Ang lamig naman. May bagyo kasi eh.
Keep safe everyone! Maghanda laban sa sakuna, I am ready hahaha❤️😂Pray lang mga bes, magiging ayos din yan😊❤️
🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷
Ishie's POV
"Sabi ko lilipat ka ng school?"
"Who gave you the right to do that?!"
"Myself."
Nagtitigan kaming dalawa at alam kong sukatan na iyon ng galit naming pareho. Okay alam ko at hindi ko naman nakakalimutan na dahil sakanya nakakapag-aral pa ako at may pantustos. Diba sinabi ko na magkasama na kami since elementary? Yun ay dahil inampon ako ni Auntie Mar niya mula sa ampunan kaya nga kami super close eh. Magmula nung maging close kami palagi nalang akong nakabuntot sakanya kahit saan siya magpuntang lugar. Ayos naman eh kaso pati schools at bahay gusto niya magkalapit kami lalo na ng mamatay na si Auntie Mar, devastated at malungkot ako nun pero kaya ko naman ang sarili ko eh ayoko ng maging burden sakanila pero nag-insist siya na alagaan ako kaya eto ako ngayon parang naging aso na sunod-sunuran sakanya. Malaki ang naging utang na loob ko sakanya at sa pamilya niya. Kaya nga badtrip eh siya nalang nagdedecide para sakin.
"Alam mo ang law-law din ng tornilyo mo eh, kakalipat lang natin dito kasi sabi mo gusto mo ng maging independent at humiwalay sa puder ng magulang mo pero sinama mo parin ako muntanga ka lang eh, tapos ngayon lilipat nanaman ako?!"
Ayaw na ayaw ko pa man din ang ganitong mga requests niya na napaka-unreasonable. Nung pasukan lang kami nalipat dito kasi malapit dito yung apartment niya okay namin pero secret lang ah wag niyo pagsabi. Agad siyang nakilala ng mga tao dito kasi naman sikat ang pamilya niya at mayaman sila Carlo pero aaminin ko, nakakainis na talaga ugali netong mokong na ito.
"Ano pa bang magagawa mo? Nakapag-decide na ako. Lilipat ka ng school sa ayaw at gusto mo"
Ginulo ko ang buhok ko at nagmaktol kasi naman eh!! Ayoko ngang lumipat eh bakit ba kailangan lumipat!? Patuloy lang ako sa pagmamaktol at pagdabog kasi di ko naman siya masaktan, namamatol kaya yan medyo mapanakit yan eh. Minsan naiisip ko bakla talaga siya walang awa eh lagi pa man ding nanabunot.
"Kung makapagdabog ka diyan akala mo inaano ka ah, lilipat ka lang naman eh. Ishie wag ng makulit okay?"
Lumapit siya sakin atsaka ako niyakap at hinaplos ang buhok ko o yan ang pananabunot niya. Tsk oo na joke lang yung naisip ko kanina nakakainis kasi siya eh ano nanaman kasi ang nangyayari at lilipat nanaman, lagi nalang. Ayoko na mag-adjust!!!
Ang hirap kaya maglipat-lipat ng school! Kumg isa o dalawang beses mong naranasan siguro masaya pa pero kung halos buong school life mo eh lipat-lipat ka ewan ko lang kung matuwa ka pa. Palagi kaya akong outcast sa school na nililipatan namin kasi madalas di naman kami magkaklase kasi nga bobita ako siya genius.
"Ihhh! Ayoko ngang lumipat, pwede bang wag nalang?"
Sabi ko matapos kong tanggalin ang pagkakayakap niya sakin. Yakap yakap di naman kami bati hanggat di siya pumapayag na walang lipatan ng school na magaganap. Ang saya ko na kaya dito mababait yung ay onga walang mabait na teacher, isa lang pala. Tapos ayun may nakilala nga ako eh sila Tyson saka Maxnyakol--oo nga!!!
"Ishie hindi. Gusto kong lumipat ka--Saan ka pupunta?!"
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Nag-ring na ang bell kaya marami na ang mga estudyanteng nagkalat sa hallway kaya di na ako nahabol pa ni Carlo. Sige lilipat ako ng school pero may isasama ako! At makakaalis narin ako sa puder mo sa wakas!!! Ayoko ng ginagawang under at pinapasunod sa kung anong sabihin na gusto ipagawa sakin tapos agaran pa, wag na uy! Thanks and Goodbye nalang!

BINABASA MO ANG
The Ideal Girlfriend
Fiksi RemajaIdeal ba kamo? Baka si Ishie na ang hanap mo! Ideal sa lahat yan! Looks....ah teka bakit ba yan yung inuna natin. Ugali.....wait ah, baka yung next check na. Appeal.....whoo! Marami pa, marami pa! "Hoy! Patayin mo na nga wifi" Pano ba yan pinapapat...