Kabanata 14: total of 700

10 0 0
                                    





🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷

Ishie's POV

"Luh."

Napalunok ako ng laway dahil sa dami ng dala nilang lobo at cakes na dinaig pa ata ang pa-birthday. Lahat yun nakuha nila sa loob ng 15 minutes!? Tapos personalized pa kasi sa bawat lobo may nakasulat na

"We're sorry, Ishie"

"What? Magtititigan nalang ba tayo dito?"

Napa-kurap ako dahil sa nagsalitang si Max. Oo nga may sinasabi sila kanina eh kasi bumubuka yung bibig nila pero hindi ko marining kasi in state of shock parin ang lola niyo.

"A-ang dami.."

Ang tangi ko na lamang nasabi, ang dami naman kasi talagang lobo at cakes nian!! Sino kakain niyan, ako? May isang parte sakin na naglalaway at gusto ng kumain nun pero may isa ring parte sakin na nasusuya na kahit na tinitignan ko palang. Gusto ko ng cakes, mahal ko sila pero lahat ng sobra nakakasuka, nax.

"Konti nga lang to eh, may 50 pieces pa dapat na cakes at 200 na dagdag sa lobo kaso sabi nila 30 minutes daw ang pinakamabilis na time na mabibigay nila samin kaso ayaw na maghintay ni Max kaya ayan eto lang."

Nanlaki naman ang mata ko sa dami ng sinabi ni Tyson kasing dami ng bitbit nila ngayon.

"Haaa!!? Eh ilan ba yang mga yan?"

Tuturo turo pako sa bundok-bundok na dami ng dala nilang cakes at balloons...

"Atsaka pano niyo nadala yan lahat dito? saan kayo kumuha ng ganyan karaming cakes at balloons na personalized pa sa loob ng 15 minutes?!"

Napasigaw na ako sa sobrang confused at bilib, nakakaloka kaya ayoko na atang isipin o itanong magkano nila lahat nabili yan.

"This costs 197, 589 php all in all. These cakes are expensive and the balloons are not your regular balloons they're special and  personalized, you know."

BANG!

"Ahhhhhhh!!!!!!"

Kinginang Max yan bat alam niya yung pinaka-ayaw kong malaman!!! Siguro napansin niya na kapos na kapos ako sa pera ngayon at maloloka ako sa mga taong wagas kung mag-waldas ng pera kasi nga gipit ako!!! Pusang gala talaga ano bang klaseng balloon ang special? May ginto ba yung goma nian tapos mabangong helium ba ang ginamit pangbomba jan kaya mahal at special!!!!

"Ppfftt....Max, stop teasing her. Para sagutin ang mga tanong mo...ahm nasa 300 pieces yung balloons na nagawa nila kasi nga 10 minutes lang binigay namin palugit dapat talaga 500 yan lahat tapos as for the cakes 150 pieces lang na dapat is 200 kaso nga yung 50 pieces di dumating. Yung lobo inorder namin sa shop ng kakilala namin tapos yung cakes bali may 43 stores kaming kinuhaan. Kung paano namin nadala hmm..yung cakes sa kotse ko tapos yung balloons kay Max."

Naka nga-nga nalang ako sa mga pinagsasabi ni Tyson habang nakangiti at parang wala mang issue sakanya. Takte ang OA kaya!!!masaya nako sa dalawang cakes at tatlong balloons tapos kahit sila nalang magsulat sa bondpaper na "Ang ganda ng nagbabasa, sori na Ganda."  Ganon!!! Pwede na yon!!! Tinignan ko yung mga balloons at cakes nila nung hindi ko pa alam kung ilan yun nanghula ako pero hindi kasing taas ng totoo nilang bilang yung mga nasa 60 na cakes tapos 70 na balloons ganon hindi yung nadoble o triple ang bilang!! My gash!!

"So? What now?"

"Ikaw Maxnyakol ka napaka mo talaga yih!!"

The Ideal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon