Kabanata 22: Ishie's triggered

15 0 0
                                    





🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷

Tyson's POV

Alam ko naman na balang araw ay darating na ang kinakatakot ko —ang mawala na ng tuluyan si Max sa akin. Lalo pa ngayon na tapos na kami ng high school...sa business world kasi hindi naman mahalaga ang college mo, of course kailangan mo parin mag college at makatapos pero magsisimula ka ng mag-concentrate sa kapakanan ng business niyo lalo na kung kasing laki ng negosyo nila Max ang negosyo niyo. Dahil future plans na ito para sa kanya, natural lang na as early as now mag-arrange na sila ng kasal para narin mas maging close yung dalawa.

Sa mga sandaling ito iniisip ko...may namagitan ba talaga sa amin ni Max? Nagmahalan ba talaga kami? Minahal ko ba talaga siya? Minahal niya ba talaga ako? Sana bago kami tuluyang maghiwalay at magkanya-kanya na ng landas, sana maisip ko na naging masaya kami at minahal niya rin ako para masaya ko siyang ma-i-let go.

"Ako na nga ang bahala diba, bakit hindi parin natin itutuloy ang flight pa-Japan??"

"Alam mo manahimik ka nalang, mas gusto kong makasama ang taong mahal ko sa sandaling meron nalang kami ngayon."

Napalingon ako sa sinabing iyon ni Max. Ang bigat sa pakiramdam. Parang gusto kong tumakbo nalang kami sa malayo para wala ng makakapaghiwalay sa amin.

"Huwaw ang OA talaga ng lovers na ito."

"Ishie...sorry ah."

Mahal ko lang kasi talaga si Max...

"Tsk. Ambot sainyong dalawa! Teka teka Maxnyakol kelan ba meeting para sa engagement niyo?"

"Why?"

"Sagutin mo nalang, diba sabi ko sayo may plano ako? Tsk."

"Next sunday."

"Olrayt."

Hindi ko alam kung ano ang balak gawin ni Ishie pero kung ano man iyon, hindi na ako aasa dun kasi wala naman makakapagbago sa isip ng magulang ni Max unless magkaroon ng himala sa susunod na linggo at umatras na ang fiance niya. But it was Lexy Ross isa sa pinaka makapangyarihang finance group na kasosyo nila Max.

We are rich but they are ten times richer. Hindi mo sila basta basta marereach dahil sobrang taas na ng narating nila sa mundo.

Naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak ni Max sa kamay ko habang nagdadrive kami pauwi ng bahay. Ayaw na kasing mag-taxi ni Max kaya kinuha nalang niya ang audi niya, si Ishie naman ay tulog na sa backseat at naglalaway pa nga.

"Glen.."

Pansin niyo ba na per occassion lang ako tinatawag ni Max sa pangalawa kong pangalan? Hindi ko alam ang rason niya bakit sa tuwing galit siya sakin, malungkot siya, nagsesex kami at naglalambing siya sakin yan ang tawag niya palagi.

"Max.."

"Don't worry I will get this wedding arrangement off."

Hindi ako makasagot sa pahayag na sinabi niya kasi hindi ko alam ang mararamdaman ko, malulungkot ba ako o matutuwa? Malulungkot kasi sumusuay siya sa magulang niya para lang sa relasyon naming hindi naman talaga tanggap ng kahit na sinong may strong sense of definition about gender and normality lalo na ng pamilya naming pareho o matutuwa kasi alam ko at ramdam ko na mahal na mahal niya ako.

"But Max—hmmmp!

Bigla siyang pumreno at hinalikan ako ng madiin pero biglang may bumalibag na katawan ng tao sa gawi namin at yun ay—

"ANAK NG LEMON JUICE! Anong klaseng—OMG! Ang sakit ng ulo ko huhuhu saang matigas na bagay ba ako nauntog at grabe naman may bukol ata ako eh..."

The Ideal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon