Chapter Fourteen

0 0 0
                                    

Sa wakas,naipakulong na din yung manyak, salamat na din sa impluwensya ni Theo. Sikat pala ang pamilya nila dito sa bayan kaya lahat dito ay takot na makalaban siya kanina.

Sa ngayon nandito na kami sa palengke. Hindi nga ko makapaniwala na namamalengke ang dalawang 'to eh. Ang yaman kasi nila kaya hindi ko maiwasan na isipin na yaya lang ang kumikilos sa kanila. Pero mali pala ako.

"Stay here Anaru. Baka maligaw ka." Sabi ni Theo so nanatili lang ako dito.

Bibili daw sila ng manok which is ikinatuwa ko. Favorite ko kaya yung chicken! Walang bird flu-bird flu sakin! Basta chicken!

Pero mga ilang saglit lang, nagulat ako dahil bigla na lang dumami yung mga tao na bumili dito kaya ayun ako, hindi naman ako taga-dito, ako na lang ang nag-adjust. Atras na lang ako nang atras habang dumadami yung mga tao. Nangamba tuloy ako nang hindi ko na makita ang bulto ng dalawa kong kasama.

Shit! Nasan na sila?

****

"Fvck! Where is she?"

Palinga-linga ang dalawang lalaki habang lumalabas sa dagsaan ng mga mamimili. Hindi nga din nila alam kung bakit bigla na lang dumami ang mga namimili, eh kanina halos nabibilang pa ang mga bumibili dito.

"Shit! Sinabi nang wag aalis eh." Inis na sabi ni Theo habang siksikan pa din sila para makaalis.

"Wala tayo magagawa. Madaming tao ngayon eh. Hanapin na lang natin siya." Sabi ni Marco at naghiwalay na nga sila para hanapin si Anaru.

Si Anaru naman, mga ilang minuto ay binalikan na niya ulit kung saan bumibili ang dalawa niyang kasama. Ngunit kinabahan na siya nang makitang wala na ang mga ito dun.

"Halaaaa… kaasar! Nasan na sila?" Sabi niya sa sarili habang palinga-linga para mahanap ang dalawa.

Umalis siya sa lugar na yun para hanapin ang dalawa. Hindi niya alam kung saan magsisimula kaya naman kung saan-saan na lang siya dumaan. Unti-unti sumisibol ang pag-aalala at kaba niya nang hindi niya talaga makita kung nasaan ang dalawa.

Pero sa totoo lang, nagkakasalisihan silang tatlo. Aalis ang isa, tsaka naman dadating ang isa. Ganun ang eksena nila. Nga ilang minuto din na ganun ang sitwasyon nila kaya napagod na si Anaru. Napaupo na lang siya sa isang upuan sa loob ng isang mall na malapit sa palengke kung saan sila nagkahiwa-hiwalay.

Naiiyak na napaupo siya. Ayaw niyang mawala sa isang lugar na hindi naman niya alam. Alam naman ng lahat na walang may gustong mangyari sa kanila yun. Pa'no na lang kung hindi na siya makabalik sa bahay nila? Mamatay na lang siya dito dahil sa palaboy-laboy na lang siya dito at walang makain. Sakto naman na kumalam ang tyan niya. Lalo siyang naiyak.

"My goodness! Hindi ako makapaniwala na naiiyak ako." Sabi niya sa sarili habang pinapahid ang luha niya. Nakakahiya daw, ayaw niyang may nakakakita sa kaniyang umiiyak.

"Kaasar naman kasi! Bakit kasi nawala sila?! Kaasar kasi bakit kasi umalis pa sila dun eh! Argh! Potek! Gutom nako! Kainis! Wala na kong pera! Nakalimutan ko yung wallet ko sa bag! AARRGGHH!! NAIINIS NA KO!!"

Ginulo niya ang sariling buhok dahil sa inis. Hindi na napapansin ni Anaru na pinagtitinginan na siya nang mga tao. Ang tingin sa kaniya ng iba ay parang nababaliw na siya dahil kinakausap niya ang sarili niya.

Hanggang sa isang tao ang huminto sa harapan niya. Napatigil din siya sa pagkakausap sa sarili niya at sa ginagawa niya nang makakita siya ng dalawang pares ng paa na nakatapat sa kaniya. Halatang pambabae anga
mga paa nito kaya tiningala niya ito.

Isang magandang babae ang sumalubong sa paningin niya. Mukhang mataray pero inosente ang dating ng mukha, mukhang may lahi dahil na din sa kulay ng buhok at itsura. Maputi ito ay maganda ang pangangatawan. Nakunot ang noo niya nang mapansin na may hawak itong pagkain, actually mcdo meal iyon at mukhang ibinibigay nito iyon sa kaniya dahil nakataas ang pagkakahawak nito at nakatapat sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon