Marzeng's: Ito na ang start guys ^_^+++++++
Dali-dali kaming pumunta sa ospital kung nasan si Theo. Medyo natagalan kami dahil may aksidente daw na nangyari.
Shit. Baka ayun yung kay Theo.
At dahil uwian na kanina, pahirapan ang pagsakay kaya naman nagkahiwa-hiwalay na kami. Nakasama ko si Janelle at si Marco. Yung iba, nag-kaniya kaniya na papunta sa ospital.
Nang makababa na kami ay todo todo ang kaba ko sa nangyayari. Shet. Yung ka-close friend mo ba naman naaksidente? Pa'no kung machugi na talaga siya nang tuluyan?
Shet naman Anaru! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan sa kaibigan mo!
"A-asan po si Theodore San Ercaña?"
Napansin ko na nangingilid na ang mga luha ni Janelle at putlang putla na siya sa sobrang kaba.
"Ow, yung lalaking nasangkot sa car accident ang tinutukoy ninyo."
Nagulat kami sa sinabi ng nurse. Shit, ibig sabihin ay talagang naaksidente si Theodore.
"P-po? A-asahan n-na h-ho siya?"
Pakiramdam ko maiiyak na ko dahil sa reaksyon ni Janelle. Umiiyak na kasi siya ngayon dahil sa nangyari sa boyfriend niya.
"Nasa emergency room pa lang siya."
Ako na ang nagsalita. "Sige po, salamat po. Tara na Janelle bilis!"
Agad na pumunta kami sa sinasabi ng nurse. Habang papalapit kami ay may nakikita kaming apat na bulto sa tapat ng emergency room. Napansin ko na parang pamilyar sila sakin. Lalo na ang mas nakatatandang lalaki.
"Oh Theo darling."
"Tahan na mahal. It's going to be alright. Don't worry."
"Pero masisisi mo ba ko? He's still inside!" At humagulhol ang ginang.
Napansin lang kami ng tatlong kalalakihan nang mapahinto na kami sa harapan nila.
"Who are you?"
Napatingin kami sa nagsalita. Isang lalaking mas matangkad sa isa pang lalaki na medyo bata pa. Masyadong nakaka-intimidate ang lalaki dahil sa kisig at tindig nito. Parang may kahawig siya.
"Griego dude." Biglang sumingit si Marco.
Kilala niya ang mga 'to?
"They are my friends, and that girl, is his girl." Sabi ni Marco at tinutukoy niya si Janelle na ngayon ay hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.
"She's kuya's girlfriend?!" Sabi naman ng isang lalaki na medyo bata sa lalaki na tinatawag na Griego.
"You are my son's girl?"
Napatingin kami sa ginang na nagsalita at nakita kong natigil sa pag-iyak ito.
Medyo kinabahan ako para kay Janelle. Alam kong mayaman ang pamilya ni Theodore kaya alam ko na may koneksyon sila. Baka may nababalitaan sila patungkol kay Janelle. Ang masama, baka hindi nila matanggap si Janelle.
"O-opo."
"Do you know what happened to him?"
"I-I'm sorry po… n-nang dahil s-sakin kaya siya n-naaksidente… s-sana pinilit ko n-na lang s-siyang wag akong sunduin. S-sana h-hindi nako p-pumayag na m-magpasundo s-sa kaniya… s-sana…" hindi na naituloy ang sasabihin ni Janelle nang umiyak na naman siya kaya hinagod ko ang likod niya.
"Shh… wag ganyan Janelle, wala namang gumusto sa nangyari eh, kaya wag mong sisihin ang sarili ko. Okey? Sige na, easy-han mo lang." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya. Buti at hindi na siya humahagulhol. Humihikbi na lang.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionAkala ni Anaru, masaya na ang lahat kasama ng mga kaibigan niya. Ngunit dumating ang isang trahedya na gigimbal at gugulo sa pagsasama ng kaibigan niya na hindi niya inakala. At mas lalo pang gugulo ang buhay niya lalo na ang puso't damdamin niya sa...