanong ni Vaniene.

"Hindi wala. Akala ko ipis eh."

Natawa sila sa sinabi ko. "Baliw ka Anaru. Walang ipis dito sa isla!" Sabi ni Janelle. Wala lang, eh sa yun ang pumasok sa isip ko eh! Napakamot na lang ako sa ulo.

"Oo na! Tara na punta na tayo dun sa bahay! Naiihi na ko oh!" Mas lalo pa silang natawa sa sinabi ko.

Pagpasok na pagpasok namin sa bahay, hindi ko napigilan ang mapanganga sa ganda ng tanawin na bumungad sakin. Umurong din yung ihi ko na naramdaman ko kanina habang papunta kami dito. Bumungad lang naman samin ang napakalawak na sala pero sa harapan ng sala ay imbis na simento ang pader, matibay na glass ang pader dahilan para makita ang napakagandang tanawin ng isla. Oh my G!! Pakiramdam ko, solve na 'ko! Ang ganda kasi!

"Wow!! Ang ganda naman dito!" Sabi nila.

"Tara! Picture-an mo 'ko Haze!" Natawa ako sa sinabi ni Vaniene.

Kaya ayun, imbes na umupo at mamahinga sa sofa eh nag-selfie sila. Hindi halata sa itsura nila ang pagod sa haba ng binayahe namin papunta dito. Jusme! Pa'no naman hindi matatanggal ang pagod namin kung ganito lang naman kaaya-aya at maganda sa pakiramdam at mata namin ang bumungad samin agad.

Pati ang kulay ng interior maaliwas, hindi masakit sa mata. Pati mga designs, akmang akma sa panahon ngayon. Parang nasa panahon ako na mas pina-modern pa kaysa sa panahon natin. Or parang nasa bahay lang ako ng isang mayamang anime character. Pumunta ako sa kaliwang bahagi ng bahay, may division dun para sa sala at sa kusina na pang-modern din ang style. May oven sila, stove, blender, magaganda ang gamit at maganda ang kalidad, basta yung mga appliances ay puro electrics. And then nandun na din ang dining area na mayroong sampung upuan.

"Anaru! Tara dito! Picture tayo!"

Napailing na lang ako habang nangingiti. Ang hilig talaga nilang mag-picture. Pero dahil sa kanila eh nagse-selfie na din ako, palihim nga lang. Hindi kasi ako mahilig sa camera eh.

Lumabas ako sa kusina para puntahan sila at para nakapag-picture na din. Sabi nila yung picture daw namin ang gawin naming cover pic. namin sa fb so nagpa-picture kami sa kasama namin na taga-bantay sa bahay na 'to. Natatawa ako sa isipan ko dahil parang nagpa-family picture talaga kami. Nag-picture kasi kami ng dalawang formal, and dalawang wacky. Parang mafia family nga kami sa formal eh. Kaya lang casual ang suot namin.

Okay, itong formal ang gagawin naming cover picture.

#MafiaFamily XD

++++++

Sa ngayon, nasa tabing dagat kami. Hindi nga ko makapaniwala eh. Pa'no naman kasi pagkatapos nila magpicture, nagpahinga saglit tapos nag-aya na sila mag-swimming sa dagat. Parang wala nga lang sa kanila yung kapaguran sa byahe eh. Basta dagat okay na sila.

"Bakit ayaw mong makiligo?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si dad (Austine) pala. Naka-hubad baro siya tapos naka-shorts na pang-basketball. Well, inaamin kong tumangkad siya, may itsura, kinulang nga lang talaga sa laki ng katawan tsaka hindi sapat yung height niya para sa isang lalaki. Actually mas matangkad ako sa kaniya ng one inch.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon