Sa lahat ng nag-aaral po, mag review po kayo. Wag nio po akong gayahin na kung ano-ano inaatupag imbes na pag-aaral. Thank you.Kk.
🐷🐷🐷🐷🐷🐷🐷
Ishie's POV
Nakakaiyak naman ang sitwasyon ko...huhuhu walangya yung dalawang yun! Pinatay ba naman ako!? Wala ng makakakilala sakin niyan!!!! Pero sabagay, hindi ko rin naman alam kung sino talaga ako eh kasi nga galing akong ampunan...ang sigurado lang ako Corayne ang surname ko kasi yun yung naka-burda sa damit ko na suot ko bago ako mapulot sa tae ng kalabaw nila sister, de joke sa tapat ng pinto ako nakita di sa tae ng kalabaw noh, ew.
Kaya ayun, medyo buhay ko na rin naman ang makalimutan ng tao, dagdag mo pa yang si Carlo na halos every year ata naglilipat ng school. Isang school na nilipatan namin ang pinaka nagustuhan ko at yun ang paborito kong parte ng buhay ko sa ngayon, malay ko ba kung may naka-plano pa sakin si God diba.
Halos buong high school namin ni Carlo dun kami kaso nga lang may palinga-lingang lipat pero dahil nga madalang lang si Carlo nalang ang lumilipat-lipat nun kasi natamad narin siyang mag-asikaso ng mag-asikaso sakin, di nalang kasi ako pabayaan kaya ko naman. Pero kahit ganun si Carlo mamimiss ko siya....siya lang ang kasama ko buong buhay ko, siya ang nagpalawak ng mundo ko, siya yung kuya/bestfriend ko atsaka siya yung kaisa-isang taong kailangan ako.
Alam niyo bang kulang nalang ang theme song ng MMK dahil sa kadramahan ko. Kasalukuyan kasi akong nasa tapat ng sakayan ng bus, kanina ko pa nakikita yung mga bus na pwede kong sakyan pero hindi ko pinapansin. Nakatahimik lang ako dito at naka-upo sa isang bench habang pinagmamasdan ang paligid. Tanghali na kaya medyo dumami na ang tao, ewan ko kung bakit pero dumami sila ng mag-tanghali eh! Kanina pa kaya akong umaga dito pero hindi parin ako sumasakay.
Napatingin ako sa malaking maleta na dala ko...chineck ko yung laman nito kanina at napa-wow nalang ako kasi hindi lang malinis ang pagkaka-ayos kundi kumpleto ang gamit. Ganun na ba talaga nila ako gustong paalisin sa mundo...
Razel Fawn Craxiol
Ulila.
18 years old.
Nakatira sa isang malayong probinsya ng Cebu.
Hindi na nag-aaral at kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Ipinanganak noong September 17, secret sa isang center ng isang Barangay.
Blood type O-
Star sign: Virgo.
Single
Accepting suitors
No make up, No filter look all the time (kahit sa selfies)
Ex boyfriends:
Roronoa Zoro -nagbreak dahil kay Robin..ayos lang mas bagay sila kasi natatalbugan ng kagandahan ko si Zoro
Mabuchi Kou- sumama kasi kay Futaba, nagsawa na ako sa cold-tall-dark-and-handsome feature niya eh hehe.
Takishima Kei-di ko kinaya bes, talino eh. Binalik ko nalang siya kay Hikari.
Kazehaya Shota-nakita niya kasi si Sawako, ayan iniwan ako. Badtrip.
Akira Sendoh-mas mahal niya raw si Rukawa lol yaoi din sila parang sila Tyson❤️😂
Sakuragi Hanamichi-ayun naki-love triangle sakanila Sendoh, badtrip din to eh XD
Yamato Kurosawa-si Mei kasi, pogi pa man din to. Sayang tsk.Mga naglaway sakin:
Daniel Matsunaga
Christopher Martin
Jake Vargas
Jake Zyrus (LOL)
Mark Herras
Alden Richards
James Reid
Piolo Pascual
Dennis Trillo
Jericho RosalesMga pina-asa ko:
Furukawa Yuki-mas bagay kasi sila ni Miki kahit pa ten years gap, OTP ko yun hahaha
Kento Yamazaki-maggawa muna siya ng maraming live action para may panoorin ako.
Rain
Lee Min-ho
Song Joong-ki-kaya nga natuloy kasal nila Song Hye Kyo eh nyahahaha.
Lee Dong Wook
Kim Soo-hyun-alien kasi eh.

BINABASA MO ANG
The Ideal Girlfriend
Teen FictionIdeal ba kamo? Baka si Ishie na ang hanap mo! Ideal sa lahat yan! Looks....ah teka bakit ba yan yung inuna natin. Ugali.....wait ah, baka yung next check na. Appeal.....whoo! Marami pa, marami pa! "Hoy! Patayin mo na nga wifi" Pano ba yan pinapapat...