Kabanata 3: Mapanyansing na snober

34 0 0
                                    


Syeyt dami kong readers!! Syeyyt. Mehn. Syeyyt. Kahit corny at baduy ang storyang ito may nakapansin parin! Hindi lang isa o kalahating tao kundi lagpas 45 mehn!

Oh! It's so nice to be happy shalalala~~~

Ang sayaaa kayaaaa mwahahahaha magpaparty nga kami ng mga pusa ko haha😹😹 THANK YOU PO! Dami ko ng friends!
😂😂😘😘😘

LoveLove ❤️❤️❤️
God Bless😁😁❤️❤️❤️❤️



🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷

Tyson's POV

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Ayoko, ayokong maghiwalay kami ni Max. Mahal ko siya, mahal na mahal. Hindi ko inaasahan na sa tagal ng relasyon namin ay masisira parin pala, akala ko maayos ang lahat hanggang dulo, akala ko walang manggugulo sa amin kasi sa loob ng mga panahong yun maingat naming itinago ang relasyon naming dalawa sa kahit na sino. Kung itong pagkakataon na ito ay isang pangyayari na panghabang buhay kaming paghihiwalayin gusto ko sanang humingi ng isa pang pagkakataong makasama si Max, kahit isang araw lang o isang oras nalang.

Nakilala ko si Max sa isa sa party ng company namin that was ten years ago.

"Son, this is Maxemio your uncle Joaquin's only son."

Pagpapakilala ni Papa sa isang batang naka-americano at nakasimangot ang mukha. Naka-ayos siya na parang isang prinsipe at yung tayo at tindig niya napaka-strong at manly kaya naman napalunok ako ng laway at inayos ang tayo ko, gusto ko maging kagaya niya. Matipuno at mukhang maasahan.

"Tyson Glen"

Sabi ko sabay lahad ng kamay sakanya na tinignan niya muna saglit saka tinignan ang mukha ko ng matagal. Naramdaman ko na na pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid namin, kung bakit ba kasi suplado pala itong lalaking ito eh. Sana hindi nalang ako pinakilala ni Papa.

Binawi ko ang kamay ko at inilagay sa batok ko saka kumamot. Tinignan ko siya at hanggang ngayon nakatingin parin siya sakin kaya nagpilit na lamang ako ng ngiti atsaka lumapit kay Papa para magpaalam and he allowed me to leave.

Ang awkward kasi nun hindi ka pinansin tapos tinitigan kalang. Narinig ko nung hindi pa ako masyadong nakakalayo ay ang paghingi ng tawad ng Papa niya na si Mr. Joaquin Grafienggo. Sa lahat siguro ng nakasosyo ng pamilya ko sila ang pinaka-mayaman at maimpluwensya.

Simpleng auto business, iilang resorts at mga condominiums lang ang meron kami kaya nga hindi ko alam kung paano siya naging ka-business ng pamilya namin. Naiisip ko tuloy na baka may illegal na kaming business na hindi ko alam. Sa sobrang lawak kasi ng business ng mga Grafienggo ang dami ng rumors at kwento tungkol sakanila.

I'm only an eight-year-old kid na simula nang makaintindi ng salita at makabuo ng pangungusap ay sumasabak na sa magulong buhay ng mga matatanda at mga aral tungkol sa business.

"Glen."

Isang boses ang narinig ko sa di kalayuan, nasa likod ko lang ata ang boses na yun kaya napalingon naman ako agad at ang agad kong naramdaman ay ang malambot na kung ano sa labi ko. Lumaki ang mata ko sa gulat ng makilala ang taong humalik sakin.

At yun ay si Max. Hindi ko na ikukwento pa ang ibang detalye kasi sabi ni Author mawawalan daw siya ng isusulat sa iba pang chapters kapag sinabi ko na lahat ngayon.

"Luh. Hiwalayan agad?"

Narinig kong reaction ng babaeng posibleng maging dahilan ng paghiwalay namin ni Max ngunit sa hindi malamang dahilan hindi ko magawang magalit sakanya. Kung sabagay wala naman siyang ginawang masama, kami ang may ginawa at aksidenteng nakita niya lamang iyon.

The Ideal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon