Chapter Three

3 0 0
                                    


Not edited

Matapos ang mga araw, ulet, ayown officially sina Janelle at Theodore na. Actually nakatingin ako sa cp ko ngayon at kakakita ko lang ang status ni Janelle sa fb niya.

Janelle Barcelana is now in a relationship with Theodore San Ercaña.

Ilang araw lang kaya nanligaw ang mokong na 'to kay Janelle? Tatlong buwan? Jusme! Ine-expect ko pa naman kay Janelle na sasagutin niya manliligaw niya sa loob ng maraming taon pero ano 'to?! Bakit three months pa lang sila na agad?!

"Weeiiii~ sila na~ magse-celebrate na ba tayo?" Kinikilig na sabi ni Jade.

"Oo nga 'day, pakain ka naman diyan." Sabi ni Haze.

"Yung Jollebee Nelle tapos pakita natin yung wallet mong Mcdo." Sabi ni Hasey. Loko talaga 'tong si Hasey eh.

"Anong nangyari? Pa'no mo siya sinagot?" Tanong ni Vaniene. Ako eh nagugulat na lang ako kay Vaniene eh, wala kasi sa itsura ang naging tsismosa eh.

At 'eto ako, tahimik lang. Nagmumukha man akong bitter sa inyong paningin, wala akong paki. Basta yung feelings lang ni Janelle ang inaalala ko dito. Hindi pa din ako makapagkampante sa lalaki na yun eh.

"Lumabas kasi kami kahapon. Inaya niya ko makipag-date." Kinilig naman ang mga loka sa kwento ni Janelle. Tae naman, pa'no matatapos sa kwento ang lukaret na 'to kung ganyan sila? "Ang taray 'day ah? May date ka na." Sabi ni Haze.

"Tapos ano, syempre sumama ako. Buti nga pumayag sina papa eh kaya nakasama ko siya kahapon. Tapos blah... blah... blah..."

Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil bumalik na ko sa pwesto ko. Nandiyan na kasi ang mokong eh. Teka, bakit late 'to dumating kaysa kay Janelle? Diba dapat sabay sila lalo na't sila na?

"Sorry babe, ngayon lang ako kasi may pinagawa pa sakin si dad."

Kilig ang mga babae dito nang i-kiss ng mokong si Janelle sa pisngi. Jusme! PDA!

Ogag 'tong lalaki na 'to! Ang bilis dumiskarte!

"Hoy lalaki! Naghunos dili ka nga! Nasa classroom kayo!" Sabi ko sa kaniya.

"Si Anaru nagseselos~" sabi ng isa sa mga kaklase ko kaya tinukso nila ako.

"Hoy! Hindi ah! Sinasabi ko lang 'to dahil kaibigan ko ang GF niya!" Tumingin ako sa mokong na kinabubwisitan ko.

"At ikaw mokong ka. Sa oras na niloloko mo ang kaibigan ko, makakatikim ka ng kamao ko. Tandaan mo yan!" Banta ko sa kaniya. Nag-react naman ang mga kaklase ko.

Nakita kong ngumisi ang mokong.

"Don't worry, I don't cheat on her."

I don't cheat on her your face! Jerk talaga ang isang 'to. Sarap patayin ya know?

Hindi nako nakapagsalita pa nang tawagin na kami ng teacher namin sa P. E. Nasa court kami ngayon at dito nagp-p.e class ang mga gr. 12 students ng school. Hindi lang kaming isang section ang nandito. Actually apat na klase kami dito. Pinagsama-sama na lang ng mga P. E teachers ang mga students at pinagtutulungan na lang nilang turuan kami. Ang galing nila 'no?

"Okey class! Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang polka sa nayon! Nakita niyo naman yung performance ng mga students kanina diba? Mga muntanga lang." Sabi ni ma'am.

Nagtawanan ang ibang istudyante sa sinabi ni ma'am. Well totoo naman eh. Parang hindi nga nagsasayaw yung mga nauna saming klase kanina. Ang simple lang kaya ng steps.

"Kaya class! Kapag tinuruan namin kayo ayaw namin na nagmumukha kayong tanga, maliwanag?! At isa pa pala! Kapag sumasayaw kayo ng polka dapat ganito ang paa ninyo." At dinemo ni ma'am ang tamang sayaw. "Dapat ganito ang polka niyo!"

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon