Chapter Nine

1 0 0
                                    


Anaru's PoV

Mabilis ang mga pangyayari kasabay ng mabilis na paglipas ng panahon. Unti-unti nang nagbabago ang lahat, especially dun sa part ni Theodore. Diba dati, may pagkasuplado, mayabang at territorial siya masyado? Pero ngayon, mabait na siya sa'min. Ang sabi niya din sa'min, sa tuwing natutulog siya ay may mga memorya siyang napapanaginipan at may mga nagpa-flash din sa isip niya kapag ginagawa niya ang isang bagay na nagagawa niya.

Well masaya naman ako. Ngayon kasi ang ganda na talaga ng pakikitungo niya sa'min. Masaya din ako para kay Janelle kasi tingnan mo naman, kilig na kilig kapag kinakausap ni Theodore. Sina Jade at Austine may forever na daw. Si Haze? Ayun. May nililink sa kaniya.

Eh si ako? Musta naman beh? Eto aral muna. Nakakabitter ang mga lalaki pramis. Akala mo talaga sa kanila kung sinong may paninindigan eh. Mas lalaki pa 'ata ako sa mga lalaki na 'yan. Hindi bitter talaga ako. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit bitter ako. Lalo na kapag may pinag-uusapan silang about sa mga lalaki.

"Guys, makinig kasi kayo. Kailangan maayos at maganda ang performance natin kasi diba? Project natin 'to? Alam kong kaya niyo 'tong sayaw na 'to guys basta ayusin niyo lang at ipokus ninyo lang ang dapat gawin kapag sasayaw. Okey?"

"Okey!"

Tugon naming lahat. May group project kasi kami at yun ay sumayaw ayon sa mga genre na binigay ng prof samin. Usually kasi, hindi naman ako sumasayaw kaya lang kailangan eh. Para sa grade 'to guys. #ParaSayoToMama

Mga ilang minuto na kami nakakasayaw na step namin. Actually nahihirapan na nga ko kasi diba? Hindi ako mahilig sa mga giling giling. Nung una dibdiban eh! Ngayon naman labanan ng pwetan! Ugh!

"Sarap naman niyan!"

Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko habang nakatingin sila sakin. Putspa! Pinagtatawanan nila ang paggiling ko?!

"Hoy! Wag ako ah?! Wag ako!"

Tawa pa din sila ng tawa. Sa totoo lang ang dami naman naming kasama dito pero bakit lagi na lang sakin ang atensyon nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng gumigiling? O sadyang ang panget ko talaga gumiling?

"Buti pa si Anaru may puwet." Sabi ni Jade.

"Shut up nga guys!" Bulyaw ko sa kanila kaya natahimik sila.

Mapapabuga na sana akong nang hangin nang bigla na naman silang natawa. Ano na naman ang nakakatawa sa ginawa ko?! Ang hirap nilang suwayin! Nai-stress ako!

Pero habang sumasayaw kami hindi talaga ako mapalagay eh. Sa tingin ko kasi may umaaligid samin. Hindi naman sa assumera ako ah? Pero lalo na sakin eh. May nararamdaman akong may nakatingin sakin so may mga pagkakataon na lumilingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakikita kaya inichapwera ko na lang.

After practice~

Habang inaayos ko ang gamit ko para makapaghanda sa pag-alis, naisipan kong tawagin si Janelle. May importante kasi akong sasabihin sa kaniya.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko kaya lang wala akong nakitang Janelle dito kaya nagtanong ako.

"Jade 'asan si Janelle?"

"Huh? Hindi ko din alam eh. Hinahanap ko din siya."

What? Saan naman kaya nagsususuot ang babaeng 'yun? Don't tell me nauna na 'yun umuwi?

"Theo, alam mo ba kung saan nagpunta si Janelle?" Tanong ko kay Theo pero natigilan ako dahil sa mukha niya. Parang wala siya sa mood. Parang galit. Anong nangyari?

"Uy, anyare sayo? Ba't ganyan itsura mo?"

Napatingin siya sakin ng masama. Ay grabe, ako pa talaga mukhang masama?

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon