Kinabukasan, naisipan kong i-chat si Gray. Yung pinuputok ng butse ni Theo kahapon para pag-usapan ang nangyari nga kahapon. Alam kong gago ang isang yun pero hindi naman magsasalita yun ng walang dahilan. I mean, alam kong maloko siya pero hindi kasi talaga kapani-paniwala na hindi mahal ni Theo si Janelle. Kitang kita ko nga eh. Kami ng Nawarina Family ang saksi na nagmamahalan sila.Icha-chat ko sana si Gray nang biglang tinawag ako ni mama.
"Russiana! May naghahanap sayo!"
Yeah, Russiana ang tawag sakin ng mga magulang ko dito sa bahay. Pero Anaru na lang ang pinatawag ko sa ibang kakilala ko dahil masyadong mahaba ang pangalan ko talaga eh. Tsaka may kasing pangalan akong anime character kaya ganun.
Pero sandali, sino naman kaya ang naghahanap sakin? Napakaaga pa ah? Alas siete pa lang.
"Sino yun ma?" Paglabas ng kwarto namin ay agad na sinipat ko ang pintuan na nakabukas kaya kitang kita ko kung sino ang nasa labas.
Nagulat ako dahil si Theo ang naabutan ko. Anong ginagawa niya dito?
"Yung bestfriend mo hinahanap ka." Sabi ni mama at saka siya dumiretso sa kusina para magluto ng almusal namin.
"A-anong ginagawa mo dito? Ba't napunta ka dito?" May biglang pumasok sa utak ko. "Teka, pa'no mo pala nalaman ang papunta dito sa bahay? Diba may amnesia ka? Wala naman akong sinabing address kung pa'no pumunta dito." Sabi ko.
"Bigla na lang kasi pumasok sa isip ko habang papunta ako kina Janelle. Pamilyar sakin ang daan kaya hindi ko na lang namalayan na dito nako napadpad."
Hindi na siya masyadong inglesero ngayon, halatang unti-unti na ngang bumabalik ang alaala niya. Nung una kasi ay may pa-spokenin' dollar pa siya.
Napangiti naman ako. "Magandang balita 'yan. Sinyales na 'yan na bumabalik na ang mga alaala mo. Tara, pasok ka muna." Sabi ko at pinatuloy ko siya sa mumunti ngunit masaya naming tahanan.
Nang makapasok siya ay agad na binati niya ulit si mama. Napangiti naman si mama.
"Ano Theo? Ayos ka na ba?" Tanong ni mama. Wala si papa dito ngayon kasi nay pasok siya. Kakaalis niya lang siguro ng mga alas sais.
"Ayos naman na po ako tita. Bumabalik na ng pakonti-konti yung mga alaala ko." Sabi ni Theo at saka umupo sa sofa namin na parang bahay na niya din ang bahay namin.
Wow ah, talagang bumabalik na nga ang dating Theo. Ganiyan kasi siya dati eh.
"Edi mabuti 'yan. Teka nga, nakapag-almusal ka na ba? Dito ka na kumain. Bakit kasi ke-aga-aga eh pumarito ka na agad?"
"Bigla na lang po kasi pumasok sa isip ko ang way papunta dito sa inyo kaya tinuloy ko na po ang pagpunta dito. Hindi ko naman po akalain na mapupunta po talaga ako dito."
"Ay oo nga pala may amnesia ka pala."
Pati si mama alam na naaksidente si Theo kaya alam nila ang kondisyon niya. Binabalita ko din kasi sa kanila ang nangyayari sa kaniya kapag galing akong ospital.
"So, sabi ko pupuntahan mo si Janelle. Bakit hindi mo tinuloy?"
"Yun nga. Bumalik sakin ang mga alaala ko nun dito nang mapadaan ako papunta kina Janelle. Buti nga naihinto ko sa tabi ang motor ko eh kasi sumakit ang ulo ko bigla."
"Oh? Buti na nga lang hindi ka napano." Ikaw ba naman biglang datnan ng sakit sa ulo. Alam ko sobrang sakit na tinatamo ng mga taong may amnesia sa ulo nila kapag may naaalala silang mga alaala nila noon.
"Oo nga. Pero sasaglit talaga ako dito. Hindi ko nga ine-expect na mapunta dito diba?"
"So hindi ka na kakain dito?"
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...