Kk.🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷
Ishie's POV (teka dapat ba Razel na? Hahaha)
"Pumasok muna tayo sa loob, okay?"
Pilit kong pinapakalma silang dalawa leche naman! Kinukwelyuhan na ako ni Maxnyakol ready to punch na! Mygash! Ayoko magka-pasa!!!! Si Tyson naman may hawak ng pamalo...huhuhu pumapatol pala itong mga itlog na ito sa babae!! Babaeng kagaya ko na maganda at mabait saka ---
"Awww..!!!"
Humigpit kasi ang kapit ni Maxnyakol sa kwelyo ko eh nakabutones pa naman ito hanggang leeg!! So kapag hihigpitan niya mas nasasakal ako!!! Huhuhu ayoko naaaa
"Ma-makinig .."
Hindi ko na masabi ang gusto kong sabihin kasi hindi na ako makapagsalita dahil sa ginagawa ni Maxnyakol. Kitang-kita ko kung paano siya mamula sa galit kahit na meyo tan yung kutis niya namumula parin siya, daya ako pumuti lang sa lotion eh kaya di namumula kahit nasasakal na hmp! Mga mayayaman talaga oh!!
Bilib din ako sa sarili ko dahil kahit nasa bingit na ako ng kamatayan nagawa ko paring mainggit. I'm so fabulous talaga.
Gigil much naman itong si Maxnyakol, masyado siyang pikon. Ang OA nia!!!!
"Max, tama na yan"
Isang sabi ni Tyson at binitawan niya ako.
"HAAAAA!!"
Makamatay na pag-inhale at exhale ang ginawa ko nung binitawan niya ako. Salamat naman at buhay pa ako!! Pero hindi lang si Maxnyakol ang nagagalit, nyemas siya!!
"Ishie, ngayon magsalita kana..."
Marahas kong tinignan ng masama si Tyson. Nakakapikon na sila noh, hindi ko naman sila sinaktan ah saka hindi ba nila inisip na may plano ako kaya bigla akong nagpakita at kaya dinala ko sila dito? Masyado silang judgemental.
"Alam niyo, lahat ng tao may hangganan! Sinaktan ko ba kayo? Hindi. Nagdrive lang kayo ah!! Gas ba problema niyo? Eh milyones nga yung pera nio!! Inaway ko ba kayo para magalit kayo ng ganyan sakin? Ha!! Hindi nio pa nga alam yung plano ko at kung bakit ko kayo dinala dito tapos nagagalit na kayo agad!!! Hindi ko naman kayo inaaway eh, gusto ko pa nga kayong tulungan pero alam niyo ba yun? Alam niyo ba na gusto ko kayong tulungan? Hindi!! kasi bakit? Pinagsalita niyo ba ako? Pinakinggan niyo ba ako? Hindi. Sinakal niyo ako agad tapos nag-ready na kayong saktan ako!!! Mapang-husga kayo masyado kala niyo ang taas-taas niyong tao! Pare-parehas lang tayo ng hahantungan, mga bwiset kayo!!!"
Hingal na ako ng matapos akong magsalita, sila mukhang na-guilty dahil sa ginawa, dapat lang. Masyado silang OA eh hindi naman sila inaaway. Mangiyak-ngiyak ako dito kasi naman pagbitaw sakin ni Maxnyakol mas masakit pala kasi ngayon ko lang naramdaman ang higpit ng sakal niya kanina, takte lang. Hirap kong tinanggal ang butones ng polo shirt na suot ko, hindi ko na keri ang sakit kayaaa!! may bakas pa ata.
"Ishie..."
"Wag mo nga akong ma-Ishie-Ishie Tyson! Pinapalit-palit niyo pangalan ko tapos Ishie ka ng Ishie jan!!"
Nang matanggal ko na ang butones dumiretso na ako sa pinto at mabilis na inunlock yun, pagkabukas ng pinto ay mabilis akong pumasok pero hindi ko sinara. Naramdaman ko namang sumunod yung dalawa at pumasok na sa loob ng bahay.
Wala akong marinig na salita sakanila habang umiinom ako ng tubig. Ano! kasi masyado kayong OA eh hindi niyo muna ako pakinggan!
"Ishie..."
"Ano Tyson? Ngayon mo ipalo sakin yang hawak mong baseball bat."
Pagkasabi ko nun ay napayuko siya at hinagis sa labas yung baseball bat na hawak niya parin hanggang ngayon. Kung makakuha kasi ng pamalo wagas, ano ba sa tingin niya laban ko sakanya? Babae lang ako eh siya? Ayun oh namumutok ang muscles.

BINABASA MO ANG
The Ideal Girlfriend
Novela JuvenilIdeal ba kamo? Baka si Ishie na ang hanap mo! Ideal sa lahat yan! Looks....ah teka bakit ba yan yung inuna natin. Ugali.....wait ah, baka yung next check na. Appeal.....whoo! Marami pa, marami pa! "Hoy! Patayin mo na nga wifi" Pano ba yan pinapapat...