"Walang lalapit sayo. Kasi simula ngayon, girlfriend na kita!"
Lahat ng mga tao na nasa room ay napatingin sa kanila. Pati na din ang mga kaibigan nila. Nagulat sila sa mga salitang lumabas sa bibig ng binata dahil alam ng lahat ay may relasyon sina Janelle at Theodore ngunit ngayon ay may inaangkin itong ibang babae.
At ang matindi pa, kaibigan pa ni Janelle ang sinasabi ni Theodore na girlfriend na nito na si Anaru, na hindi makapaniwala na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulantang.
"A-ano bang—"
"Did you here what I say everyone? From now on, this girl is mine! So back off!"
Nag-react Marco sa sinabi ni Theodore. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi nito.
"Dude! What are you talking about?"
"I said back off, Marco!"
"Hoy! Gago ka ba? Diba sinabi na namin sayo na girlfriend mo si Janelle? Bakit sinasabi mo na ako ang girlfriend mo eh bestfriend mo lang ako!" Galit na si Anaru sa ngayon, alam niyang masakit sa parte ni Janelle ang mga nangyayari sa kanila. At ayaw niyang may nasasaktan sa kanila.
"Girlfriend? That girl? Really? Pero hindi ko maramdaman sa kaniya ang nararamdaman ko when I see you."
"Malamang may amnesia ka! Tsaka 'yang nararamdaman mo? Friendship lang yan dude! Wag kang mag-assume gago! Hindi ka na nakakatuwa!" Tumayo si Anaru at aalis na sana ngunit pinigilan lang siya ng binata.
"Where are you going?"
"Wala ka nang paki. Bitawan mo 'ko."
"You're going with me."
Tuluyan na talagang sumabog si Anaru. Marahas na piniglas niya ang kamay niya at malakas na tinulak si Theodore.
"Eh gago ka talaga eh! Diba sabi ko sayo hindi ako ang girlfriend mo?! Kaya lumayo ka sakin! Kanina pa 'ko badtrip sayo!"
Nag-panic ang lahat sa inasal ni Anaru. Pinigilan siya ng mga kaibigan niya na masapak si Theodore dahil magkakaroon sila ng record sa school.
"Tama na Anaru! Hayaan mo na siya!"
Napalingon si Anaru kay Janelle na ngayon ay pinipigilan siya.
"Hayaan? 'Yang ginagawa ng lalaking 'yan hahayaan ko lang? Kilala mo ko Janelle, ang ayoko sa lahat ay nasasaktan ang mga kaibigan ko. At alam mo kung bakit ako naggagalit sa gagong 'yan kaya wag na wag mo 'kong papakialaman sa gagawin ko!"
"'Yun na nga eh! Buhay namin 'tong dalawa kaya sana wag na wag ka nang makialam okay? Hindi naman ikaw ang nasasaktan eh!" At tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Janelle na kanina pa nito pinipigilan.
Nasaktan naman si Anaru sa nakikita niya sa kaibigan. "Tamo, inamin mo na din na nasasaktan ka. Sa tingin mo ba ginusto kong saktan ang lalaking 'yan? Ginagawa ko naman 'to para sayo eh. Nasasaktan ka na niya kaya nasasaktan ako okay?!"
"Please naman Anaru, sana intindihin mo pa ang sitwasyon. Alam mo namang may amnesia pa siya."
"Alam ko naman yun eh. Iniintindi ko naman siya eh, iniintindi naman nating lahat na may sakit siya, na may amnesia siya. Eh siya? Iniintindi ka ba niya? Hindi eh! Kaya wag mo 'kong masisi kung bakit ako ganito sa lalaki na 'yan!" At dinuro niya si Theodore na ngayon ay nanonood lamang sa kanila. Maski ang lalaki ay naguguluhan na din. Girlfriend daw niya si Janelle pero wala siyang maramdaman na pagmamahal sa dalaga o kahit atraksyon man lang.
"Tama na guys. Easy-han niyo lang okay? Ang ayoko sa lahat nag-aaway tayo. Please, remember bestfriends tayo." Pag-aawat ni Jade sa dalawa.
Wala namang magawa si Anaru kundi ang titigan lamang si Janelle na umiiyak. Kitang kita sa dalaga ang sakit dahil sa mga pangyayari. Ayaw niya man mangyari ngunit nasasaktan siya kapag nakikitang nasasaktan ang isa niyang kaibigan. Parang kapatid na ang turing niya kay Janelle at sa iba.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...