Unedited..."Anaru, uwi ka ng maaga ah? Aalagaan mo pa kapatid mo." Sabi ni mama habang nagsusuot na ko ng sapatos. Papasok na ko sa school ngayon and wala naman masyadong espesyal na nangyayari sa buhay ko maliban sa nagigising ako tuwing umaga.
"Opo mama. Alis na po ako."
"Sige, ingat."
At tuluyan na nga ko umalis sa bahay. Sa kabila ako dumaan pababa para hindi ako makita ng mga chsimosa na nasa baba na wala nang ginawa kundi ang magdadada na lang. Actually kanina pa silang umaga diyan.
Well wala naman na kong pakialam. Basta ba wag lang nilang ikomprontahin sakin ang mga chismis nila na hindi naman totoo. Aakusahan ka lang naman na wala namang katotohanan at confident pa sila sa chismis nila. Ang mga nikikichismis naman mga utu-uto. Masyadong nagpapaniwala sa sabi-sabi. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Tsk, tsk...
Anyways, nandito nako sa kanto ng street namin. Plano ko sana maglakad hanggang sa sakayan ng jeep kaya lang wala na din time. Lalakarin ko pa naman yung building namin mamaya.
Napagdesisyunan ko na lang na pumara ng jeep na masasakyan. Nang makasakay nako, napansin ko na may nakatingin sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang isang lalaki na pamilyar sakin.
Ito yung naka-partner ko sa P. E.
Nakangiti siya sakin tapos maya-maya ay kinawayan ako so kinawayan ko na din siya. After few days naging close naman kami sa isa't isa. Actually siya pa nga ang unang nag-approach saming dalawa na well, ikinatuwa ko naman. Kasi naman, nakakagaan ng loob na may kusang lumalapit sayo at iniintindi ka. Ako kasi pagod nako na lagi na lang ako ang unang nag-aapproach kaya nagmumukha nakong desperada. But anyways, bahala na sila.
"Hi."
By the way, siya pala si Marco. Marco Maximo. May lahi daw siya kaya pala ganun ang apelido at mukha niya.
"Hello."
Wala akong choice kundi ang batiin din siya. Hindi naman ako bastos at isnabera.
"Alam ko na kung saan ka na nakatira." Natatawang sabi niya.
"Bakit? Pupuntahan mo ba ko sa bahay?"
Natawa naman siya sa sinabi ko na hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang nakakatawa. Actually naiilang nako dito. Pa'no naman kasi pinagtitinginan ng iba yung lalaking kumakausap sakin ngayon. Well hindi ko naman sila masisisi kasi gwapo nga ang lalaki na 'to.
"Pwede ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gagi wag. Magagalit si papa."
"Bakit? Friends naman tayo ah?" Natatawang sabi niya.
"Bakit ka ba natatawa? Wala namang nakakatawa sa sinasabi ko ah?"
Natawa na naman siya. "Ang cute mo kasi- I mean, nakakatawa kasi itsura mo."
Napa-make face na lang ako sa sinabi niya at sa pagtawa niya. Hapi kid siya.
"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo, tawa ka ng tawa." Sabi ko. Ako kasi nagsasalita ng mahina samantalang siya parang walang paki sa paligid niya sa lakas ng boses niya sa pakikipag-usap niya sakin.
"Uy Anaru!"
Bigla kaming napatingin ni Marco sa tumawag sa pangalan ko at nakita namin si Janelle kasama ang bf niya na si Theodore na nakaupo na sa jeep. Katabi ko si Janelle ngayon.
Napakunot ang kilay ko nang sikuhan ako ni Janelle sa tagiliran. Naku, iba na naman siguro iniisip nito samin ni Marco.
"Uy~ sabay kayo? O hinatid ka lang niya?" Bulong niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...