Kabanata 17: London Creep HS1

16 0 0
                                    


Huaweiiii!!!! 200 reads OMG bwahahahaha THANK YOU😭😭😭
Late update kasi tinamad si Otor 😂😂

🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷

Ishie's POV

"ANO BA MAXNYAKOL---

Tinakpan niya ang bibig ko kasi sumigaw ako, ikaw kaya ang kurutin di ka maiinis tapos nakisigaw din kaya yang si Tyson hindi ko nga alam anong nangyari at naki-sigaw siya eh pero hindi talaga sigaw impit na sigaw ganon, parang ungol. Si Maxnyakol naman napamura eh hindi ko naman kasalanan na mapasigaw ako ng malakas eh kinurot niya kaya ako tapos siya tong may ganang magmura aba!

"Shut you fckn mouth."

Masama at halata mo ang galit sa mukha niya, pashneya siya ba yung kinurot!? Siya ba yung nasaktan?! Bakit siya yung galit!!!!!

"Anong shut shut , shutshuttin kita eh! Bakit kaba kasi nangungurot eh wala naman akong ginawa sayo!!"

"Pwede bang hinaan mo ang boses mo!"

Halata mong nagtitimpi nalang siya at namumula na sa galit, konti nalang ata masasapak nako nito eh. Pinagtitinginan narin kasi kami dito ngayon pano ba naman kasi ang lakas ng boses ko eh pero bakit ba naiinis ako eh. Gusto ko nga matulog di ako pinatulog sinama-sama pa ako dito tapos kukurutin pa ako, nakakasar kaya!!

"Ayoko nga eh!!!! Nangung--

Tinakpan nanaman niya ang bibig ko at mas masakit ang pagtakip niya ha, aray ha.

"Man, shut your girl right."

"Sorry bro."

Pakinig kong pag-uusap nila nung isang foreigner na mukhang nabubwisit na sa sigawan namin dito. Bakit public naman to ah hindi naman niya pagmamay-ari duhhhhh....upakan ko siya eh. Naramdaman ko naman ang pagtanggal ng kamay ni Maxnyakol sa bibig ko at magsasalita palang sana ako ng bigla niya akong hilahin na kulang nalang humiwalay yung buong kamay ko sa katawan ko sa lakas ng hila niya, highblood!!!

"Masakit..."

Kanina iniisip ko pang sumigaw ng sumigaw pa kahit na hinihila niya ako sa kung saan para mas mainis siya pero hindi ko na natuloy yung plano kong iyon kasi naman ang higpit ng hawak niya sakin, habang naglalakad kami pahigpit din ng pahigpit eh. Kaya napa-concentrate nalang tuloy ako sa kamay ko tch.

"You stupid girl... kapag sinabing manahimik ka tatahimik ka!"

"Oh bakit ikaw nanaman ang nasigaw ngayon? Hindi kana ba nahihiya ngayon kasi pikon kana ha!?"

"Tss. You really are stupid, look around you."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya pero dahil sa kuryusidality tiinignan ko nga ang paligid at viola! Nasan kami???? Bakit parang walamg katao-tao dito at bakit parang parang OMG!

"San mo ako dinala ha Maxnyakol! *gasps* Wag!! Si Tyson, malulungkot siya. Kaibigan ko siya at hindi ko siya kayang saktan--awww!...masakit ah!!"

"What the fck are you saying? Have you gone crazy!?"

English english pa akala mo naman makaka-relate ako eh. Tss.

"Oh sige na ititigil ko na! Ang OA ng reaction mo eh, kung makapanabunot ka sa buhok mo kulang ang salitang "bwiset" sayo eh. Kung hindi kaba naman kasi nangungurot bigla jan tapos may kasama pang mura!"

Ang Maxnyakol na nakikita ko ngayon ay isang taong gusto na akong itapon sa planetang Jupiter kasi masyado ng gamit ang Mars. Nag-iisip na siya ng paraan para mapatalsik ako dun. Hindi ko naman siya masisisi sa ingay at nakakalokang ganda ko noh. Hindi ko na alam ang happenings pero ang alam ko lang antok na antok na ako at wala na akong pakialam sa lahat pero sa kabila ng kawalan ko ng pake ayun nakita ko parin kung paano magtangis ang bagang ng kausap kong lalaki, anlakas ng loob niyang magmukhang badtrip eh siya tong badtrip eh.

The Ideal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon