Kringggggg!
Blag !
Alarm clock ko yun nahulog, ayan kasi ang ingay ingay , yan bagay sayo !
"Yzabelle, gumising ka na diyan at baka mahuli ka na sa klase mo!"
Si mama yun, araw araw siyang ganyan.. Oo, at araw araw narin akong naririndi sa palaging pagsigaw ni mama. Pero yeko lang, alarm clock ko na bale ba .
"Babangon na Po!" Sigaw ko pabalik kay mama
Bumangon na ako at naligo sa banyo ko dahil kung madatnan ako ni mama na hindi pa handa ay, ratatat na naman yung mini gun niyang bunganga di pa naman yun nauubusan ng bala.
Ayh ! Di pa pala ako nagpapakilala , ang daldal ko ba ??Ako nga pala si Yzabelle Fuentes, Belle for short . Ayoko ng Yza kasi parang nagbibilang, Yza kasunod ay dalawa, tatlo, apat... Hahaha corny ng joke ko no ??
Nga pala, I'm 19 years old pero yung height ko pang 13 years old baka nga mas matangkad pa ang trise anyos eh. Tsktsk !! Pero gifted ako sa pagiging baby face , inggit sila 😛😛😛"Yzabelle, ano ba ! Bumaba ka na diyan at ng makakain ka na. Naku, Ikaw talagang bata ka, parati ka nalang late gumising!"
Ayan na, nagsimula na naman siya.
"Opo andiyan na" sagot ko at saka bumaba
"Goodmorning ma"
"Morning, kumain ka na at para mahatid na Kita" Sabi ni mama
Umupo ako at kumuha ng hotdog at Kanin.
"Ma, malaki na po ako. Atsaka, diba binilhan niyo ko ng Ford Ranger baby ko kaya yun nalang gagamitin ko."
"Hindi, pag pupunta ka nang school ako maghahatid sayo baka dumaan ka pa kung saan saan na bata ka." Pag sermon ni mama
Hindi halatang over protective at walang tiwala si mama sa akin no ??
"Fine, whatever" sagot ko nalang para matapos na to .
Nasasaktan talaga ako kapag naiisip kung wala nang tiwala si mama sa akin at grabe siya kung maghigpit sa akin. Kunsabagay, di ko naman siya masisi, sa pangyayari ba namang ganun...
Kinuha ko na ang mga gamit at bag ko dahil first day of school ngayon pero late na naman ako.Habang nakasakay sa kotse, nag iisip ako kung ano bang mangyayari sa akin. Di ko ba nabanggit na, kakalipat lang namin dito at oo, transferee ako sa school na pupuntahan ko. May maging kaibigan kaya ako ??
Siguro masasagot ko lang yan pag andun na ako .
Good luck to me nalang.Author's Note :
Nagustuhan niyo ba ang first part ?? Sorry first time ko to ehh kaya sorry kung may mga errors kayong mababasa, cellphone lang gamit ko.
Sana always turn your page po sa story ko . Every other day po ang UD ko .
Thank you readers.
BINABASA MO ANG
When Ms.Manhater meets Mr.Womanizer
Teen FictionA girl that never believes on the existence of love and man in the world cause of the failed love she gave to a man in the past that only hurt her in the end. And there's this man that a total opposite of the manhater, he always have fun with women...