Lumipas ang mga araw na nawala na sa isip ko ang isang eksena na ikinagimbal ko syempre. Hindi ko naman kasi akalain na ganun pala kahaba ang hair ni Janelle.Dalawang lalaki nagmamahal sa kaniya.
Buti pa siya may love life. Samantala ako wala— Hays! Ano bang sinasabi mo Anaru?! Kalokohan ang nasa isip mo! Napailing na lang ako sa naisip ko. Ang dami-daming dapat gawin sa school tapos love life pa ang pinoproblema ko? Wala naman akong mapapala sa pagmamahal na 'yan. Magugulo lang buhay ko!
"Uy mga 'day, malapit na mag-sembreak." Masayang sabi ni Haze.
Sa ngayon nasa room kami. Hindi pa nagsisimula sa klase namin. At dahil pumasok na lang sa isip ko ang nangyari nung nakaraang dalawang linggo ay hindi ako nakapag-focus sa pinag-uusapan nila.
"Oo nga. Actually bukas na yun." Natatawang sabi ni Jade.
"It means, makakapagbakasyon tayo!" Masaya na namang sabi ni Haze.
"Okay, ako nang bahala sa pagkain natin." Ako ni Austine.
"Mga chichirya." Sabi ni Janelle.
Chichirya? Na naman? Tapos bibilhin nila malalaki pero hindi naman mauubos. Ano kaya yun? Baka sumakit pa vagina nila, ay yung puson pala nila at magka-UTI pa.
"Chichirya? Magtinapay na lang tayo. Yung gardenia tapos magdala na lang ng tinapay." Suggest ko. Pagdating talaga sa pagkain hindi ako nahuhuli eh.
"Baka palaman 'day." Natawa ako sa sinabi ni Haze. Oo nga pala, tinapay na nga pala yung gardenia.
"Ganito na lang, magkanya-kanya na lang tayong baon para wala nang gulo." Biglang sabat ni Marco.
Napatingin naman ako kay Marco na ngayon ay napatingin din sakin. Nailang tuloy ako. Alam ko kasi na may gusto siya sakin eh. Hindi sa paga-assume pero totoo naman kasi talaga. Niligawan niya ko ng ilang taon pero hindi ko pa siya sinagot sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Ang lakas talaga ng loob ko 'no?
"Ano bang pinag-uusapan niyo?"
Napatingin kami kay Theo na nakangiti samin at tumabi kay Janelle na mukha namang masaya na makita siya. Hmm… mukha namang walang problema ang dalawang 'to.
"Yung mga babaunin namin kapag pumunta na tayo sa vacation house ng lolo mo." Sagot ni Janelle.
"Ow, don't worry 'bout that. Ako nang bahala dun." Wow naman, sobrang galante na ng isang 'to.
"Sira ka ba? Ikaw na nga dun sa vacation house natin eh tapos sagot mo pa ang pagkain natin? No, kami na lang ang bahala sa pagkain." Talaga namang sa harapan pa namin nagtalo. Pero sa bagay, sanay naman na kami. Lagi din ganyan sa harapan namin sina Jade at Austine eh.
Natawa naman si Theo. "Hayaan mo na siya Janelle. Actually napakadami nilang supply ng foods sa kanila kaya hindi tayo mamumulubi dun." Biglang sabi ni Marco.
"Eh kung mapilit si Theo, hayaan mo na siya 'day. Simpleng bagay pinapalala niyo pa. Gumagawa ka 'ata ng LQ Janelle eh." Natawa kami sa sinabi ni Haze.
Pero kung tuloy ang bakasyon namin bukas, excited na meeee!! Alam niyo bang magiging first time ko 'tong magbakasyon sa hindi namin probinsya at first time ko ding hindi makakasama ang family ko sa isang bakasyon. Ano kaya ang feeling na kasama mo ang mga friendships mo sa isang vacation?
Matapos ang mahabang oras ng klase, pauwi na ko papunta sa bahay namin. Nakakapagod ang araw na 'to dahil hindi lang P. E ang pinagkaabalahan namin, puro utak namin piniga ng sobra! Hays! Ang sakit ng ulo ko jusme!
"Salamat sa pagsama sakin ah?"
"Okay lang, basta kapag may nangangailan, nandito lang ako."
Superman lang ang peg ni Marco ah? Oo, si Marco ang nadinig ko ngayon. May kasama siyang babae na mas maganda pa sakin at mukhang inosente. Hmm… bakit kaya hindi na lang ang babaeng yun ang ligawan niya imbes na ako?
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...