Jusme, malapit na kami sa resto kung nasan ang mokong. Hanggang ngayon hindi pa siya nagre-reply buset.
Sa ngayon nasa van kami ni Marco. Yeah, may van siya. Sabi niya talagang pinaghandaan niya ang mangyayari dahil mukha daw kaming hindi nakapag-iisa. Tropa kasi ng mokong.
"Nag-reply na ba?" Sabi niya pero walang boses ang lumalabas sa bibig niya. Nasa passenger seat ako nakaupo.
"Hindi pa nga eh." Naiiritang sagot ko sa kaniya na walang boses din. Mahirap na, baka mabulilyaso pa kami.
Buti na lang nagdadaldalan ang lima sa likod. Si tatay Austine daw kasi may pasok ngayon kaya hindi siya sumama. Working student siya eh.
"Pambihira. Oh, tawagan mo." Sabi niya at ibinigay niya sakin ang phone niya. Siya na nag-dial ng number ng mokong.
"Sira ka ba? Maririnig nila!" Bulong ko sa kaniya.
Agad niyang pinatay ang dial niya. Minsan hindi din nag-iisip ang lalaking 'to eh.
*beep beep
Sakto naman na nag-vibrate ang phone ko at biglang nag-pop out ang message ng mokong.
From: Mokong
Sori ngaun ko lng nabasa. Nsan na kau?
Napahinga ako ng maluwag nang mag-text na siya. Jusme! Sobrang kaba ko lang dito dahil hanggang ngayon wala pa siyang signal.
To: Mokong
Malapit na kmi baliw! Ano? Ready na ba?
From: Mokong
Yup, wait niyo ang sign ko kapag pwede na siyang pumasok.
Sakto naman at nahinto na kami sa parking lot ng resto. Nag-react na ang mga kasama namin sa sobrang excitement na malibre sa isang…
Hayop, sobra namang mamahalin ang restaurant na 'to. Hindi kapani-paniwala na kaya kong manlibre dito sa mamahaling resto na 'to.
"Woah… are you sure na dito tayo ililibre ni Anaru?" Hindi makapaniwalang tanong ni Haze kay Janelle. Sinasabi ko na nga ba eh.
"Ah, kasi…"
"Tara na sa loob!" Sabi ko at pumasok na kami sa loob ng mamahaling restaurant na 'to.
Pagpasok na pagpasok ko, nahiya naman ako sa suot ko dahil halos lahat dito ay naka-formal, samantalang kami naka-uniform. Ang linis pa ng floor na gawa pa sa marble! Shaks! Ano ba namang pakulo 'to?
"Welcome ma'am and sir."
Napaatras pa ko sa lalaking bumati samin at nag-bow pa. Wow grabe.
"U-uhm… do you know Mr. San Ercaña?" Pabulong ko sa host 'ata 'to.
"Ow, yes ma'am, so you're the person who he is talking about." Sabi ni koyang poging host.
Putsa, mapapasabak ako sa english.
"U-uh, yeah? Uhm… can you just assist us where he is please?"
"Oh sure, this way please." Sabi ng host at inilahad niya pa ang kamay niya kung saang way kami papunta.
Habang naglalakad kami papunta sa table na pina-reserve ng mokong ay hindi naman ako tinigilan ng tanong ng lima. Sabi ko naman napanalunan ko lang yung ipanlilibre ko sa kanila dun sa isang contest. Tinanong pa nila kung magkano pero di ko sinabi. Tuwang tuwa pa talaga sila na nalaman nilang ililibre ko sila.
"Marco, aliwin mo si Janelle. Tanung tanungin mo siya. Ako nang bahala sa apat. Dapat kasi siya lang ang papasok dun." Bulong ko kay Marco.
"Sige sige." Sabi niya at kinausap nga niya si Janelle.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...