Kabanata 9: R.I.P Ishie Jane Corayne

21 0 0
                                    



.....

Kk.

🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷

Ishie's POV

Literal ata akong napako sa kinatatayuan ko, masyadong intense ang boses ng isang to as in!! Sobrang lalim!!!! Pero ang mas nakakaloka ay kilala niya ako AT NAKAHAWAK SIYA SA BRASO KO NGAYON!

Mama!!! Huhuhu hindi ko alam kung saan ako mapupunta dahil sa lalaking to. Ayoko po!

"W-wag po, maawa kayo sakin..."

Sabi ko na halos pabulong kasi naman ang hirap magsalita habang nanginginig ka eh. Mas humigpit ang hawak niya. Maya-maya dumating na ang pinaka kinatatakutan ko sa sitwasyon kong ito--may kotseng itim ang nag-park sa harap namin. Naramdaman ko ang tela sa bibig ko kaya alam ko na yan..yung parang sa movie. Bago pa ako makasingot nun ay nagpanggap na akong tulog kaya sinalo na niya ako pero leche ang tagal niyang alisin sakin yung panyo hindi na ako makahinga! Nung inalis na niya sakin ang panyo ay dali-dali naman akong bumangon sa pagkakasalo niya at binigyan siya ng matinding suntok sa tiyan pero parang mas nasaktan ata ako sa tigas ng tiyan niya kasi parang walang effect kaya bago pa siya maka-sabay sa mga nangyayari sinipa ko na ang binti niya yung sa may buto para ramdam. Malakas ako manipa yun ang asset ko noh per huwag kayong malito, hindi ako kabayo kaya nung napa-aray ko siya mabilis pa sa cheetah ang ginawa kong pagtakbo.

"Whoo!"

Sigaw ko na hinihingal, hindi ko alam saang direksyon ako tumakbo basta alam ko lang--









Blackout.




















"Ang tagal naman magising niyan."

"Nahimatay yung tao, anong ini-expect mo."

"Huwag mo akong simulan."

"Ano bang ikinagagalit mo!?"

"Hindi mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Tama siya, ang shunga naman nung kausap niya. Nako ang sarap pa ng tulog ko ang ingay-ingay na nila diyan. Sino ba mga tao diyan at hindi manahimik. Napamulat ako ng hindi sadya dahil parang may nagkakagulo na, nagsipagbalibagan na yung mga gamit!!! Oh my gashness! Natutulog pa ako eh! Naman ehhhhnhn

"HUWAG MO AKONG PINIPILOSOPO, TYSON GLEN."

Nung makita ko na kung sino ang mga hayop na pumasok dito at nang-istorbo sakin napakamot nalang ako ng ulo at napabuntong hininga.

"Ano ba naman yan! Akala ko magnanakaw na yun pala kayong dalawa lang! Anong ginagawa niyo sa kwarto ko? At dito niyo pa talaga naisipang mag-away ha, mga tukmol?"

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at napatingin naman yung dalawa sakin. Medyo kumalma naman sila at binitawan na ni Maxnyakol ang pagkaka-kwelyo niya kay Tyson, bugbog sarado talaga itong si Tyson sa shota niya. Bugbog na nga sa kama pati pa sa verbal at physical.

"Ishie, gising kana.."

"Ay hindi nakapikit pa ako."

"Tch. Where did you disappear to?"

"Hindi naman ako nawawala ah?"

Minsan nabubobohan na ako kay Maxnyakol. High blood siya lagi na parang buang pero mas nakakahigh blood kashungahan niya eh.

"Nawawala ka kanina Ishie, hindi ka namin mahanap kahit saan."

Bigla kong naalala yung pagtago ko kanina sa SBO room. Naalala ko sila sofa at pader, oo nga pala. Hindi ko naman pwede sabihin sakanila yun kasi malilintikan ako.

The Ideal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon