"Hindi! Kasi kanina hindi ko naman alam na nandun lang pala siya sa tabi ko!""Yeeeeiiii~ si Janelle kumekerengkeng na!"
"Weeehhh~ parang siya hindi~"
"Manahimik ka nga! Ikaw nga nakasabay mo pa sa jeep si crush mo. Ayeeeeiiiii~"
Hindi ko alam kung tatawa ba ko o bubulyawan ko sila? Nakakainis kasi pinag-uusapan nila. Hindi naman sa bitter na bitter ako pero kasi, ewan ko ba! Naiirita lang ako kapag yan yung pinag-uusapan nila.
Napailing na lamang ako habang pinag-uusapan nila ang mga tungkol sa crushes nila na mukhang mga sanggano, hehe sorry sa word but yun yung tingin ko eh. Anyway wala nakong pake dun. Kailangan ko na lang alalahanin yung history ng pangalan ko. Pakshet naman kasi, aanhin mo naman yung history ng pangalan mo sa subject niyo?
"Anaru? Bibili ka ba ng pagkain?"
Napatingin ako kay Jade, babae siya ah? Naka-abrisyete siya sa braso ng boyfriend niyang si Austine. Sawang sawa na ko sa pagmumukha nila pero kinikilig pa din ako sa love team nila. Ang galing diba?
"Hindi, wala akong pera."
"Tara bili tayo calamares." Aya ni Janelle.
"Tara 'day." Sangayon ni Haze.
Bibili kaya ako ng calamares? Kaya lang nag-iipon ako para sa cosplay na pupuntahan ko sa August. Hays… wag na lang akong bumili. Hihingi na lang ako sa kanila hahahaha!
Well, kagagaling lang namin sa P. E class namin. Pa-diretso na kami ngayon sa building namin. Kasi ganito yan, dito sa lugar namin, nahahati sa iba't ibang building ang Valenzuela branch ng school namin. Napadpad kami sa court ng school, dun parati ang P. E class namin then pupunta na kami sa building kung saan kami naka-base. Ako naman, sa minalas ako, napunta ako sa medyo malayo-layong building. At 'eto pa ah? 20 mins. lang yung agwat para makapunta kami dun sa building namin kasi after 20 mins. after our class in P. E proceed na kami sa next subject. Gets niyo ba? Kung na-gets niyo edi masaya! Ang saya talaga ng sched ko.
Nakalimutan ko nga pala magpakilala, ako si Anaru— short for Anastasia Russiana Alberania. Grabe ang mga magulang ko, halatang lodi na lodi nila yung Russia sa pangalan ko pa lang eh. Diba sa Russia din yung Anastasia? Well anyways, wala nakong pakialam dun. I supposed to be 2nd year college but when the government implemented K-12, grade 12 na ko ngayon. At dahil sa K-12 na yan, nakapag-aral ako sa private school na sikat na sikat samin nang dahil sa voucher. Hell! Mahal na mahal ko si voucher kaya hindi ko kakayanin na mawala siya!
For me hirap na hirap ako nang dahil sa kaartehan ng mga teachers. Well di ko naman sila masisisi eh. Sinusubukan lang naman nila ang kakayahan namin as a future teacher. GAS kasi yung strand na kinuha ko. Kahit hindi pa ko leader sa lagay na 'to hirap na hirap nako. Pa'no pa kaya yung mga leader namin ngayon? Kaya hanga ako sa kanila eh.
Mapunta naman tayo sa mga kasama ko, kasama ko si Vaniene, siya ang pinaka-sporty saming lahat. Malaki ang katawan dahil sa mga muscles kaya nagmumukhang lalaki kapag nakasuot ng mga simpleng damit lang. Pero kahit mukha siyang lalaki, maganda yan. Wag kayo.
Next si Hasey. Hesi ang banggit sa pangalan niya. Tawag ko talaga diyan ay si Menma. Kahawig niya kasi yung bida sa isang anime eh. Hulaan niyo kung ano yun hahahaha! Mahiyain siya sa una, introvert ganun, tapos parang walang pakialam sa iba pero lintek! Halos mawalan na ng mukha yan dahil sa walang kahihiyan yan kapag nag-perform sa harapan ng iba. Magjo-joke yan na parang wala lang sa kaniya which is mas nakakatawa pa ngang pakinggan. Mabait at cute yan ah? Actually kaya lang naman nawalan ng hiya yan dahil nagpa-rebond lang yan nung bakasyon hahahaha!
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Roman pour AdolescentsAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...