Chapter Seven

0 0 0
                                    


Hindi makapaniwalang napatingin si Anaru kay Janelle na ngayon ay malungkot na napatingin sa ibang direksyon. Inaasahan na niya magkakaroon nga ng amnesia ang kaibigang binata ngunit hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala.

"E-eh ibig sabihin hindi niya tayo naaalala lahat?" Malungkot na tanong niya.

Nagsitanguan naman ang iba sa sagot niya at natahimik sila. Hindi sila makapagsalita sa nangyari at halata sa kanila ang lungkot. Parang kailan lang kasi ang mga nangyari para sa kanila tapos malalaman nila na ganito na ang kahihinatnan ng pagkakaibigan nila.

Naisip tuloy ni Anaru na mukhang hindi na niya magiging ka-close si Theodore dahil may amnesia ito.

"Pero babalik naman ang ala-ala niya kapag pinaalala natin sa kaniya ang lahat diba?" Biglang sabi ni Jade. "Tutal yun naman ang sabi ng doktor."

Nagliwanag ng konti ang mukha ni Janelle. "Oo nga, sana tulungan niyo ko guys."

Nagsisang-ayon naman ang lahat maliban kay Anaru kaya napatingin ang mga kaibigan niya sa kaniya.

"Anaru? Tutulungan mo ba 'ko?" Mapanuksong tanong ni Janelle.

Alam kasi ng magkakabarkada na mahiyain si Anaru pagdating sa mga taong hindi niya kilala at hindi siya kilala.

"U-uhm, t-talaga bang—"

"Malamang! Bestfriends kayo diba? Syempre kasama ka! Loka ka!" Natatawang sabi ni Jade.

Napakamot naman si Anaru. "E-eh nakakahiya eh."

"Loka ka 'day. Kahit nawalan ng memorya si Theo, ikaw pa din ang bestfriend nun." Sabi ni Haze.

"Hindi mag-bestfriend. Best buddies lang kami pagdating sa anime 'no."

"Diba magkaparehas lang yun?" Sinamaan ng tingin ni Anaru si Austine na ngayon ay naka-peace sign sa kaniya at nakangiti.

"Oo na. Tutulungan na kita."

Sa sinabi niya ay napabulalas ang mga kaibigan niya habang siya, napapailing na lang at napapakamot dahil sa inaasal nila.

+++++++

Lumipas ang limang araw, ngayon na ang labas ni Theodore sa ospital matapos niyang magising galing sa isang aksidente. Tulad nga ng sabi ng mga magulang niya, nagkaroon siya ng amnesia. Hindi na niya maalala ang nakaraan niya kaya nga hanggang ngayon, kahit limang araw na ang nakalipas ay hindi pa din siya makapaniwala na mga magulang niya ang mga magulang niya.

"Ayos ka na ba anak? Wala na bang masakit sayo?" Sabi ng isang babae na nagngangalang Theodora. Ito ang kinikilala niyang ina ngayon. Maganda ang ginang na parang 30 plus lamang ang itsura sa ganda nito.

Pinakiramdaman muna niya ang sarili bago sumagot. "I'm fine now."

Nakita niya na may lungkot sa mga mata ng ginang. She's sad. Why?

"Mabuti naman kung ganun. Sia nga pala, bibisita si Janelle dito ulet. But this time, kasama na ang pinakabestfriend mo."

Nangunot ang noo niya. I have a bestfriend? I guess his a guy.

Hindi na sumagot pa si Theodore at inabala na lamang ang sarili na makapagpahinga. Marami na siyang pahinga sa loob ng limang araw ngunit pagod ang isip niya kakaalala sa mga pangyayari na hindi niya maalala. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang sarili, pakiramdam niya ay parang kakapanganak pa lamang sa kaniya. Parang isa pa lamang siyang sanggol na unti-unting nagkaalam sa kaniyang paligid.

Pati girlfriend niya hindi niya maalala. Hindi nga niya mapaniwalaan na mahal na mahal niya ang Janelle na kakakilala pa lang niya para sa kaniya.

"Ano na? Pupunta ba tayo?" Tanong ni Haze.

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon