Matapos ang usapan namin ni Marco kahapon, na-badtrip ako. Lalo na sa isang tao na nagsimula na naman ng pagtataka sa buong sistema ng utak ko."Teka nga! Pa'no naman napasok sa usapan natin si Theo?"
"Hindi na mahalaga kung pa'no. Ang inaalala ko lang kung may nangyayari bang kakaiba sa inyong dalawa."
Sobra talaga ang pagtataka ko dahil ini-involve niya ko kay Theo at pinaghihinalaan na may nagaganap na anuman sa feelings naming dalawa na kahit sa totoo lang ay wala!
"Alam mong may girlfriend na ang tao diba? Diba? Tapos paghihinalaan mo pa 'ko?"
"Anaru, hindi nagbabago ang pagbabago."
"Oh eh ano naman? Ano namang connect sa pinag-uusapan natin 'yan?"
"Ang sinasabi ko lang ay baka nag-iba ang nararamdaman ni Theo kay Janelle."
Sa totoo lang napipikon na ko sa lalaking 'to. Kay lalaking tao ang hilig manghula.
"At pa'no mo naman nasabi aber?"
"Simula nang magka-amnesia siya, lagi na lang ikaw ang bukam-bibig niya kapag kinakausap. Tinatanong sakin kung anong pangalan mo, kaanu-ano ka daw niya, saan daw niya ikaw nakilala."
"Wala namang masama dun diba? Nang dahil lang dun naghihinala ka na?"
"Nakakapagtaka naman kasi talaga diba? Oo alam ko na hindi agad makikilala ng puso ng isang tao ang taong mahal niya kapag nagka-amnesia siya, pero alam ko din na makikilala din ng puso ang mahal nito kapag nakilala na niya ito ng lubusan. At iba yun sa case ni Theo. Matapos kong obserbahan ang bawat kilos niya, dun ko lang napansin na iba ang kinikilala ng puso niya. Walang iba kundi ikaw!"
Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya. Ang dami niyang konklusyon na imposible namang mangyari. Hindi maaari ang sinasabi niya.
"Hula mo lang ba talaga 'yan o may nagsabi sayo?"
Ewan ko lang pero ang mga kataga na sinabi ko ang biglang lumabas sa bibig ko. Hindi man sa nagiilusyon pero tumutugma kasi ang lahat ng mga naiisip ko.
"Anaru, hindi mahalaga kung—"
"So may nagsabi nga sayo? Diba?" Napansin ko naman na nanahimik siya. Sabi ko na nga ba. May nagsabi sa kaniya na parang naging katulad sa case ni Janelle. Pero kailangan kong makasiguro.
"Sabihin mo sakin kung sino. Sino ang nagsabi sayo niyan?"
Hindi agad sumagot si Marco. Hindi ko alam ang iniisip niya pero inaantay ko siyang magsalita.
"Si Gray."
Kaya nga beast mode ako ngayon eh. Kung hindi nga lang ngayon ang bakasyon namin baka pinuntahan ko na sa lungga niya ang Gray na 'yun.
Hindi ko kasi maintindihan. Nang sinabi ni Gray kay Marco na baka may nagaganap saming something ni Theo ay naisip ko ang nangyari naman sa kanila ni Janelle sa park. Sinabi niya kay Janelle na hindi siya mahal ni Theo dahil may iba na itong totoong mahal.
Hindi kaya ako yun?
Whut?? Naga-assume ka na naman Anaru! Hindi na 'to maganda! Pero kasi diba?! Lagi na lang si Gray ang naririnig ko. Ano bang alam ni Gray?! Kailangan makausap ko ang lalaki na yun.
Teka nga Anaru. Bakit ko naman kakausapin ang lalaking yun? Eh hindi naman kawalan sakin ang mga nangyayari? Problema nina Janelle at Theo 'yan kaya dapat hindi ka nangingialam.
Oo tama, hindi na lang ako papaapekto sa sinabi ni Marco kahapon. Tutal hindi naman totoo yung mga sinabi niya eh.
Pero nakaka-beast mode talaga eh!! Nadamay ba naman pangalan ko sa isang problema?! Sino naman ang hindi magagalit dun?!
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...