CHAPTER 1

7.6K 128 6
                                    

Psyche's Pov

(SYKIE ang pag pronounce ng name niya :)) ) 

"Psyche anak paki deliver naman nitong Tapsilog nandiyan yung address sa papel" utos sakin ni mama habang inaayos ang lalagyan

Mayroon kaming sariling Tapsilugan.. Si Mama mismo ang nagluluto maraming bumibili syempre masarap luto ng nanay ko kaya nakakaahon naman kami sa hirap ng buhay. Kami nalang ni mama ang magkasama.. yung papa ko kasi sabi niya ay patay na daw.

Hindi nako nagtatanong tungkol sa papa ko kasi hindi naman ako sinasagot ni mama basta ang sabi niya namatay daw ang papa ko sa ibang bansa sanggol pa raw ako kaya siguro ayaw ng pag usapan ni mama dahil nasasaktan siya kaya nirerespeto ko iyon..

Siguro chinito yung tatay ko kasi singit ang mga mata ko saka kutis porselana ako. Hindi naman kasi ganun kaputi si Mama saka hindi din siya singkit kagaya ko.

Ni hindi ko nga alam pangalan ng tatay ko eh. Surname niya lang ang dala dala ko.

Psyche Michelle Alvares ang real name ko.

"Sige ma"

"Mag iingat ka psyche"

Agad ko namang kinuha ang mga order na tapsi at saka sumakay sa aking color pink na scooter.

Hindi pako masyadong nakakalayo sa bahay namin ay hinarang nako ng mga grupo ni Amanda.. Isa sa pinaka kinakakatakutan at war freak dito sa barangay namin pero hindi ako takot sakanya mas takot ako sa nanay ko grabe yun pag magalit lumilipad ang mga gamit.

Kaedad ko lang naman ito 18 years old. Mabait siya kay Mama pero sakin hindi. May Favoritism

"Staph!" Sigaw niya

Bwisit naman oh nagmamadali ako! Asan na ba kasi si Diego! Si Diego yung tropa ko.

May gusto kasi siya kay Diego hindi ko alam kung anong kinakukulo ng buchi nito sakin.. Siguro ay nagseselos dahil close kami ni Diego. Gwapo kasi si Diego kahit na dugyutin minsan. Moreno at matangos ang ilong saka matangkad kaya maraming babae ang nagkakandarapa sakanya... Except sakin parang kapatid ko na nga siya eh.

"Ano na naman ba? Pwede ba umalis kayo sa harap ko nagmamadali ako"

"Gusto ko lang sabihin na layuan mo si Diego!" Sinasabi ko na nga ba. Abah nanlilisik mga mata niya pero di ako natatakot.

"Luh para kang tanga bakit kasi hindi mo maamin amin  kay diego na gusto mo siya" pagkasabi ko non ay bigla siyang natahimik.

Hindi naman pangit si amanda morena siya saka kakaiba naman ang ganda niya saka boyish din ito kaya nagulat ako ng may gusto pala ito kay diego matagal na.

"Tabi!" Sigaw ko sakanila

Eh pano naman kasi masikip na nga yung daanan eh lalo pa nilang pinapasikip.

"Aba sasabunuta--" hindi niya na naituloy ang sasabihin

"Hoy padaanin niyo nga si Psyche lagot kayo ki Tita Pearl kapag hindi niya agad na deliver yung Tapsilog!"

Hay salamat buti naman at dumating si Diego. Agad namang nagsialisan ang limang kasama ni Amanda at siya nalang ang natitira.

Wow strong.

"Thanks Diego..." sabay ngiti ko sakanya

"Ingat ka!!" Kumaway siya kaya kumaway di ako.

Muli kong tiningnan si amanda na ang sama makatingin sakin  kinindatan ko nalang siya.

;)

Tiningnan ko ang papel kung saan nakalagay ang adress ng paghahatiran ko.

Faharra University o FU

Hala uy yung dream school ko.

Masaya ako dahil makakapasok ako sa dream school ko. Pagkarating ko don ay pinapasok naman ako kaagad nung guard sa faculty ko raw ito dalhin ang mga Tapsilog. Sabi ko na nga ba at mga teachers ang nagorder neto.

Nagmamadali akong tumungo sa Faculty na sinabi sakin ni Kuyang guard.. Tatakbuhin ko na nakakahiyang mag stay dito eh ng biglang.

*BLAAAAAAAG*

"FCK LOOK WHAT YOU'VE DONE!"

Omg natapunan ko yung lalaki ng Tapsi

"PASENYA NA PO NAGMAMADALI PO KASI AKO" Kumuha ako ng panyo at pinunasan ko yung uniform niyang natapunan ko

"Dude are you okay?" Biglang sumulpot yung gwapo niyang kaibigan

"Do I look okay!? Damn it!" Grabe kung makakapatay lang ang tingin mga chong nakaburol nako ngayon.

"Sorry..Lalabhan k--"

"WHAT!? PAY IT"

"Huh? Natapon na nga tong paninda ko tapos pagbabayarin mo pako aba! Hindi ko naman po sinasadya"

"Its your fault idiot!"

"Babayaran mo tong Tapsi ko kasalan mo din naman eh sinalubong moko" mas lalong sumama ang tingin niya sakin yung kilay niya nga halos magkadikit na

"So Its my fault little idiot!???" Umatras ako dahil unti unti siyang lumalapit sakin

"Sorry na wala akong pa-pambayad eh..."

"Its okay...*smirk* There is some other way for you to pay..."

Shocks!

"Dude stop it miss pasensya na here take it" sabay abot nung kaibigan niyang gwapo sakin ng tatlong libo

Tatlong libo!?

"P-pano tong order nung teachers?"

"Sasabihan ko nalang na mag order nalang sa iba"

"Pero sobra tong 3k"

"Dude mas kinakampihan mo pa yang babaeng yan kesa saken!?"

"Atleast matino yang kaibigan mo at nakakaintindi.. Nagsorry naman na ako sayo ah hindi ko naman sinasadya nagmamadali lang ako kasi ayokong magstay ng matagal dito nag ooffer din ako na lalabhan ko yang uniform mo or baka gusto mo tahian pa kita ng bago!"

"YOU!!!!!!" Sabay turo niya sakin kaya naduling ako 

Hindi nako nagdalawang isip at saka tumakbo na ng mabilis.

SHEEEZ ANG MALAS KO NAMAN NGAYON.

ARTE ARTE NAMAN KASI NONG LALAKING YON ANG GWAPO GWAPO SANA HALOS MALAGLAG NA NGA PANTY KO SA KAGWAPUHAN NIYA PERO FEELING NAMAN AMP!

Nagulat ako ng biglang may humila sakin ng pagkalakas lakas at sa sobrang bilis ng pangyayare ay nagkadikit ang mga labi namin.

Halos matanggal na ang eyeballs ko sa sobrang pagkagulat at ganun din siya.

"OMG!"

"WHAT THE FCK!"

Yan ang mga salitang lumabas sa aming mga bibig pagkatapos ng kiss nayon..

YUNG FIRST KISS KO NAMAN!!!! SABI KO IBIBIGAY KO YUN SA 1ST BF KO EH!!!!! BADTRIP!

TO BE CONTINUE.....

The Bad Boy's Obsession [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon